6,364

Maganda at masamang balita sa BoC

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 480

MAHIGIT tatlong buwan pa lang sa puwesto si Customs Commissioner Isidro S. Lapeña pero umaani  na ng
“good dividends” ang kanyang mga ginagawa sa Aduana.

Kitang-kita ito sa tumataas na koleksyon ng Bureau of Customs.
    
Kaya nga determinado si Commissioner Lapeña na ipagpatuloy ang ginagawa niyang pagbalasa sa
mga opisyal at tauhan ng BoC.
    
Sa katunayan, ang rigodon, kasama ang mga pagbabagong ipinapatupad sa Aduana, ang dahilan ng
gumagandang “performance” ng ahensya.
    
Nandiyan pa rin ang mga problema pero sinisikap ni Lapeña na ma-address ang mga ito.
    
Ang maganda sa ginagawa niyang reshuffle ay ibinabase niya sa performance ng mga empleyado.
    
Ang ibig sabihin nito, walang personalan ang paglilipat ng mga opisyal at tauhan.
    
Huwag natin kalimutan na ang isang dahilan ng demoralization ng mga empleyado sa gobyerno ay
ang palakasan.
    
Kung wala kang malakas na “ninang” o “ninong” ay sori ka na lang.
    
Malabo kang makatikim ng promosyon kahit na deserving ka.
    
Pero kay Commissioner Lapeña, ang “ninong” o “ninang” ng isang kawani ay ang kanyang
“performance.”
    
Pinabulaanan din ni Lapeña na merong “shortlist” ng mga empleyadong  kuwalipikado daw na ma-
promote.
    
Ang “shortlist” ay iniwan daw ni dating BoC Chief Nicanor Faeldon.
    
Sa kanyang sulat sa BOCEA, sinabi ni Lapeña na “there is no existing shortlist signed by
former Comm. Faeldon nor by the undersigned.”
    
Idinagdag pa ni Lapeña na kung meron mang pinirmahan ni  Faeldon na dokumento tungkol sa
promosyon “is deemed invalid and void upon my assumption.”
    
Naupo si Lapeña bilang hepe ng BoC noong Agosto 30.

* * *   

Magandang balita! Nakakumpiska na naman ang BoC ng misdeclared goods na nagkakahalaga ng
mahigit P17 milyon.
    
Ang mga kargamento ay naglalaman ng mga pekeng relo, sapatos, ukay-ukay, bigas at heavy
equipment.
    
Galing China ang mga kargamento na nakumpiska sa Port of Manila (PoM).  
    
Ang mga pekeng relo at sapatos ay idineklarang handicraft paper decoration, samantalang ang
bigas ay idineklarang resins.
    
Ang mga ukay-ukay naman ay mga bed linen umano. Ang mga heavy equipment naman ay pinalabas na
machinery parts at accessories.
    
Ang mga kargamento ay naka-consigned sa ibat-ibang kompanya.
    
Masamang balita! Marami ang nagtataka bakit hanggang ngayon may malalakas pa ang loob na
magpalusot.
    
Katulad na lang nitong Premier Oak na patuloy sa pagpapalusot.
    
Alam kaya ni Commissioner Lapeña na karamihan sa pinaparating nitong tiles ay binabayaran lang
ng mula 54K hanggang 67K bawat container?
    
Ang siste, tinataasan ang value pero sobra naman ang pagbabawas sa timbang. Resulta, talo na
naman ang gobyerno.
    
Kung ganyan katapang ang broker nitong si Miranda at among si Madam Kim, hindi malayong
maimbestigahan na naman sa Kongreso at Senado ang mga kalokohan ng mag-amo.
    
Paki busisi niyo Comm. Lapeña ang mga sumusunod na entry number na ipinasa sa Port of Manila:
m145447, 145451, 145446.
    
Ang nasabing entries ay ipinasa nito lang nakaraang linggo.
    
Tig-10 container ang laman ng bawat BL.
    
Ang tanong, kanino kaya sa mga tauhan ni Comm. Lapeña kumukuha ng lakas ng loob ang mag-among
Miranda at Madam Kim?
    
Comm. Lapeña, huwag mo nang hayaang maging hadlang ang mag-amo sa mga pagbabago mong ginagawa
sa ahensiya. Sayang naman ang bilib s’yo ng taumbayan.
    
Abangan!

* * *   

Tama ang panawagan ng isang asosasyon na higpitan ang pagpapatupad ng smoking ban sa mga
pampublikong lugar.
    
Ayon sa Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA), patuloy pa rin ang paglabag sa ban.
    
Sinabi ng PCMA na marami pa ring drayber at mananakay ang lumalabag sa ban.
    
Hindi lang sa mga pampublikong sasakyan nagkakaroon ng paglabag.
    
Marami pa rin ang naninigarilyo sa mga terminal ng bus at jeepney, MRT, LRT at waiting sheds.
    
Hindi lang ’yan. Pati mga minor de edad ay nakikitang  naninigarilyo sa mga public place.
    
Kung hindi maipatupad ang smoking ban malaking banta ito sa kalusugan ng taumbayan.
    
Pati na sa mga hindi naninigarilyo.
    
Hindi birong magkasakit ng lung cancer.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-
4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong panglan at tirahan.)