4,828 guests

Koleksiyon ng BoC, patuloy na tumataas!

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 133

NOONG nakaraang buwan ng Nobyembre “will go down in history” para sa Bureau of Customs. 

Sa buwan na ito kasi naitala ng BoC ang pinakamataas na “monthly collection in its revenue
history.”
    
Ayon sa BoC financial service, ang koleksyon noong nakaraang buwan ay umabot ng P46.470
bilyon.
    
“We have been achieving historical collection figures since September, but the November
collection is really a milestone for BoC,” sabi ni Commissioner Isidro S.  Lapeña.
    
Ayon kay Lapeña, isang retiradong police general, limang collection districts ang nag-exceed
ng kanilang monthly collection targets.
    
Ito ang Ports of Batangas, Davao, Cagayan de Oro, Clark at Tacloban.
    
Naitala ng ahensya ang record collection sa kabila ng katotohanan na meron lang 19 working
days noong nakaraang buwan.

“I think we could have surpassed our monthly target if November had the usual number of
working days,” dagdag ni Lapeña.
    
Naitala ang mataas na koleksyon dahil sa pagtaas sa presyo ng langis at paglaki ng volume ng
importasyon ng bansa.
    
Nakadagdag din sa koleksyon ang auction proceeds, isang non-traditional source ng revenue.
    
Dahil sa gumagandang collection performance ng ahensya, naniniwala si Lapeña na mare-realize
ng BoC ang target ng ahensiya sa susunod na taon.
    
“We are going to give government what is due to government,” diin ni Lapeña.
    
Ayon sa ating mga miron, malaking tulong sa BoC ang “no tara policy” ni Commissioner Lapeña.
    
Naniniwala tayo na nag-iingat na ngayon ang mga mandurugas sa Aduana dahil alam nilang seryoso
si Lapeña sa kanyang paglilinis sa Aduana.
    
May kalalagyan sila kapag nahuli sila ni Lapeña, na miyembro ng  PMA Class 1973.
    
Congrats Commissioner Lapeña at sa lahat ng taga-BoC!

* * *
    
Magandang balita na sisimulan na sa isang buwan ang unang yugto ng Manila-Clark rail project.
    
Ang first phase ng proyekto ay ang konstruksyon ng 38-kilometer line mula Tutuban, Manila
hanggang Malolos, Bulacan.
    
Ang proyekto ay parte ng 106-kilometer Manila-Clark train line na nagkakahalaga ng P30 bilyon.
    
Ang Manila-Malolos segment ay matatapos sa 2021 samantalang ang Malolos-Clark line ay
matatapos sa 2022.
    
Matatapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022.
    
Sa tingin ng marami, maiibsan ang traffic congestion sa Metro Manila  kapag operational na ang
Manila-Clark Railway.
    
Maraming negosyo ang lilipat sa Clark at karatig-pook dahil magkakaroon na ng “fast, efficient
and dependable” transport service sa lugar.
    
Siguradong malaki ang  iluluwag ng traffic sa mga lansangan ng Metro Manila.

* * *
    
Sa isang Sabado (December 16) ay magsisimula na ang “Simbang Gabi” ng mga Katoliko.
    
Kasabay nito, magiging abala na naman ang mga isnatser, holdaper, mandurukot at iba pang
masasamang loob.
    
Pero naniniwala tayo na handang-handa na rin ang ating kapulisan para protektahan at
pagsilbihan ang taumbayan at komunidad.
    
Kailangan ring tumulong ang publiko sa mga otoridad para masakote ang mga kriminal na ito.
    
Ipagbigay alam kaagad sa pulisya kung may mga kahinahinalang tao sa kanilang mga lugar.
    
At mahalaga, dapat tayo’y alerto at mapagmatyag kapag tayo’y nasa labas ng bahay.
    
Sana may mga foot patrol sa mga lugar na dinadagsa sa panahon ng Kapaskuhan.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-
8624484/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)