Nasa tamang direksyon si Sen. Dick

September 14, 2018

SINUSULAT natin ito, dear readers, wala pang katiyakan kung makakalabas na ng Senado si ‘BoC intel agent,’ Jimmy Guban.

Iniutos ni Sen. Dick Gordon -- at sinang-ayunan naman ng iba pang senador -- ang ‘detention’ ni Guban ‘for contempt’ and ‘for lying before the Senate’ sa naging pagdinig ng ‘Senate Blue Ribbon Committee’ hinggil sa talamak na ‘drug smuggling’ sa bansa.

Sa “pagsipat” kasi ni Sen. Dick, “hindi nagsasabi ng totoo” itong si Guban hinggil sa kanyang tunay na papel at partisipasyon sa dalawang insidente ng drug smuggling na siyang binubusisi ngayon ng Senado.

Ang una nga rito ay ang nabistong 355 kilos ng shabu sa isang ‘shipment’ ng mga ‘abandoned scrap magnetic lifter’ sa MICP noong Agosto 7 na “nakapangalan” dito sa ‘Vecaba Trading’ at ang ikalawa, ay ang nakitang apat na piraso rin ng mga magnetic scrap lifter na nakita naman ng PDEA sa isang abandonadong ‘warehouse’ sa GMA, Cavite noong Agosto na nakapangalan naman sa ‘SMYD Trading.’

Ayon kay PDEA director general, Aaron Aquino, “nalusutan” ang BoC nitong SMYD Trading at aniya pa, tinatayang higit isang toneladang shabu na ngayon ang “nakakalat” sa bansa dahil sa insidenteng ito.

Buwelta naman ni BoC commissioner, Sid Lapeña, “sablay” ang PDEA sa sinasabi nito dahil “walang ebidensiya,” batay na rin sa ‘swab test’ na isinagawa ng PNP at PDEA, “negative” ang resulta o walang “ebidensiya” na naglaman nga ang mga ito ng shabu.

At dahil hindi “magkasundo,” kung ano nga ba ang totoo at ano nga ba ang totoong mga nangyari, pumasok na rin sa imbestigasyon ang Senado.

Kung ‘well-prepared’ naman ang lahat ng mga naimbitahan, lumalabas naman sa ating nasaksihan na ‘most prepared’ sa kanilang lahat si Sen. Dick, partikular na hinggil sa mga detalye ng dalawang transaksyon, bagay na napansin na lang natin nang simulan na niyang “gisahin” itong si Guban.

* * *

Sa “pangungulit” naman ni Sen. Dick noong Martes, aba’y isang nakagugulat -- at nakakatakot -- na ‘conclusion’ ang kanyang “napalabas” sa kanyang mga pagtatanong kay Guban: “may kinalaman” siya sa dalawang transaksyon!

At kung “tatahiin” ang mga napalabas na impormasyon ni Sen. Dick, bagaman nga kailangan pa itong “ataduhin” sa susunod na pagdinig, “iisang sindikato” lang ng iligal na droga ang nasa likod ng dalawang insidenteng ito kung saan ang ‘central figure’ ay si Guban, sanamagan!

Kung ganito nga ang ‘conclusion’ na matagal nang “naglalaro sa isipan” ni Sen. Dick, aba’y wala tayong masasabi bagkus, Go, Go, Go, Sen. Dick dahil nasa tamang direksyon ka, hindi ba, Pang. Rody?

Sa panig naman nitong si Guban na noon lang Martes kami parehong personal na nagkakilala, “masama” ang kanyang loob na bagaman nga (daw) pulos “katotohanan” na ang kanyang sinasabi, aba’y ayaw naman siyang paniwalaan ni Chairman, Dick, aguy, aguy, aguy!

Ang resulta nga tuloy, “kulong” siya sa Senado (at baka nga ilipat pa sa Pasay City Jail) “hanggang hindi siya nagsasabi ng katotohanan,” ayon pa kay Sen. Dick.

Kung ‘true intelligence officer and anti-drug warrior’ nga itong si Guban o isang ‘rogue agent’ at miyembro ng isang sindikato ng droga, malalaman natin sa mga susunod na pagdinig, hindi ba mga kabayan.

Sa amin kasing pag-uusap, napansin natin na “kalmante” lang siya at tila walang agam-agam sa katawan dahil aniya pa, “pulos totoo” naman ang kanyang mga sinasabi.

Bagaman, may isang bagay sa kanyang pagkatao na “bumagabag” sa atin, mga kabayan. Dangan kasi, “napalabas” din ni Sen. Dick na nagawa nitong si Guban na “isangkot” sa drug smuggling ang isang mahirap -- at inosente -- na “magbabakal” (scavenger) sa Cavite upang “isalba” naman itong may-ari ng SMYD Trading.

Kung kaya pala niyang gawin ito sa isang karaniwang tao, ilang inosente pa kaya ang kaya niyang gawin bilang ‘fall guy’ “masagip” lang ang kanyang mga gustong protektahan, aber?

At bakit nga pala, biglang-bigla, nakita natin sa nasabing pagdinig ang isang beteranong kolumnista na may malansa ring reputasyon at pagkatao? Aber, yun bang kahit anak mong babae, “minomolestiya” mo, hindi lang, “malansa,” bagkus, “walanghiya,” ang dapat itawag sa kanya, hindi ba, ex-NPC director, Willy Espiritu?

Ano ang kaugnayan niya kay Guban, Mr. Willy Fernandez ng Daily Tribune? Ayon kasi sa ating mga “kapatid” sa Senado, “inilalako” sa kanila nitong kolumnistang ito, ang “bersyon” ni Guban. Hmm. 

Abangan!

Tagged Under