6,081

Kontrabando, huwag nang isubasta!

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 346

MAHIGIT ng 100 taon ang Bureau of Customs (BoC). 

Ang ibig sabihin niyan, marami na din ang namuno ngunit karamihan ay masasabi nating hindi
lubusang nagtagumpay upang tuluyang wakasan ang ismagling.

Kung titingnan kasi hanggang ngayon ay problema pa rin natin ang ismagling.
    
Sa kanyang talumpati  noong 116th founding anniversary ng BoC, sinabi ni Pangulong Duterte:
    
“Smuggling, this has been on -- ang history natin is for centuries na, even the customs,
it’s more than a century old.”
    
Dagdag pa ni Duterte: “It has been a long and challenging journey for the agency as it
strove to curb customs fraud and facilitate trade through effective customs management system.”  
    
Marami talagang problema sa aduana na madalas na tinaguriang “snake-infested.”
    
Ang masakit, hindi lang makamandag ang mga ahas dito.
    
Sila’y matatalino at protektado pa ng mga ma-impluwensyang tao sa lipunan.
    
Kung mahina-hina ang loob ng mamumuno, baka magkaroon pa siya ng nervous breakdown o sakit
sa puso.
    
Kaya nga may mga nagmumungkahing  gawing constitutional body na ang BoC.

Napapanahon ito dahil sa isinusulong na Charter Change.

Kagaya ng Commission on Elections, panahon na para maging constitutional body ang BoC.
    
Dapat fixed term of office ang BoC chief at deputy commissioners.

Ito ay para hindi sila basta tinatanggal sa puwesto.
    
Pero, paalala lang, ang gawing constitutional body ang BoC ay hindi garantiya na mawawala na
ang mga kalokohan sa aduana.
    
Sa tingin lang natin,  malaki ang maitutulong nito para gumanda ang serbisyo sa aduana.

Siguradong aangal dito ang mga taong nakikinabang  sa mga nangyayaring katarantaduhan sa
pantalan.

Ang papalakpak ay ang mga maliliit na importer at broker.
    
Inuulit natin. Ang tanging gusto natin ay maayos na ang mga problema sa BoC.

At matulungan natin ang BoC  chief para makawala sa  impluwensiya ng mga politiko.
    
* * *
    
Marami ang nabigla sa utos ni Pangulong Rody Duterte na lahat ng mga kontrabando ay sirain
na rin.

Ibig bang sabihin ay hindi lang ang mga mamahaling sasakyan ang sisirain?
    
Bagama’t alam nating malaking dagdag

sa koleksyon ng BoC ang proceeds sa mga auction ng mga kontrabando at mga abandonadong kargamento sa
pantalan.
    
Marami rin naman ang sang-ayon sa gustong mangyari ng Pangulo.
    
Ang suhestiyon lang natin, kung bigas o asukal ang mga mahuhuling produkto baka pwedeng
ibigay na lang ito sa DSWD.
    
Kung minsan kasi ay ibinibigay ng BoC sa Department of social Welfare and Development (DSWD)
at iba pang ahensya ang mga pakikinabangang kontrabando.

Pero marami rin ang sinisira para hindi na pakinabangan pa ng mga mandurugas.
    
Ang mga sinisira ay kinabibilangan ng mga ipinagbabawal na gamot at expired na pagkain at
gamot.
    
Kung tutuusin, tama rin na sirain na lang ang mga kontrabando para maging leksyon sa mga
ismagler.
    
Kagaya ng sinabi ni Pangulong Duterte, kailangang wakasan na ang “insanity” sa likod ng
pagsusubasta sa mga kontrabando.
    
May katwiran si Pangulong Digong na mas mabuti pang sirain ang lahat ng smuggled goods.

Kasi nga naman, marami pa ring naliligaw ng landas na mga opisyal at kawani ng BoC.

Sabi nga ni Pangulong Duterte, inaabuso ng mga ismagler  at kanilang kasabwat sa BoC ang auction ng
mga produkto.
    
Oo nga naman.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-
4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)