5,445 guests

‘Riding high’ sa ‘Rider Scam’ si ‘Madam Kim’

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 547

BAGO ang lahat, muli tayong nagpapasalamat sa liderato ng Philippine Army at AFP -- Chief of Staff, Gen. Ed Año; CGPA Lt. General Glorioso Miranda, Vice Commander, MGen. Harold Cabreros at siyempre, kay 51st Engineering Brigade chief, BGen. Felipe Bejar -- sa kanilang buong-pusong pagsuporta sa ating proyekto na muling “mapinturahan” (re-painting) ang gusali ng National Press Club.

Magsisimula po ang proyekto ngayong Miyerkules, Hunyo 21, na pangungunahan naman ng 564th Engineering Construction Battalion. Ang proyekto ay kasabay naman ng pamamahagi ng NPC ng ‘MEDGATE Phils.’ ‘health cards’ para sa lahat ng miyembro, kaya “mabuhay” at “salamat” din sa MEDGATE Phils.!

Finally, “salamat” din kay Manila Mayor Erap Estrada at sa kanyang mga opisyales sa City Hall, sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga proyekto at “paglalambing” ng NPC sa liderato ng inyong lingkod. Mabuhay ka, Boss and ‘please act on my latest ‘love letters,’’ hane? Urgent na kasi, hehehe!

* * *   

“Pumapalag” pala ang mga ‘stakeholder’ ng Aduana sa bagong pakulo, agh, panukala, ni Comm. Nick Faeldon, na “ipasa” sa mga ‘warehouse operator’ ang “bigat ng responsibilidad” sa pag-iimbak ng mga ‘overstaying’ at ‘abandoned shipment.’
    
Sa mga nabasa nating balita kahapon, isang ‘draft administrative order’ (CAO) ang gustong papirmahan ni Mang Kanor, agh, Comm. Nick, hinggil sa bagay na ito kay DoF Secretary, Carlos Dominguez.
    
“We are all alarmed at the misguided steps being taken in the guise of modernization,” the source added…. “This order shows how inefficient Customs is.
    
“The provisions contained in the draft CAO are asking for too much and what should be the BoC’s responsibility is unreasonably being transferred to the business sector,” said one of the representatives who attended the BoC forum,” ayon pa sa bahagi ng mga artikulong nabasa natin.
    
Sa ganang atin, “sapol” ng umaangal na stakeholders ang sitwasyon ngayon sa Aduana sa ilalim ng ‘Grupong Magdalo’ na pinangungunahan nitong si Comm. Nick -- naging ‘inefficient’ ang mga sistema, proseso at administrasyon sa Aduana.
    
“Kataka-taka” rin, ayon pa sa mga miron, na lumabas ang panukalang ito sa kasagsagan ng mainit pa ring isyu ng pagkasunog ng ‘BoC Security Warehouse 159’ noong Hunyo 1, na nasa “responsibilidad” ng ‘Grupong Magdalo, batay sa isang direktiba na inilabas ni Comm. Nick noong nakaraang Disyembre.
    
Lumabas din ang panukalang ito sa kabila ng katotohanan na hindi pa rin maipaliwanag ni Comm. Nick at ng kanyang ‘ComCen’ (Command Center) sa pangunguna nina DCM Gerardo Gambala at IAS Director, Milo Maestrocampo, kung paanong nakalusot sa kanilang “mahigpit” (daw) na pagbabantay ang 605 kilos ng shabu noong isang buwan d’yan sa MICP.
    
At kung pagbabatayan pa ang pahayag ni Chief PNP Ronald ‘Bato’ dela Rosa hinggil sa nahuling 72 kilos ng shabu sa loob ng isang warehouse sa Las Piñas City noong isang linggo, aba’y “kasalanan” na naman ito ng BoC dahil “nakalusot” na naman umano sa ComCen, aguy, aguy, aguy!
    
Kaya nga, “tamang-hinala” ng ating mga miron, isa lang umanong “maniobra” ng kampo ng Magdalo ang ‘draft CAO’ na binanggit natin sa itaas upang tuluyan nang “maisalba” at “mailayo” ang responsibilidad sa mga sablay ng kanilang grupo sa mga kabulastugang nangyayari sa mga CFW -- na puwede lang kung “tulog sa pansitan” ang mga “bantay” na Magdalo.
    
Dangan nga kasi, kung “makalulusot” itong ‘draft CAO’ ni Mang Kanor, aba’y ‘sitting pretty’ na lang ang kanyang grupo sa lahat ng mga mangyayaring insidente -- sunog, ‘pilferage,’ ‘theft,’ etc., etc. -- sa loob ng mga “CFW” (customs facilities and warehouse) dahil nga puwede na nilang “ibunton” ang kanilang sisi at galit sa mga kawawang operator nito.
    
At dapat lang talagang “palagan” ng mga stakeholder ang panukalang CAO na ito dahil “dagdag-gastos” at responsibilidad ito sa kanila habang ang BoC naman ay, wala lang, “nagbabantay” lang sa kanila, “nakatingin” lang -- at daragdagan pa ang kanilang bayarin, ahahay!
    
Ayon pa nga sa kanilang pahayag na natanggap natin:
    
“Section 4.2 of the proposed CAO states that all separate temporary storage facilities shall be part of the premises of the BoC and shall be under its control and supervision.
    
“The draft CAO also requires CFW operators to provide all necessary cargo moving trucks and equipment as well as to physically transfer and secure the goods.
    
“BoC shall dictate the fees and rates to be charged in approved temporary storage facilities.”
    
Translation? Sa mga CFW operator ang “hirap,” sa BoC ang “sarap,” yeheyy! More on this, dear readers, abangan!
    
At sa mga “inaabangan” ng ‘Bayang Sawi’ d’yan sa pantalan, eh, kailan naman daw kaya “masasampolan” itong mga kargamento ni ‘Madam Kim’ na ilang beses na rin nating “nilabarda” sa mga nakaraang kolum.
    
Ang patuloy na “pamamayagpag” ng mga kargamento nitong aleng mestisang ito, ComCen chief, DCM Gambala, ang “patunay,” anang mga miron, na “peke” ang inyong kampanya ni IAS director Maestrocampo, laban sa mga ‘undervalued shipments.’
    
Itong si Madam Kim, CIIS director, Neil Estrella, ang sinasabing “reyna” ngayon sa (customs) ‘rider scam’ kung saan palaging may ‘rider’ (attachment) ang kanyang customs entry upang patuloy na makapandaya sa pagbabayad ng buwis.
    
Kumbaga, kahit naman ‘single item’ lang, “palalabasin” na may “kahalo” na ibang kargamento kaya kailangan ng ‘customs entry rider form.’
    
Nungka, “estilo” lang pala upang patuloy na makapagbayad ng mababang buwis at kung kailangan, “mapalundag” ang kanyang kargamento sa ibang ‘commodity section’ d’yan sa “FED” (Formal Entry Division).
    
Hinala pa ng mga miron, “bistado” ng ComCen ni Gambala ang panis na estilong ito ni Madam Kim pero kuwidaw, “ayaw” umanong pansinin, eh, bakit kaya?
    
Sino ba ang “nakapatong” dito kay Madam Kim sa kanyang ‘rider scam’ at kahit itong sina Gambala at Maestrocampo ay ayaw umanong makiaalam?
    
Hmm. Ito ba ’yung sinasabi na sapul ng mapuwesto sa BoC, kasamang Mitos Garcia, higit 20 na umano ang mga nabiling sasakyan?
    
Eh, baka gustong magnegosyo sa ‘Uber’ o kaya naman ay ‘Grab’ kapag umalis na ng BoC, hehehe. Nagtatanong lang naman.