6,627

Saludo kay Comm. Lapeña

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 342

Tingnan natin

MARAMING napapabilib at saludo kay Bureau of Customs Commissioner Isidro S. Lapeña.

Hindi kagaya ng mga dating hepe ng BoC, walang kaangal-angal si Lapeña sa  collection target ng ahensya para sa 2018.

Dati, wala kang maririnig mula sa mga opisyal ng BoC kundi “ang taas naman at unrealistic” ng target.

Kung sabagay, kahit tayo ay naniniwala na mahirap talagang abutin ang “unrealistic revenue collection target ng BoC.

Pero iba si Lapeña, isang retiradong three-star police general mula Urdaneta City sa Pangasinan.

“We can do it. We are not doing miracle here, we’re just doing things right this time,” sabi ni Lapeña, bilang reaksyon sa P637.1 bilyong target collection ng BoC sa susunod na taon.

Ito ay sa kabila ng katotohanang itinaas ng Department of Finance (DoF) ng P200 bilyon ang assigned tax take ng ahensiya.

Sa taong ito, ang collection target ng BoC ay P467 bilyon.
    
Kahit hindi maabot ng BoC ang target sa taong ito ay naipapakita naman ni Lapeña na tumataas ang koleksyon mula nang umupo siyang BoC chief noong Agosto 30.
    
Kung napaaga nga ang dating niya sa Aduana, baka maabot ng ahensya ang target collection sa taong ito.
    
Ayon sa mga nagmamasid sa Aduana, nagbibigay na ng “good dividends” ang mga repormang ipinapatupad ni Lapeña.
    
Tuluy-tuloy pa rin ang rigodon ng mga kawani ng BoC. Ang maganda sa ginagawang reshuffle, ibinabase ito sa performance ng mga kawani.
    
Sabi nga ng ating miron,  “walang personalan dahil trabaho lang ang ginagawa ni Sir Sid.”
    
Paanong kokontrahin ang ginagawa ni Lapeña, kita naman ang buting dulot ng mga reporma.
    
Noon ngang nakaraang Nobyembre  ay naitala ng BoC ang pinakamataas na monthly collection sa kasaysayan nito.
    
Sa nasabing buwan ay umabot ng P46 bilyon ang koleksyon ng ahensya. Sa laki ng koleksyon ay  natameme ang mga kritiko ni Lapeña.
    
Alam nating kahit anong ganda ng mga ginagawa ni Lapeña ay siguradong marami pa ring babanat sa kanya.
    
Ito ang mga sektor na tinatamaan ng mga repormang ipinapatupad ni Lapeña.
    
Pero kagaya ni Pangulong Duterte, wala siyang pakialam basta ang sa kanya ay linisin ang Aduana.

* * *
    
Walang kaduda-dudang suportado ng Kongreso ang mga programa at proyekto ni Pangulong Duterte.
    
Kitang-kita ito nang walang kahirap-hirap na inaprobahan ng Senado at Kamara de Representante ang pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao.
    
Walang nagawa ang mga kritiko ng administrasyon dahil sa dami ng mga kapanalig ng Malakanyang sa Kongreso at Senado.
    
Ganyan din ang nangyari sa kontrobersyal na tax reform package ng administrasyon.
    
Mabilis ding pumasa sa Bicameral Conference Committee ang tax reform measure ng administrasyon.
    
Ang ibig sabihin nito, hindi na mahihirapan si Pangulong Duterte na tuparin ang kanyang mga pangako sa taumbayan.
    
Nandiyan ang pangako niyang bigyang solusyon ang mga problema sa illegal drugs, korapsyon at kriminalidad.
    
Meron pa siyang sapat na panahon para wakasan ang mga problemang ito.
    
Ang kailangan lang niya ay tulong, suporta at pang-unawa ng taumbayan.
    
Kahit gaano kaganda ang mga programa ng gobyerno ay walang mangyayari kung hindi tutulong ang publiko.
    
At walang dahilan para hindi natin tulungan si Pangulong Duterte na itinataya ang kanyang buhay at katungkulan para sa kapakanan ng bansa.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..)