6,849

Seeking Divine Justice

  • Written by Manuel L. Morato
  • Published in Opinion
  • Read: 329

Mosquito-borne diseases are now rampant due to the onset of the rainy season. Iwasan po ang mga stagnant water, or pool of water at ‘yan po ang binabahayan ng lamok na nagdadala ng Dengue.

Sa totoo lang, ito pong hukay na ginawa sa lupain ng aking mga yumaong magulang dito sa Scout Gandia St., Barangay Sacred Heart, ay puno po ng stagnant water sa ibabaw ng malalalim na hukay. ‘Yan po ang iniingatan namin ngayon sa construction na maraming nagsasabi na hindi po daw dapat pinayagan ng City Council ng Quezon City at on the sidestreets of Morato Avenue at residential area buhat pa nong panahon ni Presidente Quezon when the City was founded in October 12, 1939. Bakit po pinayagang magtayo dito ng condo/hotel na 21-storeys? Dito nga po sa Tomas Morato Avenue na commercial area, pinayagan lang po akong tumaas hanggang 4th or 5th floor noong itayo ko itong building ko.

Tuloy po ang reklamo ng mga kapit-bahay dahil hindi po sila sang-ayon na itayo ang high-rise building po dito sa lupain ng aking yumaong ina na iniwan sa aming anim na anak, pero nawala po kaming limang magkakapatid sa bagong titulo.

Ipinapaalam ko lang po na sa anim kaming magkakapatid, lima po kaming walang alam diyan sa proyekto na ‘yan. Sana po huwag ninyo kaming idamay na lima kaya po nasa korte na ‘yang asunto.

Kaya naman po pala binigla at hindi ipinaalam sa aming limang mga kapatid ng aming bunsong kapatid, kasama ang Sta. Lucia Land, Inc. as developer and now part owner din kasama pa ang isang political family dito sa Quezon City. Sinadya pong biglain kami na hinding-hindi po kami papayag sa masamang balak nong grupo wasakin ang ancestral home ng aming magulang. Kaya pala inilihim sa amin.

Nais lamang po naming malaman kung papaano ito nangyari. Buhat pa pala noong 2014 ay pinaplano na itong proyekto na isinekreto sa aming lima; at sa lahat ng komunidad dito sa Barangay Sacred Heart. Magmilagro po sana ang Sacread Heart of Jesus na mapigil itong kawalanghiyaan na ito. Makarma po ang may kasalanan. Praying for Divine Justice to overpower those who did us wrong.

Naiintindihan ko po ang inyong mga hinaing at reklamo. Sa Barangay po kayo magreklamo at doon din po kaming limang magkakapatid nakikiusap kung bakit po ito nabigyan ng demolition permit nong Oktubre pa nong nakaraang taon 2017. Kung bakit naman po inilihim sa buong Barangay Sacred Heart, at sa mismong pamilya po namin na may balak ng gibain ang maganda na 6 bedrooms na bahay ng aming magulang nitong samahan ng tatlong parties of interest. Magkakasosyo po sila. Hindi ko pa po ma-esplika kung paano ito nangyari.

Sa mga kabaranggay namin:

Uulitin ko po na wala po akong alam sa proyekto na ito na kasalukuyan niyayanig ang ating mga bahay ng heavy equipments at ingay. Kami pong limang magkakapatid ay dumaranas din ng malaking kahirapan at abala. Hanggang kailan po tayo pahihirapan, hindi ko po masasagot. Ilan taon din po siguro ang pagtaas ng high-rise na 21-storey na ito. Pag umpisa na pong magbuhos ng semento galing sa mixer, marahil po day and night na ‘yan, araw-araw. May mga may sakit po sa ating mga kapit-bahay na matatanda na, na siguradong mapeperwisyo sa ingay, sa alikabok at pagyanig sa ating mga tahanan.

Marami pong mga may sakit sa ating mga kapit-bahay na marahil ay lalo pang magkakasakit o malalagay sa peligro ang kanilang buhay. Sa isang kapit-bahay at directly affected is retired doctor of St. Luke’s Medical Center, Doctor Cantos, who is not well. His wife is also bedridden with oxygen tank. In the other house adjacent is my sister with severe asthma, something she has had since childhood. On the other side is a niece-in-law with cancer. In general, we are all victims of this project that should have not been granted demolition permits by the outgoing Barangay Captain, Alberto Flores who kept it a secret; the Quezon City Planning and Development Office; headed by Architect Pedro Perlas Rodriguez; and foremost, by the City Council headed by Vice Mayor Joy Belmonte who has reportedly been approving high-rise structures in residential areas in the name of “progress.” But this is a chicken and egg situation.

Our area has always been a residential area since its foundation day in 1939. The residential areas outweighs the malalakas na dayuhan lang at sabit lang dito sa aming minamahal na lugar. Bagong sampay lang sila itong naninira ng residential neighborhood by putting high-rise buildings 21 floors or storeys, or higher, like sore thumbs.

We ask: How well are these buildings constructed? Pati second and third class construction companies ay agawan sa aming lugar. Very dangerous. How capable are they? May babala na si dating Senadora Nikki Coseteng kamakailan na may construction companies daw na gumagamit ng “quenched tempered steel bars” na mura pero peligroso sa earthquake. Nagpapalusot ang mga construction companies upang mas kumita ng malaking pera. Ito ang pinakamalaking takot ng mga residente dito sa residential area namin. Mantakin ninyo maguhuan ng 21-storey building ang mga bahay nilang katabi. Pwedeng buong bloke po ang maaaring matumbahan.

Ako po’y dito na lumaki sa Quezon City, simula nong maging First Appointive Mayor ang aking ama na si Tomas B. Morató appointed by President Manuel L. Quezon. I was 7 years old when we transferred to Quezon City in 1939 from our hometown of Calauag, in Quezon Province.

Sana po maunawaan ninyo kung bakit ako nagpapaliwanag at inakala ng mga tao na sa akin po itong 21-storey condo/hotel ng itinatayo sa winasak na ancestral home ng aking mga magulang. May grupo pong umagaw ng aming karapatan.

Mag-ingat po kayong lahat at ipinapaalam ko na sa inyo na landgrabbing po pala’y talagang nangyayari. Naililipat ang titulo sa RD sa ibang pangalan. Ingat po at nangyari po sa aking pamilya.

We wish to appeal to the City Council to please reconsider what you have done to our neighborhood so glaringly out of place in a residential area to allow to construct 21-storey condo/hotel on a residential lot of only 1,102 sq. meters. Have a heart, you Quezon City Council. Attend to housing the poor and the needy, instead of the noveau riche whose fortunes we do not know where they came from. But definitely, NOT Mana from Heaven! Nalasing na ba kayo sa pera na itataya na ninyo ang buhay ng mga kapitbahay?

As to who can help, we do not know.

If these structures are allowed in residential areas, this will trigger a chain reaction victimizing so many, many more private homes in the neighborhood. And the people inside are of advanced age.

We invoke for Divine Intervention; and justice.

For comments and suggestions email at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.