Landport magpapataas ng moral ng mga pasahero

November 05, 2018

HINDI lamang political dynamics at political landscape ng bansa ang binabago ng Duterte administration.

Sa kabila ng ingay ng pulitika na kagagawan din naman ng mga natalo sa 2016 election, nagpapatuloy lamang ang gobyerno sa kanilang mga ginagawa. Habang may grupong nagtatangkang ibagsak si Pangulong Duterte, wala namang tigil ang kanyang mga Cabinet member sa pagtatrabaho.

Kapansin-pansin na nakapokus lamang ang banat nila sa Pangulo dahil umaasa silang kapag nabunot ang ugat, guguho na ang buong puno.

Wala tayong kamalay-malay na kahit may mga nanggugulo, natapos na pala ng DOTr ang kauna-unanang landport o Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ngayon lamang tayo makakatikim ng ganitong klase ng bus terminal na para kang nasa airport. World class ito na ang pasilidad ay katulad na rin ng ating mga paliparan.

May departure, arrival area, may mga automatic entrance, may arrival at departure monitoring, magaganda, malilinis na comfort rooms at practically ay mawawala na sa Metro Manila/Edsa at Roxas Blvd. ang mga provincial bus na mula sa South.

Coming soon na rin ang ganitong terminal na para naman sa mga bus na galing sa northern provinces.

Natuwa ako nang aking makita sa mga news ang tungkol sa opening ng PITX. Lalo akong sumaludo kina Secretary Art Tugade at kay Pangulong Duterte. Ang tingin ko, higit sa pagpapagawa ng ganitong klaseng pasilidad, itinataas nila ang moral ng mga karaniwang pasahero.

Kapag binibigyan ka ng ganitong klase ng importansiya ng gobyerno, ang una mong dapat isipin ay magpasalamat sa pagpapahalaga sa iyong kapakanan.

Pangit lamang magkumpara pero hindi natin maiwasang balikan kung ano ang ginawa ng riding in tandem nila Noynoy at Abaya sa ating mass transportation mula 2010 hanggang 2016. Masyado nilang binusabos ang kanilang mga boss!

Hindi nyo napapansin, madalang na ring masira ang MRT dahil ibinalik na ni Secretary Tugade ang Japanese maintenance na Sumitomo na pinaalis nila Noynoy at Abaya para ibigay sa Liberal Party member ang kontrata.

Kaya nga nagtataka ako kung saan humuhugot ng kapal ng mukha ang mga taga-LP para may lakas pa rin ng loob na kumandidato at pangakuan na naman ang mga Pilipino ng “panggagago.”

Kung tutuusin, hindi na dapat sila lumalabas ng bahay dahil sa ginawa nilang kawalanghiyaan sa ating bansa. Ang matindi, sila pang mga taga-LP ang maraming batikos sa administrasyon na naglilinis sa kanilang mga kalat.

Siyanga pala, sa Disyembre ngayong taon ay magsisimula na rin ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway sa ating bansa na ang gagawa ay Japan. Inaasahan ang partial operations ng subway sa 2022 na ang ruta ay mula sa Mindanao Avenue-Quirino Highway sa Quezon City hanggang sa airport.

Ang MRT 7 mula North Avenue sa SM-Trinoma hanggang Commonwealth Avenue- San Jose del Monte, Bulacan ay natayuan na ng mga poste at nalagyan na rin ng mga biga. Ibig sabihin, nasa 30% na ang civil works kaya maraming kababayan natin ang natutuwa.

Ang problema ko lang, maraming train na ang pinagagawa ng Duterte administration pero hindi pa rin tinutupad nila Noynoy at Abaya ang pangako nilang magpapasagasa.

Kailan ba talaga? Naiinip na kami!
allanpunglo@gmail.com