7,791

Mga kinalburo ni Noynoy

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 271

HINOG sa pilit.

Linya ito ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagkakasibak ng Korte Suprema kay Maria Lourdes Sereno bilang Punong Mahistrado.

Sabi niya, kapag daw ang mangga ay pinilit pahinugin, tiyak na ito ay maasim at mapait.

Sakto ang deskripsiyon ni Noynoy. Kaya lang, kailangan mong basahin nang pabalik. Ibig sabihin, iyong binabanggit niyang hinog sa pilit ay sinabi niya habang nakaharap sila ni Sereno sa salamin sa Times St., Quezon City.

Wala dapat sa shortlist ng mga nominado sa pagka-Chief Justice si Sereno noong 2012. Siya lang ang pinakabata sa edad na 51 yrs. old sa mga panahong iyon. Siya rin ang pinaka-hindi qualified sa posisyon.

Dahil 51 years old nang ma-appoint, ibig sabihin, 19 years magiging Chief Justice si Sereno. Mula sa Noynoy presidency, Duterte presidency hanggang dalawa pang presidency.

Kung ikukumpara sa mga nominado sa pagka-punong mahistrado noong 2012, si Sereno lang ang bukod tanging pinahinog sa pilit. Inilubog sa isang trak na kalburo para lang mailagay ni Noynoy sa posisyon.

Ginawa naman ito ni Noynoy hindi para bigyan ng pabor si Sereno bagkus ay bigyan ng pabor ang kanyang sarili. 19 years na protektado ang Hacienda Luisita na ibinabalik ng Korte Suprema sa mga magsasaka sa ilalim ng liderato ni Chief Justice Renato Corona.

At nahinog din sa pilit ang pagpapatanggal ni Noynoy kay Corona gamit ang mga illegally obtained evidence at mahigit P100 bilyon Disbursement Acceleration Program.

Hinog din sa pilit ang DAP dahil idineklara nina Noynoy at Abad na savings ito sa kalagitnaan pa lang ng taon. Inipon ang pondo ng iba’t ibang ahensiya para makabuo ang DAP ng pangsuhol sa mga senador para i-convict si Corona.

Sa isang banda, kung ano man ang naging kapalaran ni Sereno ngayon matapos ang desisyon ng SC justices ay dahil na rin sa kagagawan ni Noynoy. Kung hindi niya pinilit mahinog si Sereno, baka hindi ito naging Chief Justice at hindi rin magiging subject ng impeachment at quo warranto.

Ang totoo, napaaga lamang ang pag-alis kay Sereno dahil sa ayaw at sa gusto ni Noynoy, maaalis din ito sa pamamagitan ng impeachment dahil sa kanyang mga pagkakasala.

Kaya nga ang payo natin kay Noynoy, mag-ingat sa paggamit sa mga salita tulad ng hinog sa pilit dahil para ka lang dumura nang paitaas at bumagsak ang laway sa kanyang mukha.

Aminin man o hindi ni Noynoy, marami siyang itinanim na landmine bago siya umalis kaya kung hindi mag-iingat ang Duterte administration ay kanila itong maaapakan!

Isa na sa mga landmine na ito si Sereno kaya nagulo na naman ang hudikatura. At nariyan pa ang Dengvaxia na nilagyan naman ng timebomb ang 830,000 mamamayan na anumang oras ay sasabog.

Katulad ni Sereno, hinog din sa pilit ang bakuna!
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.