4,602 guests

Pamangkin ni Tito Sen, ‘binastos’ ng bodyguard ni Sen. Pacquiao!

  • Written by Marlon Purificacion
  • Published in Opinion
  • Read: 273

NAKAKUHA tayo ng kopya ng reklamo ni Ms. Beverly Anne M. Sotto, pamangkin at isa sa staff ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto.

Ang sulat-reklamo ay ipinadala kay Ms. Crista Gem J. Mercado, chief of staff ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Tungkol ito sa isang insidente na nangyari sa mismong elevator ng mga VIP sa Senate building noong Setyembre 4, ganap na alas-5 ng hapon.
    
Mula sa 6th floor, sumakay ng elevator si Ms. Bev pabalik ng Session Hall, dahil katatapos lamang ng ‘caucus’ ng mga senador noong mga oras na iyon.
    
Ayon sa dalaga, nakaharap siya sa elevator girl na nasa gawing kanan ng asensor kaya ang kaliwang braso nito ay nakadikit naman sa pintuan ng elevator.
    
Pagdating sa 5th floor, sumakay si Senador Pacquiao, kasama ang mga staff nito at ilang  ‘bodyguards.’
    
“A man who was part of their (Pacquiao) group entered last and positioned himself directly in front of me, with his back towards my front. Everything went well until the elevator doors opened on the second floor,” ani Ms. Bev sa kanyang reklamo.
    
Pagbukas ng pintuan ng elevator, animo’y depensa sa basketball game ang ginawa ng security ni Pacman.
    
Umusog itong paatras, ibinuka ang mga hita saka itinaas ang kanang braso na naging dahilan para mala-boxed out ang magandang katabi na si Ms. Beverly.
    
“He raised his right arm at a ninety degrees angle, effectively fencing me in. He was so close bodily, and slightly bent at the waist, that his buttocks was touching my stomach and the heels of his shoes were stepping on the tips of my open-toed shoes. I tried to move back to put some space between his buttocks and my stomach but the handrail was already digging against my back,” sabi pa n’ya.
    
“I then tried to move to my right (as my left and back were already against the elevator walls) to get out from being pinned by him and take my shoes out from under the heels of his, but my movement only prompted him to move his right hand, wag it in such a way to discourage me from getting out under him, and to warn me from making any move.”
    
“He held this position until the entire group of the Senator alighted the elevator. And since there were several members in the Senator’s group, this position was held for some time,” ani Ms. Sotto na nagsabing saka lamang ibinaba ng kumag na bodyguard ang iniharang na kamay nang makalabas na ng elevator si Pacquiao at mga kasamahan.
    
“What this bodyguard did was beyond rude and very excessive given the setting. He used his body to hold me in position, leaving me in a very tight space with parts of his body touching mine to subdue any movement from me. I feel very violated and insulted by the actions of the said bodyguard. I could not help feeling that my being emboldened him to take such liberties with my person.”
    
“In my 11 years of working in the Senate, and six years in local government, this is the first time I encountered such abuse and manhandling from anyone. And to think that this mistreatment happened in the VIP elevator of the Philippine Senate is totally unacceptable.”
    
“I am so insulted, offended and disgusted by the actions of the said bodyguard that I am still very emotional up to now. I am getting a CCTV copy from the Office of the Seargent-At-Arms to positively identify him while considering actions to take regarding the matter. I am also mulling consulting my uncle, Senator Sotto, on this.”
    
“I am writing you today, in your capacity as Senator Pacquiao’s Chief of Staff, hoping that you can properly address and perhaps discipline this abusive staff member. I did not see his face clearly because his back was toward me during the whole incident, and when I got off the elevator, I was shaken and seething in rage at this ‘kabastusan.’ He is quite tall and on the slim side with a full head of hair.”
    
Ani Ms. Bev, nakahanda siyang humarap nang personal sa COS ni Pacquiao upang sagutin ang anumang katanungan o sabihin nang personal ang mga kabastusang dinanas sa kamay ng butihing senador.
    
Ako mismo ay nakaramdam ng pagkainis at pagkayamot nang mabasa ang nasabing reklamo.  
    
Kahit saang anggulo tingnan, hindi kailangang manghawi pa ng ibang tao para lamang makasakay at makababa nang maayos ang isang senador.
    
VIP elevator  ang kanilang sinakyan kaya walang dahilan upang makipagsiksikan, makipag-unahan at manghawi ng kapwa pasahero si ‘Overacting Bodyguard’ -- lalo na kung pare-pareho naman kayong empleyado ng pamahalaan ang nakasakay sa isang asensor.
    
Kulang na lang sabihin ni Ms. Bev sa kanyang sulat na marami nang magigiting at kagalang-galang na senador na nakasabay niya sa elevator, pero sa Team Pacquiao lamang siya nakaranas ng ganito ka-trying hard na pagbabantay sa kanilang principal.
    
Kailangan pa bang sabihin na kahit sina dating Senate Presidents Juan Ponce Enrile, Manny Villar, Blas Ople, Aquilino ‘Nene’ Pimentel, Rene Saguisag, Marcelo Fernan at kahit sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Joseph ‘Erap’ Estrada at Noynoy Aquino noong mga senador pa sila ay hindi naman ganyan ka-OA ang ginawa nilang pagsakay at pagbaba sa elevator?