4,526

Northern and Central Luzon familiarization inspection trip

  • Written by Cong. RICKY SANDOVAL
  • Published in Opinion
  • Read: 227

“A JOURNEY of a thousand miles begins with a single step.” 

Cliché na ang kasabihang ito o sa madaling sabi ay sa sobrang dalas nang ginagamit ay
nawalan na ng interes ang mga nakaririnig. 

Pero buhay na buhay ang kahulugan nito para sa mga miyembro ng House of Representatives sa
pangunguna nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas. 

Sa pangatlong pagkakataon kasi, pinangunahan nila ang inspection trip upang makita nang
personal ng mga mambabatas ang status ng mga natapos na at ongoing na mga proyekto sa bansa.
    
Dahil ang Kongreso ang may hawak ng power of the purse, Kongreso ang may tungkulin na
magpasya kung papaano gugugulin ang pambansang budget. Bago pa gawin ng mga ahensya gaya ng DPWH
ang kada tulay at kalsada, kailangan muna nilang ipaalam sa Kongreso ang naturang proyekto at ang
budget na kailangan dito.
    
Kaya’t nararapat lang na makita ng Kongreso kung nagamit ba sa tama ang pera ng taumbayan
na hiningi sa kanila ng iba’t ibang ahensya. Ito ang esensya ng oversight function ng mga
mambabatas.
    
Kaya sa halip na umasa na lang kaming mga kongresista sa anumang makakapal na report na
ipapadala sa aming opisina, minarapat ni House Transportation Chairman Cesar Sarmiento na
magkaroon ng inspection trip na itataon kapag walang session.
    
Hindi biro ang inspection trip na ito. Bukod sa hindi namin nakakasama ang aming pamilya
habang nasa byahe, nalalayo rin kami sa kanya-kanya naming mga distrito.
    
Pero nagbunga na ng maraming bagay ang mga inspection namin. Halimbawa na rito ang isyu sa
Boracay. Bago pa man maging aligaga ang DILG, DENR at DoT sa mahinang compliance ng mga business
establishment sa lugar, naghain na ng resolusyon si Congressman Edgar Sarmiento upang imbestigahan
ang Boracay dahil napansin niyang marumi na ang tubig sa beaches nito.
    
Dahil din sa mahabang landtrip namin, napuna ko ang kawalan ng maayos na comfort rooms
para sa mga naglalakbay. Dahil dito, nagpasa ako ng resolusyon para udyukin ang DoT na maglaan ng
pondo sa pagpapagawa ng malilinis at maaayos na comfort rooms sa mga ruta at destinasyon ng mga
manlalakbay.
    
Mahusay at pulido ang staff work sa mga inspection trip namin sa pangunguna nina Timothy
Andrew Flores at Atty. Bryan Maga. Bitbit na nila ang ilang kaibigan natin sa media para
naibabalita agad ang mga consultation na ginagawa natin, sila pa ang in charge sa coordination sa
PNP, HPG, AFP, at Coast Guard para masigurong banayad ang byahe.
    
Isinasama rin ng grupo ang ilang staff ng mga ahensya gaya ng DoT para siguradong
maireport nila agad ang mga obserbasyon namin.
    
Kung may isa pang naging bunga ang aming inspection trip, ito ay ang pagiging tourism
ambassadors naming mga kongresista. Kung nakita ninyo ang mga posts namin sa aming mga social
media accounts, hinihikayat namin ang mga kababayan namin sa aming mga distrito na idagdag sa
bucket list nila ang mga lugar na aming napupuntahan.
    
Sa ganitong pamamaraan, talagang masasabi namin sa lahat na #ItsMoreFunInThePhilippines.
    
I-follow sa Twitter si Cong. Ricky Sandoval: @Rep_Sandoval o i-like sa Facebook:
@RickySandovalMalabon