6,049

Napakaagang paninira kay Lim, wa epek

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Opinion
  • Read: 296

Malayo pa ang elek-syon pero heto at ayaw nang tantanan si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ng mga tao na ‘hindi masaya’ sa ginawa niyang pag-anunsiyo ng desisyon na muling tumakbo sa 2019 elections. 

Matapos palabasin sa isang pekeng Facebook account na ineendoso niya si Gen. Elmer Jamias bilang vice mayor -- na kanya agad na ikinaila sa isang press statement, kelan lang ay kumalat naman sa Internet ang isang video na galing kuno sa isang Facebook account na ang pangalang ginamit ay ‘Ang Pagbabalik ni Mayor Lim’ na may litrato pa ni Lim mismo. Ang layunin ng nasabing video ay siraan sina dating Vice Mayor Isko Moreno at mga kasalukuyang konsehal pati na din si Vice Mayor Honey Lacuna.

Maliwanag na kung sinuman ang nag-post ng nasabing video ay gusto lang pag-awayin o pagsa-bungin sina Lim sa isang banda at sa kabilang banda naman ay sina Moreno, Lacuna at mga konsehal. Gusto ring palabasin doon na ‘cheap’ si Lim na pumapatol sa black propaganda para pasamain ang imahe nito sa mata ng mga netizen.

Kaso, kabisado ng mga nakakakilala nang lubos kay Lim na ayaw na ayaw nito ang ‘black propaganda’ o siraan blues pagda-ting sa pulitika, dahil mas gusto nito ay labasan na lang ng mga nagawa na o pruweba ng klase ng serbisyo na kayang ibigay sa tao.

Bukod diyan, kilalang kuripot si Lim at ’di ito ’yung klase na mag-aaksaya ng pera para lang makapanira ng kapwa.

Higit sa lahat, disenteng tao si Lim at isang tunay na statesman. Maski noon pa, never niya ginawang manira sa mga kalaban sa pulitika at bagkus ay sumasagot lang ito sa mga banat sa kanya kapag sobra na.

Pero ang talaga namang nakakatawa sa lahat, hindi tangengot si Lim para ipalagay ang pa-ngalan at litrato niya kasama ng video na sinisiraan ang grupo nina Moreno. Kung merong tanga, ’yun ay ang mismong nagpaputok ng video na pinalabas pang kampo ni Lim ang nagpakalat.

Kung kayo ba halimbawa si Lim, magpapalabas kayo ng paninira sa kapwa pulitiko gamit ang inyong FB account at may litrato mo pa? Talaga lang? Napaka-desperado at bobo ng may pakana nito at ’di na raw magugulat si Lim kung sa susunod ay iba namang pulitiko ang sisiraan din tapos pangalan na naman niya ang ga-gamitin.
Hindi ’ata nagbabasa ng latest news tungkol kay Lim ang nasa likod ng ‘Ang Pagbabalik ni Mayor Lim’ na FB account na ’yan.

Bago kasi niyan ay naglabasan na sa online at mga diyaryo ang pahayag ni Lim kung saan nilinaw niya na iisa lang ang lehitimo at tunay na FB account na talagang kanya, at ’yan ay ang ‘Alfredo Siojo Lim’ na hawak ng kanyang pamangkin mula sa Bulacan na si Beverly Anne Siojo. Lahat ng iba pang FB account na may pa-ngalan niya ay pawang peke na at wala siyang kinalaman.

Napakadali kasi sa panahon ngayon na gumawa ng pekeng FB account kaya ginawa ni Lim ang paglilinaw.

Mabuti na lang din at hindi tanga ’yung mga bina-banatan sa video para maniwalang si Lim ang me pakana ng paninira sa kanila at pagkaka-post ng naturang video.
Hindi rin ito umepekto sa maraming netizens dahil nariyan pa rin ang mga sumusuporta sa kanya at nadagdagan pa ng mga nakikisimpatiya sa kanya dahil malayo pa ang elek-syon ay may mga nagtatangka nang siya ay gibain.

Patunay na wa epek ang paggamit sa pangalan ni Lim sa mapanirang video ay nang magkita kelan lang sa isang restaurant sa third district ng Maynila sina Lim at Lacuna. Mainit silang nagkama-yan, nagbatian, nagkamustahan at bukod sa mga pagbubulungan ay nagtatawanan pa

Gayundin kainit ang pagbati kay Lim ng kasama noon ni Lacuna na mga konsehal at barangay chairman na naroon nang mga oras na iyon. Ipinaki-lala sila isa-isa ni Konsehal Jong Isip mismo, na sinamahan pa si Lim mag-ikot sa mga mesa para kamayan niya silang lahat.

Kaya du’n sa mga gumagawa ng paninira at imbentong istorya tungkol kay Lim, kasama na diyan ang mga pekeng FB accounts, sorry wrong number, try again na lang daw, sabi ng loyalista ni Lim na si Chairman Jim Adriano. Hehehe…

***

Beauty tip -- If you are losing so much hair daily, massage almond oil on scalp two to three times a day, daily. This will stop further hair loss. ( Source: Dr. Rosary May Canay-Diaz of Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa/4108424/4669596/09178038240/ 025053987)

***

Jokjok (from William Montero of Maginhawa Street, F.B. Harrison, Pasay City) -- BOY: Ku-kunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo! Sagutin mo lang ako!/GIRL: Hahahaha!!!/BOY: Ano nakakatawa sa sinabi ko?/GIRL: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mong nakabitin sa ilong mo, bituin pa?!@ Iw!

***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or text 0927-7169778.