4,678 guests

Powered by ‘Viagra?’

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 193

Paul's alarm

BILANG “pambungad,” muli nating pinasasalamatan ang mga grupo ng media at iba pang mga indibidwal at grupo na sumuporta sa ating ‘Konsiyerto Para sa Katarungan’ noong Huwebes na ginawa natin upang muling makalikom ng pondo na atin namang “hahatiin” bilang ayuda sa mga pamilya ng ating mga “kapatid” na biktima ng karumal-dumal na ‘Ampatuan Massacre’ noong Nobyembre 23, 2017.

Marami tayong dapat pasalamatan at huwag na sanang “magtampo” ang iba kung dalawa lang muna ang ating tutukuyin dito, sina ‘Tita’ Rose Lara at ang ‘Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa pamumuno ni Pang. Domingo Yap.

Alam naman kasi natin  na hindi na “magseselos” ang ating mga kasamahan at mga kaibigan kung sina Tita Rose Lara at FFCCCII ang “itangi” natin sa pagkakataong ito dahil sa kanilang walang sawang pagtulong sa mga programa at inisyatiba ng National Press Club (NPC) sa ilalim ng inyong lingkod.

Sa panig naman ng ‘performing artists’ noong Huwebes, eh, siyempre, ‘Thank You Very Much!’ din ang ating ipinapaabot partikular na sa grupo ni ‘Boss’ Aldrin Cardona, ang ‘Dream Kitchen’ at sa patuloy na “idolo” ng karamihan sa atin, kay Lolita Carbon ng grupong Asin at sa kanyang ‘D Boys,’ tama ba, kasamang Jazz?

Sa lahat ng mga tumulong at nakiisa, salamat po! At siyempre, “Serbisyo at Integridad!” ’yan ang “tatak” ngayon ng NPC sa ating ika-65 anibersaryo.
    
Mabuhay ang malayang pamamahayag! Kamtin ang hustisya para sa lahat ng biktima ng karahasan at pamamaslang sa hanay ng media!

* * *
    
Bagaman nga  tila “dedma” si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña sa ginanap na kilos-protesta noong Lunes ng ‘customs brokers’ sa bandila ng ‘Professional Customs Brokers Association of the Philippines (PCBAP) at hanay ng mga empleyado sa ilalim naman ng ‘BoC Employees Association’ (BOCEA), hindi naman pala ito totoo, ayon sa mga miron.
    
Dangan kasi, “ibinulong” sa atin ng ilang mga miron na ‘under (discreet) investigation’ na umano ang tatlong matataas na lider ng BOCEA -- sina Pang. Remy Princesa, Jonathan ‘Nato’ Reyes at Rommel Francisco.
    
Sila kasi ’yung mga nagsalita noong Lunes at “binaterya” ang administrasyon na hindi naman pinakinggan ni Comm. Sid, hehehe!
    
Kung bakit naman pinaimbestigahan ni Comm. Sid itong ating mga kaibigan -- sa halip na pakinggan at aksyunan ang kanilang mga “hugot” -- hindi natin maintindihan, sa totoo lang, mga kabayan.
    
Una nga kasi, “karapatan” ito ng sino man, kahit ng mga kawani ng pamahalaan -- ang kalayaan na magpahayag ng kanilang saloobin ay “garantisado” rin sa kanilang nilagdaang ‘Collective Negotiation Agreement’ (CNA) sa ‘BoC management.’
 
Maliban na lang kung talagang ‘toilet paper’ lang ang tingin ng administrasyon ni Comm. Sid sa nasabing kasunduan dahil hindi naman siya ang nakapirma dito, bagkus si ex-Comm. Bert Lina?
    
Eh, hindi rin puwedeng katwiran ito, hindi ba mga kabayan?
    
At harinawang “mahimasmasan” si Comm. Sid dahil malinaw sa lahat na ‘union harassment’ ang magiging reklamo laban sa kanya na puwedeng aksyunan ng ‘Civil Service Commission’ at kapag “minamalas,” ng tanggapan ng Ombudsman.
    
Napakaraming mas malalaking problema sa Aduana na dapat pang asikasuhin si Comm. Sid at sa ganang atin, ‘he needs all the help that he can get especially from the ranks of the employees and other stakeholders who all know the ins and outs of customs operations, procedures and the bureaucracy itself.
    
Oops! Napag-usapan na rin lang ulit ang BoC, mga kabayan, sino ba itong isang opisyal d’yan na marami ang hindi bilib sa “tigas ng paninindigan?”
    
Dangan kasi, ‘powered by Viagra’ umano itong nasabing opisyal?
    
Eh, kaya siguro hindi masabi ng ating mga miron kung kailan siya “tatayo” sa ano mang laban o isyu dahil hindi hindi nila alam kung kailan siya nakainom nitong nasabing ‘magic pill?’
    
‘But to be fair,’ wika nga, ayaw nating maniwala na kailanga na ito ni “bosing” dahil sa lakas ng kanyang katawan at resistensiya, ‘he is all over the place’ wika nga ulit lalo pa nga sa mga ‘press conference’ at “pagbubukas” ng mga natimbog na kargamento saan mang panig ng bansa.
    
Ano sa palagay mo, Dr. Isidro Jacinto? Kailangan pa ba ni bosing ng ‘booster’ para lang gumanda ang kanyang ‘performance’ sa ano mang klase ng “trabaho?”
    
Teka pala, did I get your name correct, “Isidro,” ‘Doctor J?’