6,304

‘Prove you’re the better man, Comm. Sid’

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 394

Paul's alarm

BAGO ang lahat, ‘mea culpa’ muna tayo mga kabayan matapos nating “paliguan” kahapon ng “papuri” at “kantyaw” si BoC-CIIS officer, Verne Enciso sa kanyang kaarawan -- kasama na ang impormasyon na “siya” ang “bosing” ng NAIA-CIIS.

Eh, “panis” na pala ang ating “detalye” dahil bagaman nga totoong ipinuwesto ni Comm. Sid Lapeña si Verne sa NAIA-CIIS noong isang taon, “minalas” pala itong ating kaibigan dahil noong Disyembre, kasama pala si Verne sa biglaang nalipat sa ‘BoC Naval Command.’

‘Naval Command’ sa Aduana, meron ba nu’n, tanong ba ninyo mga kabayan? “Meron” po at  pormal na kilala ito bilang “CMU” (Customs Monitoring Unit). Translation? ‘On floating status’ bigla itong si Verne, hehehe, ayy, huhuhu!

Eh, harinawa naman, deputy commissioner for intelligence (DCI) Dick Quinto at Comm. Sid, “marepaso” ninyo ang ‘service record’ nitong si Verne dahil uulitin natin dito, mga kabayan, isa itong si Verne sa mga nakilala nating opisyal d’yan sa BoC na disente, propesyunal at higit sa lahat, “marunong rumespeto” sa kanyang mga amo.

“Sayang” naman kung “mabuburo” lang siya d’yan sa CMU, hane?

Tanda pa rin natin na sa termino ni Comm. Sunny Sevilla at ex-AFP chief, Gen. Jessie Dellosa, ‘very effective’ ang “tambalan” nitong si Verne at customs collector, Atty. Ruby Alameda d’yan sa Port of Cagayan de Oro.
    
Kumbaga, ‘the records will show’ na sandamakmak ang kanilang ‘accomplishments’ kung paglaban din lang sa “salot” ng ‘smuggling’ ang pag-uusapan.
    
Isa rin si Coll. Ruby Alameda na alam nating ‘asset’ ng kahit anong administrasyon sa BoC.
    
Pansinin mo, DoF Secretary Carlos Dominguez, na sa termino ni Atty. Ruby bilang MICP district collector noong isang taon, hindi nakaporma ang mga smuggler ng bigas at sibuyas; nasabat din ang mga ‘luxury vehicle’ na binabalak ngayon ng gobyerno na muling “pasagasaan sa mga pison” bilang pagsunod sa utos ni Pang. Rody.
    
’Yun nga lang, hindi ba, kasamang Dexter Gatoc? “Minalas” lang naman si Atty. Ruby matapos hindi makuha ang ‘assigned collection target’ ng MICP bagay na sadyang mahirap gawin ‘due to outside factors’ na wala naman siyang kontrol.
    
Sa ganang atin naman, makabubuti sa administrasyon ni Comm. Sid kung muling mabigyan ng mas ‘challenging’ na posisyon si Atty. Ruby. Just saying.
    
At napag-usapan na rin lang si Comm. Sid, dear readers, patuloy na “lumalaki” ang “dibisyon” at “away” nila nitong mga kaibigan natin sa BOCEA -- Bureau of Customs Employees Association.
    
Dangan kasi, dahil “malinaw” ang “direktiba” sa kanya ni Comm. Sid, inendorso na ni CIIS Investigation Division (CIIS-ID) chief, Atty. Leonardo Peralta, ang pagsasampa ng ‘administrative case’ laban dito kina BOCEA president, Remedios ‘Remy’ Princesa, Jonathan ‘Nato’ Reyes at Rommel Francisco.
    
“Nag-ugat” ang “sigalot” ni Comm. Sid at BOCEA nang umeksena, ehek, makilahok, sina Pres. Remy bilang “pagsimpatiya” sa isinagawang kilos-protesta ng grupo ni kasamang Rey Soliman (Professional Customs Brokers Association) d’yan sa Port of Manila (PoM) upang “punahin” ang mga isinusulong na “reporma” sa Aduana ni Comm. Sid na halos tatlong buwan pa lang noon sa puwesto.
 
Sa ganang atin, “unawa” natin kung bakit maraming “hugot” ng mga panahong iyon ang mga ‘stakeholder’ dito kay Comm. Sid.
 
Halimbawa sa desisyon niyang ‘abolition’ ng ‘sectioning’ sa Assessment Division, totoo naman na sa pagsisimula nito, naging “magulo” at “bumagal” ang proseso na nagresulta sa karagdagang gastos sa panig ng mga may transaksyon sa pantalan.
 
Sa panig naman ng mga empleyado, mainit na usapin siyempre ang isyu ng ‘promotion’ at ‘dislocation’ ng mga empleyado sa kanilang hanay; buwan din kasi ng Nobyembre, dumanas na ng tatlong ‘reshuffle’ ang buong Aduana kaya naapektuhan ang ‘morale’ ng mga kawani.
 
“Nagatungan” din ang sitwasyon dahil sa ating pagkaalam, walang nangyaring pag-uusap (dialogue) sa panig ng OCCOM, BOCEA at grupo ni Soliman upang linawin ang mga isyu na ang resulta, “tamang hinala” sila sa isa’t-isa, ahahay!
 
Sa sitwasyon naman ngayon, lumalabas na malaki ang tama ni Comm. Sid, mga kabayan dahil nga, bagaman “nabura” na ang ‘sectioning’ TUMAAS, bagkus bumagsak, ang koleksyon ng Aduana noong 2017—sa ‘average’ na P43 bilyon kada buwan sapul nang maupo si Comm. Sid, koleksyon na “pinakamataas” sa buong kasaysayan ng BoC.
 
Sa puntong ito, malinaw na “malaki ang tama” ni Comm. Sid at “malaki ang sablay” ng kanyang mga kritiko. Kung “nabawasan” naman ang “sabwatan” ng mga smuggler at mga ‘customs examiner/appraiser’ na isa pang layunin ng ‘non-sectioning,’ eh, ano sa tingin ninyo, ‘House of Tebes’ at ‘Madam Kimberly,’ hehehe!
 
Sa isyu ng pagpapataas sa ‘morale’ ng mga empleyado, alam nating “tumama” na naman si Comm. Sid dahil nga “daan-daan,” as in, ‘hundreds of employees,’ ang nabigyan ng ‘promotion’ bago natapos ang 2017.
 
Kumbaga, mga kabayan, ‘at the end of the day’ “napatunayan” ni Comm. Sid na “siya” ang “tama” at ang mga kritiko niya ang “mali” kaya “mahimasmasan” na kayo, mga bosing, hahaha!
 
Hindi lang natin nakikita, bagkus, “nadarama” natin, mga kabayan, ang “sinseridad” ni Comm. Sid na “ireporma” ang BoC at kahit sa kanyang panawagan sa mga empleyado na “magtulungan” sila para sa ikabubuti at ikagaganda ng kanilang ahensiya.
 
Hindi kasi katulad ng kanyang pinalitan, kaya ni Comm. Sid na tumingin kanino man ng “mata-sa-mata” kaya alam ng media na hindi siya “nambobola.”
 
At dahil higit naman siyang ‘mature’ at higit na may malawak na “pang-unawa,” mas mabibigyan ng “sustansiya” ang kanyang panawagan na “pagkakaisa” at “pagtutulungan” sa mga kawani at opisyales ng Aduana kung hindi na niya “palalakihin” pa ang “away” nila ng BOCEA dahil hindi rin naman ito isang ‘hao-shiao’ na grupo at lehitimong ‘representative’ ng ‘rank and file.’
 
Alam natin na hindi rin katulad ng kanyang pinalitan, wala sa karakter ni Comm. Sid ang pagiging ‘vindictive’ at ‘petty’ at kung kaya niyang “kalimutan” ang “malalansang rekord” ng ilang mga opisyales ng BoC na binibigyan niya ngayon ng mga bagong puwesto, eh bakit hindi rin niya kayang gawin ito para sa mga lider ng mga empleyado?
 
Kumbaga, it will not do any harm but rather, it will add to the majesty of his character if Comm. Sid would let bygone be bygone with the leaders of BOCEA.
 
And having proven in the end that the policies he has decided to pursue were correct insofar as reforming the BoC is concerned, proving he is a better man by dropping and forgetting the complaint against BOCEA would be the next better step.
 
Pero, kapag umulit pa, Comm. Sid, eh, di… “leegan” mo na, hahaha!