6,406

Ingat sa mga biyahe, Comm. Sid

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 251

“PROMOTED” na sa mas mataas na posisyon bilang ‘Collector VI’ si ex-MICP district collector, Atty.
Vincent Philip ‘Jet’ Maronilla at Vener Sia Baquiran kung saan mismong si PDU30 ang lumagda sa
kanilang mga papeles noong Disyembre 1.

Si Baquiran, mga kabayan, ang “inaasahan” na papalit kay Port of Manila (POM) Atty. Ernelito
Aquino sa kanyang bagong posisyon, “inaasahan” namang papalit si Atty. Jet kay NAIA acting collector
Ramon Angquilan.
    
“Inaasahan” ang kanilang pag-upo, mga kabayan, dahil alam naman natin sa gobyerno, ‘you don’t
assume, until you assume,’ partikular sa mga ahensiyang katulad ng BoC na ang ‘promotion’ ay dapat may
kasamang “MBA,” as in, ‘May Backer Ako,’ hahaha!
    
Bagaman, may dalawang “balakid” na nakikita ang mga miron sa paglipat ni Atty. Jet sa NAIA.
    
Una na rito, “isinabit” siya sa isyu ng 605 kilos ng shabu na nakalusot sa BoC noong nakaraang
Mayo na “nakalusot” sa MICP kung saan siya ang district collector kaya nga kasama si Atty. Jet sa mga
opisyales ng BoC na kinasuhan ng PDEA sa Department of Justice.
    
Bagaman nga walang-gatol na “binanlawan” agad ng mga “bataan” ni DoJ Secretary Vitaliano
Aguirre ang mga opisyales ng BoC sa kaso sa pangunguna ni ex-Comm. Nicanor ‘Mang Kanor’ Faeldon,
nalaman natin na “aapela” ang PDEA kaya hindi pa rin siguradong “absuwelto” ang grupo na kasama nga si
Atty. Jet.
    
Uulitin natin na sa ganang atin, WALANG KINALAMAN dito si Atty. Jet dahil nga sa termino ng
Grupong Mang Kan, err, Grupong Magdalo ni Comm. Nick, “dekorasyon” lang ang mga district collector at
ang buong operasyon at desisyon sa Aduana kung anong mga kargamento ang palulusutin, agh, palalabasin,
ay “imbudo” sa mga ito.

Sa kanyang pagkasabit sa isyung ito, eh, sinsero ang ating simpatiya kay Atty. Jet, peksman!
    
Ikalawang balakid sa muling pagbangon ng ‘career’ ni Atty. Jet bilang bagong boss ng NAIA at
lingkod-bayan ay nang mismong si Comm. Sid Lapeña na ang “sumibak” sa kanya sa isyu naman (daw) ng
“tara” at ‘benchmarking’ (kung saan ‘casualty’ din si ex-POM District Collector Rhea Gregorio).
    
Kumbaga, “nakahanda” kaya si Comm. Sid na “bawiin” ang kanyang desisyon na alisin si Atty. Jet
dahil sa akusasyon ng “katiwalian” at payagan na itong makaupo sa NAIA?
    
Translation? “Payag” na kaya si Comm. Sid na “lunukin” ulit ang “naisuka” na niya, ahahay!
    
‘Similarly,’ wika nga, paano rin kaya maipupuwesto pa ni Comm. Sid si Atty. Rhea -- kahit
‘andami umanong ‘pressure’ sa kanya -- samantalang silang dalawa ni Atty. Jet ang ‘Exhibit A’ ni Comm.
Sid sa kanyang kampanya laban sa “tara” at ‘benchmarking’ sa Aduana, aber?
    
Abangan na lang natin ang mga “kapana-panabik” na kabanata, hehehe!

* * *   

“Tinotoo” ni Pang. Digong ang kanyang sinabi noong isang linggo na “isang buong komisyon” ang
kanyang “sisibakin” sa puwesto matapos ngang lahat ng ‘commissioner’ sa PCUP (Presidential Commission
on Urban Poor) ay sinipa niyang lahat sa puwesto noong Martes.
    
Ayon pa kay Pang. Rody, nabuwisit siya sa mga ‘foreign travel’ (read: “lakwatsa”) ng grupo ni
PCUP commissioner, Terry Ridon.
    
Hindi rin nakaligtas sa galit ng pangulo ang pinsan ni ‘presidential legal spouse’ Honeylet
Avanceña na si Comm. Melissa Avanceña Andanas.
    
Kung babalikan, ang malimit na pagpunta sa ‘abroad’ ang isa sa mga naging “butas” ng Palasyo
kay ex-SBMA Chairman, Martin Diño, na nakapagtala ng 8 biyahe sa abroad sapul nang maupo noong Oktubre
2016. Apat sa mga ito ay nangyari bagaman dalawang buwan pa lang siya sa SBMA.
    
Isyu rin ng ‘foreign travel’ ang isa sa mga “katwiran” ng Palasyo matapos ding sibakin ni
PDU30 si DDB (Dangerous Drugs Board) Chairman, Dionisio Santiago noon lang nakaraang buwan.
    
Sa ngayon naman, may “petisyon” ang mga empleyado ng ‘Development Academy of the Philippines’
(DAP) kay Pang. Digong na sibakin ang kanyang ‘appointee’ na si Atty. Elba Cruz, sa isyu pa rin ng
‘foreign travel,’ talaga rin naman!
    
Bunga ng mga ito, ipinunto ng mga miron sa Aduana na dapat “mag-ingat” si Comm. Lapeña sa
kanyang mga biyahe.
    
Anila kasi, bagaman nga tatlong buwan pa lang siya sa puwesto, APAT na beses na umano siyang

“naglamyerda” sa abroad, owws, talaga?
    
Habang sinusulat naman natin ito, hindi pa natin matiyak kung “nakalipad” na papuntang
Brussels si Comm. Sid, bagaman ayon pa sa mga miron, “nanggaling” na siya dito -- bukod pa sa kanyang
naging pagbiyahe papuntang China.
    
Eh, “siguro” naman, may “basbas” ni Pang. Rody ang mga biyaheng ito ni Comm. Sid, dahil kung
wala at hindi pinansin ng Palasyo, aba’y marami nga naman ang “papalag,” hahaha!
    
But keep up the good works, Comm. Sid and of course, Von Voyage!