5,283

Mga kritiko ng PTFoMS, ‘nganga!’

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 339

BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay ang ating ipinapaabot sa pamilya at mga kaibigan ni “kapatid” na Jethro Sino Cruz, kasapi natin sa National Press Club (NPC), sa kanyang naging pagpanaw dala ng matagal nang karamdaman. ‘Till we meet again, brod.

Pakikiramay din ang ating ipinapaabot sa pamilya at mga kaibigan ni ex-Bureau of Immigration (BI) commissioner, Al Fernandez, na batay sa ‘post’ ni kasamang Allan Bergonia sa social media, ay pumanaw na rin pala.

Isa sa mga ‘likeable’ na lingkod-bayan si Comm. Al, kahit pa sa kanyang minamahal na lungsod ng Dagupan, kung saan huli natin siyang nakasalamuha, ilang taon na ang nakaraan, tama ba, ex-Dagupan COP, Christopher Abrahano?

At nabanggit na rin lang si Supt. Abrahano, aba’y “mainit” at “malakas” na congratulations sa iyo, brod!

Mantakin mo ‘yan, ikaw na pala ang “RO” (regional officer) ng CIDG d’yan sa Region 3? Yeheyy!!!

Matagal na nating kilala at kaibigan itong si Chris, mga kabayan, ‘from way, way back’ noong sa Calabarzon pa ang kanyang destino. Nakilala at naging kaibigan natin siya nung siya pa ang PDEA regional director at pagkatapos nito, nang mapalipat siya sa CIDG.

Translation? “Kudos,” CIDG director, C/Supt. Roel Barcena Obusan dahil hindi ka nagkamali ng pagpili dito kay Chris.

Kung sa ‘accomplishment’ din lang at propesyunalismo, aba’y hinding-hindi ka “mauubusan” dito kay Chris, hehehe!

At kailan ka ba magpapainom ulit, Chris, hehehe! Mabuhay ka!

* * *

“Nalulungkot” tayo dito sa mga kritiko ng ‘Presidential Task Force on Media Security’ (PTFoMS) sa hanay ng ating mga kapatid sa media.

“Nalulungkot” tayo, NPC Director Joe Torres, dahil “nabigo” ang ilang “naliligaw ng landas” na mga kapatid natin sa pamamahayag na “ipahiya” ang PTFoMS at siyempre, si ex-NPC president at task force executive director, Joel Sy Egco sa buong mundo sa “niluto” nilang ‘Senate inquiry’ noong Miyerkules.

Aber, “sayang” ang kanilang naging mga “pagod” at hinabing mga intriga laban sa task force na “sinakyan” naman agad ni Sen. Grace Poe, dahilan upang magkaroon nga ng pagdinig ang kanyang Senate Committee on Public Information and Mass Media noong Miyerkules.

‘Yun nga lang, ‘nag-backfire’ sa mga grupong ito ang kanilang maitim na pakana, tama ba, “tukayong” Paul Farol?

Sa halip kasi na yung inaasahan nilang maboldyak at masopla ng mga senador si Usec. Egco sa bintang na “wala siyang ginagawa” sa isyu ng ‘media killings’ at iba pang mga paglabag sa mga batayang karapatan ng mga mamamahayag, nalaman natin na “pinaliguan” -- ng mga papuri -- ni Sen. Grace itong si Joel at ang kanyang mga operatiba sa task force, hahaha, ayy, huhuhu!

‘And take note,’ mga kabayan, bukod sa mga grupo ng media na wala nang makitang maganda sa gobyernong Duterte -- NUJP, CMFR at PPI -- hindi man lang nagawa ng komite ni Sen. Grace na imbitahan ang iba pang ‘stakeholders’ sa task force katulad ng NPC.

“Halata” tuloy, kaibigang Judy Sto. Domingo, na tila gustong “kuyugin” ng mga kalaban ng gobyernong Duterte itong si Joel at ang PTFoMS, “gamit” naman ang komite nitong ‘principal’ mo, hehehe!

Pero dahil nga “katotohanan ang sa atin ay magpapalaya,” ayon na rin kay Ka Heber Bartolome, “nanaig ang katotohanan” noong Miyerkules at nagkabistuhan na mga “nilubid na buhangin” ang mga akusasyon laban sa task force kaya ang ating tanong sa mga “kurimaw:”

“Hindi na ba kayo marunong mahiya, mga bosing?”

Aber, bistadong-bistado na kayo bilang mga ahente ng mga dayuhang interes ah! Oops! “malasakit” ba sa kapakanan ng media ang tanging interes ninyo? Lul.

Transaksyon sa droga sa Munti tuloy pa rin?

Ang “natabunan” na ‘drug bust story’ noong Miyerkules, Boss Joey Venancio, ay ‘yung “nasamsam” na higit 6 kilo ng shabu sa San Carlos City, Negros Occidental na nagkakahalaga naman ng higit P72 milyon.

“Natabunan” at hindi masyadong napansin, ex-Chief PNP at ngayon ay ‘Bureau of Corrections’ (BuCor) director, Bato dela Rosa, ang nasabing istorya dahil nga “mas malaking balita” ‘yung nasamsam naman na 500 kilo ng shabu na higit P4 bilyon ang halaga, sa MICP-Bureau of Customs.

Sa insidente sa San Carlos City, eh siyempre dapat “papurihan” ang magandang ‘working relationship’ ng PDEA sa ilalim ni RD Emerson Margate at ang mga kaibigan natin sa ‘Task Force Noah’ ng ISAFP/NICA.

At ayon sa ilang miron natin sa ‘intel community,’ dear readers, “naniniwala” sila na ang “transaksyon” para sa ‘delivery’ ng nasabing droga ay “galing” sa isang “nakakulong” na ‘drug lord,’ sa ‘Muntinlupa!’

Susmariosep naman! May “ganyan” pa rin pala sa Munti, sanamagan, hindi ba, Pang. Rody?

Hindi binanggit sa atin ng ating mga kaibigan kung sino ang nasabing drug lord pero kung totoo ito, aba’y lumalabas na “natutulog sa pansitan” itong si Gen. Bato hindi ba?

Teka lang, hindi ba kasamang Non Alquitran?

Hindi ba… noong maupo na bilang BuCor director si Gen. Bato, ‘nag-viral’ sa ‘social media’ ang kanyang pagyayabang, agh, “paalala” sa mga nakakulong na mga kriminal doon, na sa Muntinlupa, “siya” lang ang “siga,” hindi ba?

Eh, bakit may ganito pa ring nangyayari sa tungki mismo ng kanyang ilong aber?

Baka naman… “siya” lang ang “siga” sa Munti, pero, yung mga ‘drug lords’ pa rin ang mga totong “boss,’” ahahay!

Abangan!