Malaki ang tama ni Assec Mocha

October 04, 2018

NAGBITIW na noong Miyerkules bilang miyembro ng administrasyong Duterte si Esther Margaux ‘Mocha’ Uson.

Sa kanyang higit 5 milyon na ‘follower’ sa social media, hindi maitatanggi na malaki ang “ambag” ni Mocha sa kampanya ni PDU30 noong ‘2016 presidential election’ at kahit sa mga unang buwan ng administrasyon, panahon na kailangan ang ‘consolidation’ ng mga bumoto sa ating mahal na pangulo upang maisulong naman ang kanyang mga programa para sa bansa.

Kaya nga, nang italaga si Mocha bilang ‘assistant secretary’ noong isang taon sa ‘Presidential Communications Operations Office’ (PCOO), hindi lang ito ‘reward’ sa kanya bagkus, pagkilala rin na malaki pa rin ang kanyang maitutulong sa gobyerno, partikular sa kampanya sa social media kung saan sinasabing sa buong mundo, “numero uno” sa paggamit nito ang mga Pinoy.

Sa ganang atin, naging “biktima” si Mocha ng kanyang “tagumpay” (a victim of her own success) bilang “propagandista” ng administrasyon kaya nga naging target siya ng mga batikos at pang-aalipusta at siyempre, nang “inggit.”

Dangan nga naman kasi, kayang “tabunan” ng bawat ‘social media post’ ni Mocha sa social media ang ano mang batikos at banat ng ‘Troll Army’ ng mga kalaban ni PDU30, partikular na ang ‘Tribong Dilawan’ nitong si Noynoy Aquino kaya nga alam nating “galit na galit” sila sa kanya.

Kumbaga, ‘very much effective’ si Mocha sa kanyang napiling “papel” na ipagtanggol ang administrasyon at ibisto ang pagiging ipokrito ng oposisyon sa ano mang isyu; naniniwala tayo na dahil dito, malaking tulong ang kanyang mga ginagawa kung bakit napakataas pa rin ng ‘approval rating’ ni PDU30.

Aber, sa isinagawa ngang pagdinig ng Senado sa isyu ng ‘fake news’ kamakailan, alam naman ng karamihan na ginawa ito ni Sen. Grace Poe hindi para hanapan ng solusyon ang problemang ito bagkus, para lang magkaroon ng ‘venue’ na “gisahin” at “ipahiya” si Mocha Uson, ahahay!

Bago ang ‘budget hearing’ para sa PCOO sa Senado noong Miyerkules, may “nagbulong” na sa atin na sa nasabing pagdinig ihahayag ni Mocha ang kanyang pagbibitiw, batay sa naging ‘close door meeting’ niya at PCOO secretary, Martin Andanar, kay Sen. JV Ejercito.

At ganito nga ang nangyari kung saan ayon pa kay Mocha, magbibitiw siya para na rin hindi ‘ma-hostage’ ang badyet ng PCOO sa pag-apruba ng Kongreso na tila gustong mangyari ng mga kongresista.

Sa Kongreso kasi, dahil lang wala siya sa ‘budget hearing’ ni ayaw pag-usapan ng mga mambabatas ang badyet ng PCOO, talaga rin naman, hehehe!

Sa kanyang ginawa, “pinabilib” tayo ni Mocha, dear readers. Pinatunayan niya kasi na isa siyang ‘team player’ at kaya niyang “magsakripisyo” kung kinakailangan para sa kapakanan ng PCOO.

Naniniwala rin tayo sa kanyang sinabi na “hindi” dapat “magbunyi” ang mga kalaban ng gobyerno na “tagumpay” nila ang kanyang ‘pagre-resign’ sa PCOO.

Ang kanyang ‘resignation,’ aniya pa, ay “simula” pa lang ng kanilang laban.

Kumbaga sa “tigre,” ayaw yata ng kanyang mga kritiko at kalaban ng administrasyon na “nakakulong” siya sa “hawla” ng PCOO (bilang opisyal ng gobyerno, may mga panuntunan kasi na kailangang sundin si Mocha sa kanyang mga kilos at salita).

Sa kanilang sobrang galit at pangkainggit kay Mocha, tila mas “natutuwa” sila na makita siyang wala na sa kanyang “hawla” sa pag-aakalang ang pag-alis niya sa gobyerno ay malaking dagok sa kanyang kredibilidad at propaganda ng administrasyon.

Eh, sa palagay natin, malaki ang tama ni Mocha na kung ganito ang inaakala ng mga kalaban ni Mayor Digong, nagkakamali sila. Kumbaga, the ‘velvet gloves are off, it’s time to rumble!’

Abangan!

* * *

Muli tayong nagpapasalamat sa ‘Civil Relations Service’ ng ating Sandatahang Lakas (CRS-AFP) sa kanilang pagpili sa atin bilang ‘guest speaker’ noong Oktubre 1 para sa grupo ng mga kagawad ng AFP at PNP na “nag-aaral” sa ‘Civil Military Operations School’ ng CRS-AFP.

Sa totoo lang, dear readers, hanggang ngayon nagtataka tayo kung “bakit” tayo ang napiling ‘mag-lecture’ ng CRS para sa mga kasapi ng CMOS Class 08-18, samantalang hindi naman tayo “sikat” kumpara sa ibang mga kasama natin sa pamamahayag.

At any rate, salamat muli, CRS chief, MGen. Bienvenido Datuin, vice commander, Col. Antonio Francisco (PAF), CMOS commandant, Ltc. Jerome V. Cabigon at Course Director, Navy commander, Washington Alba, sa inyong tiwala at imbitasyon.

Sa mga “estudyante” muli ko lang “ipapaalala” na “kayo” ang CMO, ang ‘frontliner’ ngayon ng pamahalaan para tiyakin ang tagumpay at “konsolidasyon” ng ‘peace and order campaign’ nito, lalo pa sa mga malalayong lugar ng ating bansa.

I assure you, ladies and gentlemen, in your hands rest the more important task of consolidating and maintaining the peace, especially in the remotest parts of our country.

May this reminder serve both as a challenge and a reminder to all of you!

Sa mas simpleng salita, dear readers, ang CMO ng militar ang “pantapat” sa “SYP” (Sandatahang Yunit Propaganda) ng CPP-NPA, kaya talagang “krusyal” ang papel nito sa ‘overall peace and order campaign’ ng gobyerno.

At kudos din ulit sa CRS sa ‘inauguration’ ng bagong gusali ninyo. May your tribe also increase, MGen. Datuin.

Mabuhay!