6,107

Jim Adriano ng Bgy 719, huwarang chairman

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Opinion
  • Read: 411

Direct hit

Mahalaga at malaking bagay ang halalang barangay kaya dapat natin itong seryosohin bilang kandidato man o bilang botante.

Bakit kanyo? Anumang isyu sa isang komunidad ay barangay chairman ang siyang unang nilalapitan o kumikilos. Marami ring mataas na opisyal sa local level ng pamahalaan ang nagmula sa pagiging barangay chairman at ito rin ang siyang inaasahan ng mga residente na magdudulog ng mga problema sa komunidad sa mas mataas na awtoridad, kung ’di na kaya sa level ng barangay.

Maraming inaasahan ang mga komunidad at bansa mula sa mga lider ng barangay kaya marapat lang na matino, walang bisyo at hindi magnanakaw ang ating mga iluluklok sa ating barangay. Higit sa lahat, dapat ay tunay siyang doon nakatira para may tunay na malasakit.

Alamin din natin kung may pruweba ba ang isang kandidato. Napakadaling mangako pero ang tumupad sa isang pangako, hindi lahat ay kayang gawin ’yan.

Isa sa mga barangay chairman na magandang sundan ang mga yapak ay itong si Jaime ‘Jimmy’ Adriano na kasalukuyang chairman sa Barangay 719 Zone 78, sa District 5 ng Maynila. Isa siyang dating opisyal sa Manila City Hall at makailang ulit nang naging chairman sa nasabing barangay.

Hindi naman kataka-taka kung bakit ’di mapatid-patid ang request ng mga residente sa nasabing barangay na tumakbo siya nang paulit-ulit. ’Yan ay dahil napapanghawakan nilang talaga ang mga salita ni Chairman Adriano sa dami ng mga nagawa na nito para sa kanyang mga nasasakupan. Maraming kalapit na barangay ang itinuturing na ‘modelo’ at ‘source of inspiration’ ang barangay na pinamumunuan ni Chairman Adriano.

Nagawa kasi niyang tuparin ang lahat ng kanyang ipinangakong priority programs nang tumakbo siya noong nakaraang halalan. Kabilang na diyan ang pag-focus sa peace and order, edukasyon, paglilimbag ng barangay handbook, beautification at cleanliness, drainage improvement, planting at trimming ng mga puno, paglalagay ng signages kung saan kinakailangan ang mga ito, installation ng bollards at repainting ng traffic markers.

Sa larangan naman ng peace and order, tiniyak ni Chairman Adriano ang pagkakaroon ng karagdagang police visibility sa kanyang nasasakupang barangay, bukod pa sa mga lighting projects. Umaabot na sa 54 ang bilang ng closed-circuit television cameras (CCTVs) na kanyang ipinalagay mula sa Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard upang makatulong sa pagsugpo at paglutas ng mga krimen.

Nag-donate din siya ng brand new motorcycles na may kasamang sidecar patrol para sa pulisya na nakasasakop sa kanyang barangay at gayundin para sa barangay patrol teams, kasama na ang pagkakaroon ng patrol van. Mayroon ding naka-standby na ambulansiya ang barangay ni Chairman Adriano para sa mga residente at para din sa mga naninirahan sa mga condominium building dahil maraming ganitong uri ng building sa kanyang barangay. May regular drills din na isinasagawa ang barangay niya para sa ‘emergency and disaster situations,’ bukod pa sa pagkakaroon ng komprehensibong disaster preparedness plan para sa mga residente. Asikasung-asikaso din ni Chairman Adriano ang kalusugan ng kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng regular na sports activities, tournaments, health services, rice and medicine distribution medical missions dahil naniniwala ito na ang malusog na komunidad ay magdadala ng progreso. Sa paulit-ulit na pagluklok kay Adriano bilang chairman ng Barangay 719, isa lang ang

ibig sabihin nito. Isa siyang epektibong lider at gumagamit din ng utak ang mga residente ng Zone 78 na kanyang nasasakupan, sa Pablo Ocampo Street sa Malate, Maynila, sa tuwing araw ng halalan.

Sana lang, lahat ng kandidatong chairman sa Maynila ay kagaya niya at sana din ay maging wais sa pagpili ng mamumuno sa kani-kanilang barangay ang mga residente ng lungsod. Isantabi muna sana natin kung tayo ay binibigyan ng pantoma o pang-tongits ng isang kandidato dahil kinabukasan ng komunidad natin ang nakasalalay.

Sana, paminsan-minsan ay kalimutan ang pagiging mukhang pera at konsensiya naman ang pairalin. Tandaan, tatlong taon ang termino ng mga iboboto natin kaya mamili tayo ng mahusay at tunay na karapat-dapat, hane? Amen.

* * *

Beauty tip -- Avoid direct sun exposure for newborns up to six months of age. After six months, they can use sunscreens of SPF30. (Source: Dr. Rosary May Canay-Diaz of Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa /4108424/4669596/09178038240/ 025053987)

* * *

Jokjok (from Josemari Callanta of San Miguel, Manila) -- Magbabarkadang bampira, pumasok sa restaurant -- WAITER: Mga bro, ano order n’yo?/ RICH VAMPIRE: Waiter, pa-order nga ako ng ‘fresh blood’/ MIDDLE CLASS VAMPIRE: Sa akin isang order lang na dinuguan/POOR VAMPIRE: Ako ‘hot water’ lang sa ’kin ha/WAITER: Bakit ‘hot water’ lang? ’Di ka ba gutom?/POOR VAMPIRE: Busog pa kasi ako eh. Tapos nakapulot ako ng kotex na gamit sa kanto. Kaya magtsa-tsaa na lang ako!

* * *

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or text 0927-7169778.