5,706 guests

Pakikialam ni Canadian Pogi

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 178

Hala bira!

HINDI tayo nagtataka kung maging reckless si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa kanyang mga pahayag ukol sa mga isyu ng anti-drug war ng Pilipinas dahil unang-una ay wala naman siyang alam dito.

Kilalang matakaw sa PR stunt si Trudeau kaya nga may mga sektor sa Canada ang buwisit sa kanya. Konting utot, nakasunod ang kanyang photographers.

Kapag lumabas na ito ng opisina, lahat ng kanyang army of photographers ay nakakalat na. Ang totoo, mas marami pa siyang photographers kaysa security.

Kapansin-pansin na mas maraming pictures ang Canadian PM na akala mo candid shots pero ang totoo, nakaplano na ang lahat.

Tingnan n’yo naman, mukhang nakipagkasundo pa sa burger company para mag-drawing na kunwari ay nagutom at biglang dumaan sa fastfood.

Kayang-kayang gawin ito ni Trudeau sa tulong ng koordinasyon sa Pinoy fastfood store sa Winnipeg, Canada na kabubukas lang noong December 2016.
    
Isa sa nabuking na gimik ni Trudeau ay ang kanyang jogging photo bomber kuno kasama ng mga estudyanteng dadalo ng JS prom, sa beach wedding at sa mga nagha-hiking sa Quebec.
    
Pinatunayan pa ni Pogi na master spinner siya nang mag-press conference siya bago lumipad pabalik ng Canada. Sinabi niyang magiliw at welcome kay Pangulong Duterte nang buksan niya ang topic tungkol sa drug war, human rights violations at EJK.
    
Pero nang magsalita na si Duterte, lumitaw na sanay talaga magsinungaling si Manong Justin. Iba pala ang naging reaksiyon ng Pangulo sa kanyang sinabi.
    
Unang-una, off tangent sa Asean Summit ang isyung sinasabi ni Pogi. Sa halip sana na binuksan niya ng one on one ang drug war issue kay Duterte, mas maganda sanang ipinilit niyang isinama sa agenda ng Asean meeting as committee of the whole.
    
Kung sa open meeting niya binuksan iyon with the approval ng buong 10-Asean organic members, mas legitimate sana ang dating. Baka mas masagot ni Duterte ang isyu at hindi pa siya makakarinig ng pinutakting mura.
    
Nakalimutan ni Pogi na dialogue partners lang siya tulad ni US President Donald Trump at hindi major player sa Asean circle of 10.
    
Pero bago sana pakialaman ni Justin ang isyu dito sa atin ay ibalik muna niya sa kanilang bansa ang bultu-bultong basura na dinala nila rito.
    
Ipinangako na ni Pogi na dadamputin niya ang kanilang mga basura noong 2015 Apec pero hanggang ngayon, pangakong napako pa rin.
    
Resulta, basura tuloy ang mga lumabas sa kanyang bibig sa presscon!
    
And by the way, hindi pa tapos ang imbestigasyon ng Canadian Parliament Ethics kay Pogi ukol sa paggastos ng US$127K ng private businessman sa pamamasyal ng kanyang pamilya sa Bahamas gamit din ang private plane ng negosyante.

* * *
    
Congratulations sa PNP at sa buong Asean Philippine committee sa matagumpay na hosting natin sa event.
    
Nakita nating lahat na naging maayos ang kabuuan ng Asean mula sa arrival ng world leaders and delegates hanggang sa kanilang pag-alis.
    
Sa susunod na sampung taon ulit babalik sa atin ang hosting dahil ang chairman ng 2018 Asean summit ay ang Singapore.
    
Nakadalo tayo sa Asean Gala dinner sa SMX convention center kaya nakita natin first hand ang maganda at maayos na preparasyon.
    
Masasabing elegante ang gayak ng SMX pero payak lamang ang hapunan.
    
Kabilang sa mga naging menu ay ang labong at alugbati appetizer, sinigang sa miso na maya-maya ang soup, inihaw na apahap in mango sauce, sushi bistek tagalog, caramel flan at buko-lychee ang drink.
    
Busog-lusog.
    
Mabuhay ang men and women sa likod ng Asean summit!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.