5,223 guests

Panawagan ng BK3, PASCO sa gobyerno

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 200

HINDI na tayo magtataka kung magpapatuloy ang “revenue growth” sa Aduana hanggang sa katapusan ng
taon.

Ito ay epekto ng mga pagbabagong ipinatutupad ni Customs Commissioner Sid S. Lapeña. 

Ang mga repormang ito ay naglalayong ma-improve ang “customs procedures and trade
facilitation.”
    
Sa nakalipas ngang dalawang buwan ay may mga pagkakataon na nahigitan ng Bureau of Customs
(BoC) ang kanilang daily revenue target.
    
Ang una ay noong Nobyembre 3 nang umabot ng P3.045 bilyon ang koleksiyon.
    
Ito’y mataas ng 22.2 percent kumpara sa target tax take. Ito’y naulit noong Nobyembre 10, nang
umabot ng P3.839 bilyon ang koleksiyon.
    
Ang nasabing koleksiyon ay 54.1 percent higher sa target. Ang daily collection target ng
ahensiya ay P2.492 bilyon.
    
Ayon sa report, tumaas ang koleksiyon ng BoC dahil sa paglobo ng volume ng  importasyon ng mga
sasakyan sa Port of Manila (PoM).
    
Ang PoM ang isa sa mga tinatawag na  major collection districts ng BoC.
    
Kabilang din ang MICP, NAIA, Port of Subic at Port of Batangas.

* * *  

Aminado ang lahat na kailangan ng gobyerno ng dagdag na pera upang magawa ang mga proyektong
magpapaangat sa living conditions ng taumbayan.
    
Pero huwag naman sanang pahirapan ang mamamayan para lang makalikom ng dagdag na pondo.
    
Ang gusto kasi ng gobyerno ay patawan ng excise ang sugar-sweetened beverages (SSBs).
    
Kapag ginawa ito, tataas ang presyo ng mga inuming kagaya ng softdrinks, juices at flavored
instant coffee.
    
Ito pa naman ang mga paboritong inumin ng mga ordinaryong konsumer.
    
Ayon sa report, madu-doble o matri-triple ang presyo ng mga produktong ito.
    
Isa pa, maraming sari-sari stores ang malamang magsara. Huwag natin kalimutan na 40 porsiyento
ng kanilang arawang benta ay mula sa SSBs products.
    
Kaya nananawagan sa gobyerno ang Bantay Konsumer, Kalsada, Kuryente (BK3) na huwag nang ituloy
ang pagpataw ng excise tax sa SSBs.
    
Suportado nila ang kampanya ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners (PASCO)
para labanan ang proposed tax.
    
Hindi tayo kontra sa mga bagong buwis dahil talagang kailangan natin ang sapat na pera para
magawa ang mga proyektong magpapabilis sa socio-economic development ng bansa.
    
Ang sa atin lang, sana huwag pahirapan ang mga mahihirap.

* * *   

Lalo pang dapat paigtingin ng pambansang pulisya ang pagpapatrolya sa mga lansangan habang
papalapit ang Kapaskuhan.
    
Inaasahang magiging aktibo na naman ang mga magnanakaw, isnatser, mandurukot, holdaper at iba
pang mandurugas.
    
Ito ang mga taong umaasa na lang sa panloloko para pasayahin ang kani-kanilang mahal sa buhay
pagdating ng Pasko at Bagong Taon.
    
Kung minsan nga, pumapatay pa sila para lang makuha ang gusto.
    
Kaya nga dapat laging alerto, maingat at  maging mapagmatyag sa panahon ng Kapaskuhan.
    
Huwag natin bigyan ng pagkakataon ang mga masasamang loob para biktimahin tayo.
    
Dito malaki ang maitutulong ng mga opisyal ng barangay.
    
Alam nila ang mga salot ng lipunan sa kanilang lugar. Huwag na nilang hintayin ang mga pulis
na magronda sa kani-kanilang  barangay.
    
Ipakita nila na hindi nagkamali ang Kongreso nang palawigin ang kanilang panunungkulan nang
ipagpaliban nito ang barangay at SK elections.
    
Isa pa, malamang na ipagpaliban muli ang nakatakdang barangay polls sa May 2018.
    
May eleksyon din kasi sa May 2019. Kaya kailangang ipakita nila sa kanilang nasasakupan na
sila’y mga kapaki-pakinabang na mga opisyal na handang linisin sa masasamang elemento ang kanilang
lugar.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-
4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)