5,193 guests

Panalo ang Pilipinas sa Asean Summit

  • Written by Cong. RICKY SANDOVAL
  • Published in Opinion
  • Read: 328

MAY ilang bumabatikos sa pamahalaan dahil gumastos umano ito nang pagkalaki-laki para sa Asean Summit.

Ayon sa tala ng Department of Budget and Management, aabot sa P15.5 bilyon ang nagastos ng
gobyerno para i-host ang 21 global leaders at kanilang mga delegado dito sa bansa.
    
Pero narito naman ang mga kasunduang napirmahan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa kung
saan masasabi natin na tayo ang panalo. United States of America -- Magbibibigay ng $14.3M ang  
Amerika bilang donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
    
Bukod dito, magbibigay din ng $2M ang America para sa drug demand reduction program ng
Pilipinas. China -- 14 na cooperation agreement ang napirmahan ng Pilipinas at China.
    
Ilan dito ang may kaugnayan sa Economic and Technical Cooperation, Projects on Drug Abuse
Treatment and Rehabilitation, Projects on two bridges sa Pasig River, pagpapalakas sa Philippine
National Railways, Chico River Pump Irrigation Project and New Centennial Water Source-Kaliwa Dam
Project, at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng ating National Youth Commission at kanilang
counterpart sa China. Russia --  walong bilateral agreements ang pinirmahan ng Pilipinas at Russia.
Kasama dito ang Mutual Legal Assistance on Criminal Matters, Extradition Treaty, ang pag-aaral sa
Nuclear Energy, at pagpapalawig sa Intellectual Property protection. Japan -- magbibigay naman ng
grant ng P46 bilyon para sa Metro Manila Subway Project na magsisimula sa Mindanao Avenue, Quezon City
hanggang sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.
    
Makakatulong din ng bansa ang Japan sa konstruksyon ng bypass road sa Philippine-Japan
Friendship Highway sa Plaridel, Bulacan. Magbibigay din ang Japan ng 1 bilyon para sa mga anti-
terrorism equipment ng bansa. Canada -- Mag-i-invest ng $17.8 million para sa sexual health and
empowerment project para sa mga kababaihan sa Pilipinas. Aabot ng 85,000 na kababaihan ang
makikinabang sa programang ito.
    
Australia -- Papaigtingin ng Pilipinas at Australia ang pagtutulungan para labanan ang mga
pirata sa karagatan.
    
Nagsabi rin ang Australia na magbibigay ng training para sa mga sundalo natin sa urban
warfare. India -- Kilala ang India sa paggawa ng mga mura pero de kalidad na mga gamot. Kaya ang
Pangulong Duterte mismo ang naghikayat sa India na mag-invest ng produksyon ng gamot dito sa bansa.
South Korea -- Aminado ang Presidente ng South Korea na mas dumarami na ang mga Pilipino na nagpupunta
sa kanilang bansa at gayun din ang pagdami ng mga Koreano na dumadalaw sa atin.
    
Kaya  nga nangako ang South Korea na sisiguruhin na ligtas at kumportable ang mga Pilipinong
nagpupunta sa kanila. New Zealand --  Nakipagkasundo ang New Zealand sa Philippine Airlines para sa
mas maraming direct flights para mahikayat pa ang mamamayan ng magkabilang bansa na bumisita sa isa’t
isa. Bukod dito, nagkaroon din ng kasunduan ang pamahalaan ng dalawang bansa tungkol sa geothermal
energy.
    
Sa dami ng nakuha at makukuhang tulong ng Pilipinas sa mga kasunduang ito, masasabi talaga
nating sulit ang ginamit na pera ng pamahalaan para sa makabuluhang kaganapan na ito.
    
(I-follow sa Twitter si Cong. Ricky Sandoval: @Rep_Sandoval o i-like sa Facebook:
@RickySandovalMalabon)