Senior Citizens’ Partylist: Kakampi sa Pagbabago

September 25, 2018

WALA nang mas lilinaw pa sa mga sinabi ni Congressman Francisco ‘Jun’ Datol ng Senior Citizens Partylist: Ang social pension na natatanggap ng mga kapwa niya senior citizens ay hindi galing sa lokal na pamahalaan; hindi ito proyekto ng iisang lokal na pulitiko; bagkos ito ay bunga ng TRAIN Law na pinagtulungang isabatas ng Kongreso at ng Pangulong Duterte.

Noong nagsimulang magtaasan ang presyo ng mga bilihin, marami ang bumatikos sa mga kongresista at sa  administrasyon sa pagpasa sa TRAIN Law. Ito raw umano ang sanhi ng pagmamahal ng presyo ng mga bilihin.

Pero sa pag-aaral ng Department of Finance, ang inflation ay sanhi ng mga lokal at global na factors. Ang TRAIN Law ay nagsanhi lang ng 0.4 percentage points ng  4.5 percent na inflation.

Ibig sabihin nito, ayon kay DOF undersectrary Karl Chua, kung ang P100 noong isang taon ay may halaga nang P104.50 ngayon, yung 0.40 lang ang ambag ng TRAIN Law sa pagtaas na ito.

Nakakapagtaka nga na yung mga bumabatikos sa TRAIN e siya rin mga unang gustong naka-pronta sa mga social benefits ng hatid ng naturang batas.

Ang mga benepisyo gaya ng pension sa mga senior citizens, ang Pantawid Pasada subsidy, atbp ay nakapaloob sa TRAIN Law upang matulungan ang marami nating kababayan na maapektuhan sa pagpataw ng mas mataas ng buwis sa krudo, asukal, sigarilyo atbp.

Kaya natutuwa ako na ang kinatawan pa mismo ng mga senior citizen sa Kongreso ang siyang nagpaliwanag sa mga benepisyaryo noong namigay ng pension ang DSWD sa Malabon City noong nakaraang linggo.

Si Congressman Datol na rin ang nagbalita sa ating mga lolo at lola na sa susunod na taon ay higit P3,000na ang makukuha ng mga senior citizen dahil nasa probisyon ito ng TRAIN Law.

Clean  Air Act itong September 19, itinalaga ako ng House of Representatives bilang myembro ng Joint Congressional Oversight Committee para tutukan ang implementasyon ng Philippine Clean Air Act of 1999.

Oportunidad ito lalo na’t alam natin na polluted na ang hangin hindi lang sa Malabon City kundi sa kalakhang Metro Manila.

Gagawin natin ang lahat para masigurong mapapatupad ang batas na ito nang tama. Noong may pumasyal nga sa opisina ko na dalawang batang taga-Malabon na laging champion sa mga marathon at triathlon, sinabi ng kanilang mga magulang na sa Bonificio Global City sa Taguig City pa sila nag-eensayo.

Bukod sa walang ligtas na espasyo ang Malabon City para sa runners at bikers, nakakaapekto rin sa ensayo nila ang usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Kaya minamabuti nilang sa BGC na mag-ensayo dahil maluwag at mapuno pa ang mga kalsada.

Kelan kaya magiging athletes’ haven ang Malabon City?

(I-follow sa Twitter si Cong. Ricky Sandoval: @Rep_Sandoval o i-like sa Facebook: @RickySandovalMalabon

Tagged Under