7,951 guests

Mga tulisan sa BoC, hindi takot kay Comm. Lapeña!

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 275

“I NEED collectors who follow the guidance that is being given by the commissioner.”

Ito ang sinabi ni BoC Chief Isidro Lapeña pagkatapos na alisin niya sa puwesto sina District
Collectors Rhea Gregorio at Vincent Maronilla ng POM at MICP, ayon sa pagkakasunod.

Pero niliwanag ni Lapeña na hindi magkakaroon ng malawakang pagbalasa sa ahensiya.
    
“Not a massive reshuffle but it would be based on performance. As I have said, I am giving
everyone a clean slate but we’ll have a one strike policy,” dagdag ni Lapeña.
    
Bilang produkto ng Philippine Military Academy, si Lapeña ay hindi basta nasisindak.
    
“Disciplinarian” pero “fair and just” sa kanyang mga desisyon.
    
Nakikinig sa mga suhestiyon basta makabubuti sa mamamayan at bayan.
    
Ang mahalaga sa kanya ay pagtutulungan para mapabuti ang serbisyo publiko.
    
Sana laging konsultahin ni Comm. Sid ang mga waterfront stakeholder para pag-usapan ang mga
problema.
    
Huwag natin kalimutan na ang mga taga-BoC at port user ay “partners in nation building.”
    
Kaya para sa mga “tulisang” broker/importer at kasabwat nilang mga examiner at appraiser,
magtino na kayo. Isang sablay niyo lang siguradong kaso ang haharapin niyo.
    
Tama ba kami, Pangulong Duterte?

* * *   

And speaking of mga tulisang broker, dapat busisiin ni Commissioner Lapeña kung bakit tuloy pa
rin umano ang trabaho ng ilang tiwaling importer/broker na nagpapakilalang “Davao Group.”
    
Hindi ba natatakot kay Comm. Lapeña ang mga ito?
    
Malaking bagay na mababa ng halos P20k hanggang P30k ang binabayaran nila kaysa mga hindi
“pinagpala.”
    
Ibig bang sabihin nito, tuloy pa rin ang ligaya nila?
    
Huwag naman sana. Sayang ang tiwala sa inyo ng Pangulong Digong at taumbayan.
    
Isa pa, ito ang pagkakataon para ipakita niyo kina VM Pulong Duterte at bayaw nitong si Mans
Carpio na handa ninyong buwagin ang kumakaladkad at sumisira sa kanilang pangalan sa mga kalokohan diyan
sa BoC.

* * *   

Maliban sa paglaban sa droga, kurapsyon at krimen, prayoridad din ni Pangulong Duterte ang
pagpalit ng porma ng gobyerno.
    
Hangad ni Pangulong Rody  nai-adopt natin ang Federal System of government.
    
Ang problema, marami pa ang hindi nakakaalam kung anu-anong buti ang idudulot ng pagpapalit ng
porma ng gobyerno.
    
Ang tanong nga ng marami ay kung mawawala na ba ang kurapsyon at katiwalian kapag nagpalit na
tayo ng sistema ng gobyerno.
    
Magkakaroon ba sila ng trabaho, bahay, katahimikan at sapat na pagkain at gamot?
    
Ngayon pa lang ay dapat itanim na sa isip ng taumbayan ang mga benepisyo kapag nagpalit tayo ng
porma ng gobyerno.
    
Kung hindi ay baka manalo sa plebisito ang mga kontra sa pagpapalit ng porma ng gobyerno.
    
Dito magagamit at makatutulong ang mga opisyal at kawani ng mga barangay.
    
Karamihan sa kanila ay handang tumulong para sa information dissemination drive bilang
pasasalamat sa patuloy nilang panunungkulan.
    
Marami nga sa kanila ang abot langit ang papuri at pasalamat kay Pangulong Duterte dahil sa
pagpapaliban sa barangay at SK elections.
    
“Pagdating ng plebisito ay makikita ni Pangulong Duterte kung paano sila tumanaw ng utang na
loob.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-
4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)