6,062

‘Plain lies,’ hindi ‘fake news’

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 343

BAGO ang lahat, binabati muna natin ang ‘Birthday Boys N Gals’ ngayong buwan, sa pangunguna ni CIIS
officer, Verne Enciso, na kung hindi tayo nagkakamali ay siyang “bosing” ngayon ng CISS-NAIA.

Isa itong si Verne Enciso, Bureau of Customs (BoC) commissioner, Sid Lapeña at DCI Dick
Quinto, sa mga empleyado ng Aduana na mataas ang ating respeto.

Bakit kanyo? Dahil nga nakita natin ang kanyang “maayos” na paggampan sa tungkulin at
pagiging “tapat” sa kanyang mga “amo”-- kung ano ang direktiba, ’yun ang kanyang gagawin -- hindi
katulad ng iba d’yan sa CIIS na may sariling mga “paikot” at hindi magdadalawang-isip na “bukulan”
ang kanilang mga “boss,” hehehe!

At ’asan na pala ang pakan…ton, mo Verne, hahaha!                * * *
    
Napag-usapan na rin lang ang BoC, mga kabayan, “mainam” ang naging desisyon ng BoC-Clark, sa
ilalim ni Coll. Maritess Martin, na magpatawag ng isang ‘press conference’ upang ipamukha, err,
linawin, ang “pakulo” nitong Koreana na si Seon Kyung sa ‘social media.’
    
Sa mga nakapanood matapos ‘mag-viral’ ang kanyang ‘self-serving version of events’
“nabugbog” ang PoC (Port of Clark) sa akusasyon na ‘hinarass,’ tinangkang “kikilan” at “ninakawan”
pa umano sila ng kanyang asawa ng mga taga-BoC Clark at “OTS” (Office of Transport Security), nang
dumating sila sa bansa noong Pebrero 12 at doon nga sa PoC ‘nag-landing’ ang kanilang sinakyang
eroplano.
    
Eh, sanamagan, mga kabayan, ang “puno’t dulo” naman pala eh, ayaw magbayad ng kaukulang
buwis sa ipinasok nilang  ‘personal effects’ itong si Ms. Seon!
    
Batay kasi sa batas ng Aduana (CMTA), ‘of commercial quantity’ na pala ang dalang ‘personal
effects’ nitong mga estilong “turista” na nabigyan ng ‘customs assessment na higit P30,000 kaya
lampas na sa ‘de minimis value’ na P10,000.
    
Sa implementasyon ng ‘de minimis value’ mga kabayan, ‘tax-exempt’ ang mga ipinasok na gamit
ng sino man kung ‘P10,000 and below’; lampas sa halagang ito, eh, dapat namang magpataw ng buwis ang
ating gobyerno.
    
Eh, kung nagkataong “Noypi” itong mga naghabing ito ng paninira at kasinungalingan laban sa
BoC-Clark, simple lang tawag natin sa mga katulad nila -- ”balasubas na, sinungaling pa!”
 
Kumbaga, hindi ‘fake news,’ bagkus, ‘plain lies’ ang ipinakalat nitong mga banyagang ito at
para mabawasan ang pagpasok sa bansa ng mga katulad nila, dapat lang marahil na ideklara silang…
‘persona non grata’, tapos!
    
Hindi pa rin natin personal na nakakaharap si Coll. Martin, mga kabayan bagaman, kung ang
‘performance’ ng PO ang pag-uusapan, aba’y palaging kasama ito sa ‘best performing collection
districts’ ng BoC!
    
Aber, isa pa nga si Coll. Martin sa “kinamayan” ni Pang. Digong at DoF Secretary Carlos
Dominguez sa ika-116 anibersaryo ng BoC noon lang Pebrero 6 matapos mahigitan ng PoC ang ‘collection
target’ nito noong nakaraang buwan.

“Sinalsal” na naman ng ilang grupo, partikular na nitong ‘Rappler’ at mga kahibo nilang
“partisano” ng mga dayuhang interes, ang desisyon ng Palasyo na “ipagbawal” nang ‘mag-cover’ sa
Malacañang si Rappler reporter, Pia Ranada.
 
Sa totoo lang, “walang bago” at “kasama na sa trabaho” ng media ang ‘ma-ban’ at “mapag-
initan” sa ‘news coverage’ at ang nangyari kay Ms. Ranada ay ‘regular occurrence’ na lang sa mga
mamamahayag. Kung ayaw pala niyang napapahiya—katulad ng ginagawa niyang panghihiya sa kanyang mga
artikulo—eh, tumigil na siya sa pagbabalita.
     
Sa atin pa ngang personal na karanasan, mga kabayan, ‘andun na “naduro” tayo sa mukha,
“pinagmumura” at siyempre, “napagbantaan” (death threat) at naasunto ng ‘libel’ sa ilang mga
pagkakataon.
     
Eh, ganyan talaga, hindi ba, mga kabayan? Kung kaya mong “manapak” dapat nakahanda ka rin na
“masapak!”
 
Bagaman nga alam natin na sa ilang mga pagkakataon ay nalabag ang ating karapatan bilang
mamamahayag, eh, hindi na tayo para “maglupasay.” “awayin” ang hamak na guwardiya na sumusunod lang
sa utos o kaya naman ay ipagpilitan ang ating gusto.
 
Sa mga ganitong pagkakataon, “hinahon” ang ating ipinapakita dahil kung “ayaw” na sa iyo sa
isang ‘news beat,’ eh, di… huwag!
 
Sa kumalat namang ‘video clip’ sa mga naging kaganapan sa Malacañang na napanood natin,
uulitin natin ang tanong: Sino ang lumabas na ‘bully’ at abusado? Si Ms. Ranada ba o yung miyembro
ng PSG?
     
Kayo na ang “humusga,” mga kabayan!