7,694

Pupulutin sa kangkungan ang mga Dilawan!

  • Written by Marlon Purificacion
  • Published in Opinion
  • Read: 285

'Uncovered'

NAGLABAS ng resulta ng pinaka-latest na survey ang Pulse Asia kamakalawa.

Tungkol ito sa mga posibleng manalong senador sa darating na 2019 mid-term elections.

Isinagawa ang survey noong March 23-28 kung saan ay nanguna si reelectionist Senator Grace Poe.

Sakaling magtuluy-tuloy ang pagiging number 1 ni Poe hanggang sa resulta ng eleksiyon sa susunod na taon, ang anak ni dating Fernando Poe, Jr. lamang yata ang makapagtatala ng isa pang kasaysayan sa Mataas na Kapulungan na nag-top sa dalawang magkasunod na halalan.

Taong 2013 ay number 1 din si Poe sa mga ibinotong senador at sa pagkakaalam ko, wala pang senador ang nag-rank na number 1 na dalawang sunod sa halalan.

Nakakuha ang senadora ngayon ng 70.8 na puntos mula sa pinaka-latest na Pulse Asia survey. Malayong pumangalawa sa kanya si reelectionist Senator Cynthia Villar (55.6 percent); pangatlo si comebacking Senator Pia Cayetano na may 53.9 percent; reelectionist Senator Nancy Binay na may 45.8 percent, reelectionist Senator Sonny Angara na may 44.9 percent at si presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may 43.8 percent.

Kukumpleto pa sa Top 12 si outgoing Senate President Koko Pimentel na may 39.8 percent, dating Senador Serge Osmeña na may 38 percent, broadcaster na si Erwin Tulfo (36.7 percent), dating Senador Lito Lapid na may 33.8, dating PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na may 33.1, at dating Senador Jinggoy Estrada sa nakuhang 32.8 percent.

Nakadikit sa kanila si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (32.2 percent), Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino (30.5 percent), Sen. JV Victor Ejercito (29.0 percent), television personalities Robin Padilla (26.2 percent), Ted Failon (25.6 percent), and Dingdong Dantes (16.8 percent).

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ay may 26.2 percent, dating Senador Mar Roxas (25.4 percent), Teofisto “TG” Guingona (17.5 percent), Rex Gatchalian (16.7 percent), Francis Tolentino (14.6 percent), Isko Moreno (13.9 percent), Karlo Nograles (10.6 percent), at Lucy Torres-Gomez (8.1 percent) ranked low on the list.

Si dating Environment Sec. Gina Lopez ay may 14 percent, si Palace spokesman Harry Roque ay 8.7 percent, habang si Presidential Communications Secretary Martin Andanar got 8.4 percent.

Si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ay 5.9 percent, samantalang ang kontrobersiyal na si Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson ay may 1.3 percent.

Kung ako ang tatanungin, marami pang magbabago sa posisyunan ng mga pangalan habang nalalapit ang eleksiyon.

Walang iniwan ito sa pangalan dati ng Pangulong Rodrigo Duterte na kulelat din sa mga naunang survey isang taon bago ang 2016 presidential elections.

Nagbigay lang nga ng mensahe ang mga Duterte supporter sa nagdaang presidential elections. Isang mensahe ng pagpapakita kung gaano kadismayado ang taumbayan sa nagdaang Noynoy Aquino administration.

Maraming nasa hulihan na katulad ni SAP Go ang posibleng tumaas sa mga susunod na araw bagaman diskumpiyado tayong tataas pa sa survey si Mocha.

Kung saka-sakali, magiging ‘girl power’ ang susunod na halalan dahil karamihan sa tiyak na mananalo ay mga babaing katulad nina Poe, Villar, Cynthia, Sara Duterte, Pia Cayetano, Imee Marcos at Gina Lopez.

Naniniwala akong kapwa makapapasok sa Magic 12 ang magkapatid na JV at Jinggoy.

Malabong magkaroon ng 12-0 sa darating na halalan. Pero, ilan sa mga kilalang tatakbo ay hindi nga oposisyon, ngunit ‘kaalyado’ naman sila ng Duterte administration.

Ilan sa kanila ay sina Jinggoy, Imee at siyempre ang nagsusumikap na manalo rin sa halalan ang pinsan nitong si dating Leyte Rep. Martin Romualdez at si Negros Occidental Rep. Albee Benitez.

Kung papansining mabuti, si Bam lamang ang mula sa hanay ng LP at wala nang ibang pangalan na kaalyado ng mga Aquino o dilawan. Maliban na lang kung maligawan nila si Osmeña na kapanalig din ni Poe at tumakbo talaga pabalik ng Senado si Mar Roxas.

Ang punto ko rito. Hindi man makuha ang 12-0, pupulutin tiyak sa kangkungan ang magiging kandidato ng Liberal Party.

Ilang presidential at senatorial elections na ang naikober ng inyong lingkod.

Base sa ating karanasan, laging dominante ng administration party ang resulta ng halalan sa tuwing mid-term elections.