3,656 guests

Maraming gawa ang dapat tularan kay Marcos

  • Written by Atty. Jay De Castro
  • Published in Opinion
  • Read: 187

BILANG kritiko ng mga kamalian ng  lipunan at nakikibaka tungo sa pagkakaisa ng ating mga mamamayan, mahalagang alam natin ang kasaysayan ng ating bayan.

Isa sa mga mahahalagang yugto sa ating kasaysayan ay ang pamumuno ni yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
    
Kontrobersyal na Pangulo si FM dahil sa pagdeklara niya ng martial law, subalit sa kabila nito, marami siyang nagawa sa bayan.
    
Kaya ginunita ng mga Ilokano, tagahanga at Marcos Loyalist ang ika-100 taong anibersaryo ng kapanganakan ni FM nitong Setyembre 11.
    
Si Marcos ay ipinanganak noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte sa mag-asawang Mariano at Josefa Edralin Marcos.
    
Ang paggunita sa kaarawan ni Marcos, ay idineklara ni Pangulong Duterte sa Proclamation No. 310, kung saan kanyang iniatas na ang Setyembre 11 ay “special non-working day” sa Ilocos Norte, upang gunitain at sariwain ng mga Ilokano ang centennial ng kaarawan ni Marcos.
    
Sabi ni Duterte, “The Ilocano community has been annually celebrating the birthdate of the late Ferdinand E. Marcos and commemorating his life and contributions to national development as a World War II veteran, distinguished legislator and former president. It is but fitting and proper that the people of the Province of Ilocos Norte be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies.”
    
Para sa akin dapat lang gunitain ang kaarawan ni FM at alamin ang mga konkretong ginawa niya na hanggang ngayon ay pinakikinabangan natin, gaya ng:
    
Sa larangan ng kalusugan, ang pagpapatayo ni FM at Imelda ng Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney Center at Philippine Children’s Medical Center.
    
Noon at hanggang ngayon, kung may malubhang karamdaman ang ating mga kababayan sa puso, baga, kidney at sa pagkakasakit ng kanilang mga anak, ang mga nasabing hospital na dulot ni Marcos ang tagapangalaga nila.
    
Sa larangan ng kultura at sining ay naririyan ang Cultural Center of the Philippines, ang Folk Arts Theater at ang National Center for Arts sa Mount Makiling,  kung saan ang ating kultura, kahusayan sa sining ay ipinakikita sa buong daigdig at patuloy na inihahasa para sa kaalaman ng kabataan at susunod na lahi.