5,899

Mga inosente ang ‘napag-initan’

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 363

BAGO ang lahat, binabati natin si ex-NPC president at ngayon ay ex-Subic Bay director, Benny Antiporda, sa kanyang bagong ‘appointment’ mula sa gobyerno bilang ‘undersecretary’ sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Alam nang lahat ang pagiging ‘Action Man’ nitong si Bentot, err, Usec. Benny, at sa kanyang galing makisama kaya natitiyak nating magiging malaking ‘asset’ siya sa departamento ni Sec. Roy Cimatu partikular sa ganitong panahon na maraming mga
problema at isyu ang kailangang ayusin ng DENR.

At magpagaling ka na rin, Brod, dahil siguradong magiging ‘very busy’ ka na sa mga darating na araw. Muli, congrats,
Benny, mula sa iyong “pamilya” dito sa National Press Club!

‘And come to think of it,’ dear readers. Kung noong 2016 ay ‘vice-president’ ko si Benny sa NPC, eh, heto nga, “usec” na siya sa DENR habang ang aking dating NPC secretary na si Joel Sy Egco (na pinalitan ko sa puwesto) eh, “usec” na rin d’yan sa
‘Office of the President’ bilang ‘executive director ng ‘Presidential Task Force on Media Security’ (PTFoMS).

Kumbaga, ako na lang ang “naiwan” sa aming tatlo, nyeh!

* * *

Muling “nataranta” ang hanay ng ‘stakeholders’ sa Aduana dahil sa bagong “pakulo” err, sistema ni Comm. Sid Lapeña, na ‘alert quota’ bawat araw!

Hu, ‘alert quota,’ ano ’yun, tanong ba ninyo Sen. Dick Gordon at Sen. Ping Lacson?

Sagot naman ng mga miron, “ewan” nga raw ba nila dito kay Comm. Sid?

Sa “akala” raw kaya ni Comm. Sid eh, ‘good strategy’ ang “tokahan” ang kanyang mga operatiba sa bilang ng mga kargamentong isasalang sa ‘AO’ (alert order) araw-araw sa paniwalang makatutulong ito para maitaas ang koleksyon ng buwis ng ahensiya?

Batay sa nakalap natin, binigyan ni Comm. Sid ang ESS (Customs Police) sa ilalim ni Dir. Yogi Cruz at ang IG/CIIS sa ilalim naman ni DCI Dick Quinto at Dir. Adzhar Albani ng tig-50 ‘alert recommendation’ KADA ARAW!

Kung “dinadaga” ang mga miron sa ‘quota system’ na ito dahil malaki nga naman “posibilidad” na “madamay” ang mga “inosente” sa paggawa ng “katarantaduhan” sa pantalan para lang masunod ang kapritso, err, utos, ni Comm. Sid, “tumaas” din ang kanilang mga kilay sa sumunod na ginawa ni Comm. Sid.

Ayon pa kasi sa isang impormante, hindi 20, hindi 50, bagkus, 100 ‘alert recommendation’ ang “ibinigay” ni Comm. Sid dito sa MISTG (management information management system group) ni DCM Noel Prudente.

“Susme,” anila. “Bakit” daw kaya “mas marami” ang tar, agh, rekomendasyon, ng MISTG samantalang ang talagang trabaho nito na tiyaking walang ‘breakdown’ ang ‘BoC computer system’ eh hindi nga nito magawa?

Bakit nga ba, Comm. Sid, hehe.

Is there any relative, err, relevance, in the work of the MISTG when it comes to the bureau’s anti-smuggling campaign?
Nagtatanong lang naman po. But to be fair, to DCI Quinto, mga kabayan. Bukod sa “binitiwan” niya ang “kapangyarihan” na mag-alerto ng kargamento noon pang Pebrero para lang hindi madungisan ang kanyang pangalan, nalaman natin na “itinigil” na rin niya ang pagbibigay ng rekomendasyon kung anong kargamento ang dapat busisiin ni Comm. Sid sa hinalang “palusot” ito dahil na rin sa kaparehong dahilan: ayaw niyang “maintriga” at madungisan pa ang kanyang pangalan.

At bagaman parang “manok na tumanggi sa palay” si DCI Quinto, “aprub” sa atin ang kanyang ginawa.
Dangan kasi, alam kaya ni Comm. Sid na sa ngayon ay halos “masunog” na naman ang ‘airwave’ sa dami ng mga ‘text messages’ kung saan binabatikos ang kanyang sistema ng pag-alerto sa mga kargamento?
At nagulat pa tayo na kahit itong si DCA (deputy commissioner for administration) Gladys Rosales ay “nadawit” pa!

Sa tanong ng mga tila “nahihirapan” sa bagong sistemang ito sa Aduana, si DCA Rosales daw ba ang “nagmamando” ngayon sa pag-alerto ng mga kargamento bagaman ‘internal administration’ ang kanyang trabaho?

At “ginagamit” daw umano ni DCA Rosales itong notoryus na si alias ‘Abu Sarap’ na panahon pa ni Comm, Sunny Sevilla ay “nagkalat na ng lagim” sa Aduana kaya nga sinibak at ipinagbawal makapasok sa pantalan ni ex-DCI Jessie Dellosa.

Hmm. Totot, err, totoo kaya ang bintang na ito? Bukas po ang pitak na ito para sa inyong paliwanag, DCA Rosales.

***

Napag-usapan na rin lang ang mga “inosente,” mga kabayan, nagulat naman tayo na sa paghahanap ni Comm. Sid ng puwedeng pagbintangan, ehek, ng mga posibleng kasabwat sa nangyaring paglusot ng 105 containers sa Port of Manila noong nakaraang buwan, ang “tinamaan” ng kanyang tamang hinala ay ‘yung mga inosente sa hanay ng mga nasa Assessment Division.
Partikular na tinutukoy natin dito ay si chief appraiser, Rosario ‘Chito’ Acosta na epektibo noong Martes ay sinibak sa puwesto at pinagpapaliwanag pa, ‘within 72 hours!’Una nang “minalas” kay Comm. Sid ay itong si ex-FED chief, Mel Pascual at ang kanyang deputy na si Evelyn Estur na agarang sinibak sa puwesto matapos ang insidente.

At ngayon naman, ayon sa mga miron, ang hanay naman ng customs appraisers ang “tinarget” ng OCCOM, tsk,tsk,tsk!
Baka sakaling hindi nakarating sa kaalaman ni Comm. Sid, si Acosta ang UNANG NAKADISKUBRE sa anomalya dahil SIYA ang ‘nag-schedule’ ng examination sa mga nawalang container sa araw na nadiskubre ito, Lunes, Marso 19 at agarang nagsumbong kay ex-POM collector, Vener Baquiran (na sinibak na rin).

Si Acosta rin, mga kabayan, ang isa sa ating mga ‘informant’ na “nagkumpirma” sa atin sa nangyari.
Kumbaga, “masakit” sa mga sinibak ang inilagay na batayan ni Comm. Sid—incompetence—para sila alisin sa puwesto, huhuhu!
At bakit nga ba sila ang “napag-initan” samantalang alam naman ng lahat na ang ugat ng problema ay ang “maling sistema” ng Aduana sa pagproseso at pag-alerto ng mga kargamento na alam din naman umano ng OCCOM?

“Iwas-pusoy” daw ba si Comm. Sid na sa kanya mabunton ang sisi kaya sila ang ginawang ‘sacrificial lamb’ sa insidenteng ito?

Eh, kaya siguro tuwang-tuwa sa nangyari itong si ‘The Man from UNCLE’ dahil “lusot” na naman siya sa isyu? Ano sa palagay ninyo, mga suki?