8,896

Pagandahin ang koleksyon at serbisyo -- Coll. Mimel Talusan

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 182

GINAGAWA ng mga taga-Bureau of Customs (BoC) ang lahat ng kanilang makakaya para lalong gumanda ang tax collection performance at serbisyo publiko.

Ito ang pagtitiyak kamakailan ni BoC-NAIA District Collector Carmelita “Mimel” Manahan-Talusan.

Sinabi ni Talusan na bilang isang income-generating agency, ang BoC ay determinadong tumulong para mapaganda ang “delivery of basic services for Filipino poor families.”

“As part of the government’s program to collect more taxes, the bureau is doing all the possible solutions to increase or surpass the target collection being given by Commissioner Isidro S. Lapena,” dagdag ni Talusan.

Si Talusan ay anak ni dating Customs Deputy Commissioner Julie S. Manahan, na kapatid ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.

Kamakailan nga ay naglagay ng dagdag na X-Ray machines sa tatlong terminals ng NAIA.

Ang paglalagay ng mga bagong X-Ray machine ay naglalayong masawata ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa.

Sa obserbasyon nga ng ating mga otoridad, napipilitang bumili sa labas ng bansa ng iligal na droga ang mga sindikato.

Kaya naman lalo pang pinaigting ng gobyerno ang kampanya laban sa mga “clandestine” na pagawaan ng shabu sa bansa.

Sa tulong ng BoC, PNP, NBI at PDEA, naniniwala tayo na mabibigyang solusyon ang problema ng iligal na droga bago matapos ang termino ni Pangulong Rody Duterte sa 2022.

* * *

Isang shipment ng mga puslit na sibuyas ang nasakote na naman ng mga taga-BoC sa Port of Manila (PoM).

Nagkakahalaga ng mahigit P4.5 milyon, ang mga kontrabando ay galing China.

Sinabi ni Lapeña na ang mga sibuyas ay nakalagay sa tatlong 40-footer container vans.

Ang mga van ay deklaradong naglalaman ng mga mug, saucer at decor.

Ang shipment ay naka-consigned sa “Precious Princess Enterprises” na may office sa Parañaque City.

Ang rehistradong may-ari ng consignee at signing broker ay kakasuhan sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act.

Ang kanilang mga license to transact business sa Aduana ay nanganganib naman na masuspinde o makansela.

Ayon kay Lapeña, inaasahang dadami pa ang mahuhuling kontrabando sa mga darating na araw.

Ito’y matapos na masakote ng mga tauhan ni Lapeña ang mga iligal na droga na pinarating naman sa Port of Clark.

“We are suspecting that the senders of these packages are (members of) international drug cartels,” sabi ni Lapeña.

Ang mga droga ay nagkakahalaga ng P120 milyon.

Galing ng Estados Unidos, nakatago ang mga droga sa mga parcel na naglalaman daw ng upuan at “bar stools.”

* * *

Tama ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa mga school official at magulang.

Dapat tumulong sila sa mga pulis para protektahan ang mga estudyante laban sa iligal na droga.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na gumagamit ng mga estudyante ang mga sindikato ng droga.

Binabayaran nila ang mga estudyante bilang “drug mules” o “couriers.”

Aton kay PNP Chief Director-General Oscar Albayalde, kailangang makilala at maaresto ang mga bumibiktima ng mga mag-aaral.

Hinikayat ni NCRPO Head Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga opisyal ng paaralan at magulang na tumulong sa pagsugpo sa drug problem.

Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-inspect sa mga bag at locker ng mga estudyante.

Sa tingin natin ay walang tututol sa panawagan na ito ni Eleazar.

Sana naman bantayang mabuti ng mga magulang ang kanilang anak.

Kung minsan, napapasama ang isang bata dahil sa impluwensiya ng mga barkada.

At dapat pinapangaralan kaagad ang mga bata na nakagagawa ng hindi tama.

Kung hindi, baka mapariwara ang ating anak.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)