4,663 guests

‘Kawawa’ rin naman si ‘VP’ Leni

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 189

Paul's alarm

BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay ang ipinaabot natin, kasama ang buong liderato ng National Press Club (NPC), kay Quezon City police director, C/Supt. Guillermo Eleazar, at sa kanyang buong pamilya at mga kaibigan, sa pagpanaw ng kanyang ama na si Victor, ‘Tay Toti’ Eleazar ngayong linggong ito.

Kudos din sa ating mga kasamahan sa QCPD Press Corps at sa NCRPO Press Club sa pangunguna nina Pang. Almar Danguilan at Pang. Lily Reyes, sa kanilang ginawang “pagdamay” kay DD Eleazar sa panahon ng pagdadalamhati ng kanyang pamilya.

Kung “pakikisama” at propesyunalismo” rin lang ang pag-uusapan, mga kabayan, isa na sa hinahangaan at inirerespeto natin itong si DD Eleazar kaya “masakit” din sa atin na malaman kapag may mga hindi magandang pangyayari na dumarating dito sa ating kaibigan.

Mabuhay ka, DD Eleazar at ang buong kapulisan ng QCPD! Muli, condolence, Sir!

At kung may lungkot, mayroong saya, mga kabayan kaya, ‘belated happy birthday’ kay Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, na nagdiwang ng kanyang ika-80 kaarawan noong Miyerkules, Abril 19.
   
Sa mga nabasa nating balita at ‘posts’ sa ‘social media,’ naging masaya at makulay ang pagdiriwang ni Boss Erap kaya ‘very happy’ na rin tayo para sa kanya. Happy birthday ulit, mahal na Mayor Erap!
   
Kudos din sa Sandiganbayan at kahit saglit ay pinayagan si Sen. Jinggoy Estrada na makalabas sa kanyang kulungan upang personal namang makasama ang kanyang ama at pamilya sa nasabing okasyon na ginanap sa Manila Hotel. Aber, Sen. Jinggoy, long time no see, hehehe!

* * *
   
Talaga bang “pagdating sa pera,” lumalabas ang pagiging “gahaman” ng ‘Kultong Dilawan’ ni Noynoy Aquino?
   
Ang nasabing tanong ang sumagi sa isipan ng ating mga miron matapos mabigo si umano’y ‘Vice President’ Leni Robredo na maglagak ng halos P16 milyon bilang ‘poll protest fee’ na iniutos ng Korte Suprema hinggil sa reklamo ni Sen. Bonget Marcos sa resulta ng ‘vice presidential contest’ noong isang taon.
   
Palusot, err, argumento pa ng kampo ni Ms. Robredo, “dapat” ay si Sen. Bonget na muna ang magbayad ng BUONG GASTOS para sa protesta sa kabuuan na halos P82 milyon (P185 milyon ayon naman sa abugado ni Robredo na si Atty. Romy Macalintal).
   
Una rito, nagawang biguin ni Sen. Bonget ang Korte Suprema na mabasura dahil sa teknikalidad ang kanyang protesta (non-payment of poll protest fee) matapos magawang magdeposito ng paunang P36 milyon sa kabuuang P66 milyon na “hinihingi” sa kanya.
   
Obserbasyon ng mga miron, “malisyoso” ang desisyon ng SC sa usapin ng ‘poll protest fee’  dahil kahit noon pa palang Marso ito napagdesisyunan, inilabas sa panahon ng ‘Semana Santa’ kung saan muntik nagahol sa oras si Sen. Bonget na makasunod sa utos ng SC. “Mabuti” na lang at mayroon siyang mga kaibigan at mga taga-suporta na “umalalay” sa kanya.
   
At kung may mga kaibigan at taga-suporta si Sen. Bonget na agarang tumulong sa kanya, aba’y malinaw na kabaligtaran sa sitwasyon ng “ipinipilit” na bise presidente ng Kultong Dilawan.
   
Dangan kasi, kung mayroon ding “balon ng suporta” ang biyuda ni ex-DILG Sec. Jesse Robredo, eh, dapat ‘cash’ at hindi kung anu-anong “katwiran” ang inilabas ng kanyang kampo upang hindi magbayad ng poll protest fee, hindi ba?
   
Ayon pa kay ‘Atty. Mac,’ “hindi” naman daw “umiiwas” si Ms. Robredo sa pagbabayad; gusto lang nilang “linawin” ang utos ng SC.
   
Translation mga kabayan? “Wala” silang pera (dahil biglang naging “kuripot” ang Kultong Dilawan) at ‘buying time’ ang ginawang pagkuwestyon sa simple at napakalinaw na utos ng SC habang “naghahagilap pa sila ng salapi.
   
Kaya nga kahit paano ay nalulungkot tayo para dito kay Ms. Robredo, mga kabayan. Mantakin naman ninyo, siya ang ginawang “pambala” ng Kultong Dilawan upang patuloy na gibain si Pang. Rody sa ‘international community.’
   
Si Ms. Robredo rin ang “reserbang kabayo” ng kanilang tribo sakaling mapabagsak si Pang. Rody -- upang malibre silang lahat sa mga kaso at kulungan, partikular si Noynoy Aquino -- pero nu’ng kailangan “bumunot” aba’y nasaan na silang lahat, aguy, aguy, aguy!
   
Kaya nga sa kasalukuyang sitwasyon, aba’y biglang tumibay ang petisyon ni Sen. Bonget sa Korte Suprema na “sibakin” na sa posisyon si Ms. Robredo kahit sa teknikalidad (failure to pay poll protest fee) dahil ito ang hindi nakasunod sa utos ng SC.
   
Sakali namang pumabor ang SC sa mga argumento ni Sen. Bonget, eh sino ang dapat sisihin ng Kultong Dilawan?
   
Si Ms. Robredo pa rin ba na nagmistulang “muchacha” sa pagsunod sa kanilang ‘political agenda’ laban kay Pang. Rody subalit nu’ng kailangan ang kanilang tulong pinansiyal eh, “nangawala” silang lahat?
   
‘Poor Leni Robredo,’ tsk, tsk, tsk!