6,167

Kaunlaran sa Caloocan

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 888

MALAYO na ang narating ng Caloocan City.

Ito ang lungsod na aking sinilangan, ito rin ang tahanan ng aking lahi. 

Isa ang Caloocan sa pinakamatandang lugar sa buong bansa at dambana ito ng mga bayani.
Itinatag ito noon pang 1815, mga panahong sinulid at lata ng gatas pa lang ang telepono.
    
Matagal naiwan sa mapa ng kaunlaran ang lungsod kung ikukumpara sa mga kadikit niyang
progresibong lugar tulad ng Quezon City at Maynila.
    
Hindi ko maikumpara ang Caloocan sa mga kapitbahay talaga niyang lugar dahil sa laki ng land
area. Bagama’t masasabing maayos naman ang sitwasyon ng Malabon, Navotas at Valenzuela, mas inaasahan
ko ang matinding development ng Caloocan dahil ito ay pintuan ng Norte at sentro ng kabihasnan at
kalakalan mula pa sa aking kamusmusan.
    
Magmula nang mawala sa poder ang mga Asistio, ngayon lang ulit nabuhay ang Caloocan sa ilalim
ng liderato ni Mayor Oca Malapitan.
    
Matapos ang termino ni yumaong Mayor Boy Asistio, nagpasalin-salin na ang Caloocan sa iba’t
ibang alkalde pero malungkot mang sabihin, hindi nakausad ang lungsod.
    
Naiwanan ito ng milya-milya sa aspeto ng ekonomiya, kaayusan at kalinisan dahil ang mga
nagdaang pamunuan ay tumutok sa pamumulitika sa halip na sa pamamahala.
    
Pasintabi sa mga naging alkalde ng lungsod, naiwanan nila ng reputasyon ang Caloocan bilang
sentro ng trapik, krimen, basura at kahirapan.
    
Bilang tubo at isinilang sa Mariano Ponce, Bagong Barrio, ngayon lamang ako naging proud sa
Caloocan matapos ang mga dekada.
    
Sobrang linis kahit saan ka magpunta, maliwanag ang mga kalsada mula 1st district hanggang
2nd district dahil pinaganda at pinailawan ni Mayor Malapitan.
    
Ang Monumento na paraiso ng mga kriminal, illegal terminal at illegal vendors ay maaliwalas
na.
    
Ang nakakagulat na development ngayon sa Caloocan ay ang kanilang bagong city hall sa 8th
Ave. Walong palapag at centralized airconditioned pa.

Ang harapan ay commercial complex, maluwag ang basement parking para sa mga tax payer at
kumportable ang transaksiyon ng publiko sa lahat ng opisina.
    
At ang good news, magbubukas na ang Starbucks sa city hall complex na indikasyon ng pagpasok
ng multi-national company sa lungsod.
    
Iyon namang dating city hall sa Mabini area ay nakaabang para sa isa pang commercial
development na magbibigay ng maraming trabaho sa mga taga-Caloocan.
    
Sa North Caloocan, nagbukas na rin ang world-class at state of the art sports complex.
    
Nasa bagong city hall na rin ang 24/7 CCTV monitoring sa buong Caloocan kaya real time na
nababantayan ang mga kalsada laban sa krimen, traffic at pagbabaha kapag may kalamidad.
    
Sa mga ginagawa ngayon ni Mayor Malapitan, ang ibig sabihin ay puwede naman palang umunlad at
umayos ang Caloocan kapag naging masinop lang sa pamamahala ng pondo ng bayan.
    
Second term pa lang ito ni Mayor Oca pero napakarami nang nagawa. Hindi ko alam kung sino pa
ang maglalakas ng loob na lumaban sa kanya sa 2019.
    
Congratulations sa Caloocan City government na magdiriwang ng kanilang 55th cityhood
anniversary sa darating na Pebrero 16!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.