5,209 guests

Mocha Uson: Collateral beneficiary

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 208

HINDI ko alam kung saan nagmula ang typecasting kay Mocha Uson na maging simbolo ng galit or inggit
saan mang sektor.

Hindi ko rin alam kung bakit bawat kilos niya ay masama ang konotasyon sa iba kahit madalas ay
mabuti naman ang kanyang ginagawa.
    
Marami ang tingin kay Mocha ay liability sa Duterte administration kahit wala naman itong
ginagawa para sumira sa gobyerno.
    
Ang palaging ikinakabit at pilit siyang ibinabalik sa kanyang mga nakaraan bilang starlet at
bilang sex symbol.
    
Hindi rin maitatanggi na naiinis sila kay Mocha kasi dahil para sa kanila, hindi siya bahagi
ng mainstream media.
    
Mabilis nilang kinakastigo si Mocha dahil sa mga maling post, maling details, maling spelling,
maling grammar.
    
Ang mga pagkakamali na ito ay hindi naman monopolyo ni Mocha. Kahit sinong magaling na media,
lokal man o international, ay guilty rin madalas sa mga pagkakamali.
    
Iyong ibang balita, alam nating lahat na minsan ay sadyang minamali o sadyang itinatama
depende sa kanya-kanyang biases.
    
Blogger lang, as in isa lang na nobody na blogger si Mocha para sa iba habang ang iba ay
superlative ang deskripsiyon sa kanilang mga sarili bilang genius.
    
Saan ba lahat nag-ugat ang mistulang hate campaign laban kay Mocha? Simple lang ang sagot ko
rito, nanalo kasi si Duterte.
    
Hindi puwedeng sabihin o ibigay nang solo ang kredito kay Mocha dahil maraming contributory
factors sa resulta ng 2016 elections.
    
Pero dahil prominente si Mocha, palagi siyang nakikita na solid Duterte na walang pakialam sa
mainstream media.
    
Ngayong nabanggit ang kanyang pangalan bilang posibleng kasama sa senatorial lineup, parang
nabuhusan na naman ng gasolina ang mga dati nang galit at inggit sa kanya.
    
Tulad ng dati, kinutya na naman siya, minaliit na naman siya. Ang tingin palagi sa kanilang
mga sarili ay over and above Mocha.
    
Sira na naman ang kanilang mga araw dahil sa balitang pagtakbo ni Mocha.
    
Parang hindi kumpleto ang buhay nila kapag hindi nabatikos o nalait man lang si Mocha.
    
Maaaring kung minsan ay lumalabis siya at sabihin pa namin na madalas ay may mga mali sa

kanyang mga post.  Ang tanong, siya lang ba? Lahat naman tayo ay hindi perpekto at may mga sariling
kahinaan.
    
Ang problema talaga natin, para sa atin ay mortal sin ang mga pagkakamali ni Mocha samantalang
ang pagkakamali natin ay incidental lamang at hindi sinasadya.
    
Sa tingin ko, maraming tao ang lumalabis na sa kanilang pangmamaliit kay Mocha. Beyond
humanity para sa akin ang kanilang ginagawa sa isang taong collateral  beneficiary lamang ng
pagkapanalo ni Pangulong Duterte.
    
Ang mas nakakatawa lamang, iyong ibang grupo at ibang taong matinding bumabatikos at kumukutya
kay Mocha ay mga taong nakinabang nang husto sa nakaraang administrasyon subalit nawalan ng postura
dahil natalo ang kanilang ikinandidato.
    
Aminin n’yo man o hindi, naiinggit lang kayo kay Mocha at naiinis kayo sa kanya dahil siya na
ang bida sa mundo na dati’y sinosolo n’yo na!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.