6,341 guests

Ouster move vs President DU30

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 161

MAY banta ang CPP-NPA. 

Gagawin daw nila ang lahat ng paraan at palalakasin ang pagkilos para pabagsakin si Pangulong
Duterte.  

Umasim na ang dating matamis na relasyon ng mga rebelde at ni Mayor Duterte. Hindi
maikakailang may kakaibang access si Mayor sa kuta ng mga rebeldeng komunista.
    
Sa maraming pagkakataon, nagkakausap nang personal ang mga lider ng komunista at si Digong.
Ang mga bihag ng grupo ay napapakawalan sa tuwing namamagitan si Duterte na noon ay alkalde ng Davao
City.
    
Kapalit naman ng mga ito ay pagbibigay ni Digong sa mga basic needs ng mga rebelde gaya ng
bigas at iba pang pagkain.
    
Nabuo ang magandang relasyon, matibay ang respetuhan ng dalawang panig.
    
Kaya nga sa unang mga buwan ni Mayor bilang Pangulo ng Republika, ipinakita rin niya ang
kanyang goodwill para sa mga rebelde, kasama ang founding chair nito na si Joma Sison.
    
Nagkausap pa sila sa skype at naging magiliw ang pagpapalitan ng salita ng estudyanteng si
Digong at ng propesor na si Joma.
    
Sariling pasya ni Pangulo na magpakita ng magandang loob sa mga rebelde sa pamamagitan ng
pagpapalaya sa political prisoners na kasamahan ni Joma.
    
Maraming mga matatandang bilanggong rebelde ang pinalaya samantalang ang iba ay binigyan ng
safe-conduct pass. Ang iba na naging bahagi pa ng peace panel ay nakalabas pa ng bansa papuntang The
Netherlands na kinaroonan ni Joma.
    
Muling nabuhay ang magandang usapan, muling sumigla ang posibilidad na matatapos na ang
rebelyon na mahigit limang dekada nang nangyayari sa bansa.
    
Unilateral, nagdeklara ng ceasefire si Pangulo para wala nang putukan sa panig ng government
forces. Nagpakita rin ng magandang kalooban ang CPP at NPA, sumunod din sila sa deklarasyon.
    
Pero nag-iba ang ihip ng hangin, binawi ng Pangulo ang mga gusto niyang mangyari na
makipagkasundo sa mga rebelde matapos ang pag-ambush ng NPA sa Presidential Security Group.
    
Pinakansela na rin niya ang safe conduct pass, pinaaresto na niya ulit ang mga pinalayang
negosyador.
    
Ayaw na rin ni Digong ng peacetalks dahil unang-unang, impossible dreams daw ang hinihingi ng
mga rebelde. Mga kondisyon na wala sa poder ng Pangulo pero gustong makuha ng grupo ni Joma.
    
Ngayong lumabo na ang pagkakasundo bagama’t kahit paano ay nag-ceasefire ang dalawang panig
ngayong Christmas season, may panibagong banta ang mga rebelde. Gusto nilang patalsikin si Duterte.
    
Ang malaking problema ng mga rebelde, majority ng mga Pinoy ay happy sa liderato ni Duterte.
At ang mga mabibigat na problema ng bansa na nilulutas ngayon ng Pangulo ay hindi pa nagawa ng mga
nakaraang presidente.
    
For the sake of argument magtagumpay halimbawa ang Duterte oust move ng mga rebelde at ng
grupo ng oposisyon, sa tingin kaya nila ay tatanggapin ng publiko ang gusto nilang maupong Pangulo?
    
Nasa maayos na kondisyon ngayon ang bansa economically, seguridad na panloob at panlabas
kasama na ang peace and order sa ilalim ng liderato ni Duterte.
    
At naniniwala tayong walang matinong grupo o matinong Pilipino ang susuporta sa anumang banta
ng pagpapabagsak sa isang Pangulo na walang ibang agenda kung hindi ang linisin ang bansang binusabos
ng maraming kasaysayan ng kapabayaan.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.