7,968 guests

Importasyon ng bigas, busisiin din, Comm. Sid

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 289

BAGO ang lahat, pagbati muna, dear readers, ng isang mainit at isang maingay na ‘Happy Anniversary!’
dito sa paborito ninyong pahayagan, ang People’s Tonight, sa pagdiriwang namin ngayon ng aming ika-44 na
anibersaryo.

Opo, mga suki, 44-taon na po ang aming pahayagan at siyempre, nananatili kaming “Numero Uno”
hanggang sa ngayon dahil sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala!
    
At siyempre, ‘Happy Birthday’ na rin sa aming maganda, matalino at mabait na editor, si ‘Mommy’
Tess Lardizabal, sa kanyang kaarawan kahapon. “Salamat” mommy at “nabusog” kaming mga nakadalo sa iyong
pagdiriwang, hehehe!

* * *   

Sa ipinapakitang ‘work ethic’ ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña, maraming
mga miron sa pantalan ang gustong maniwala -- ngayon pa lang -- na siya at talagang “the real deal.”
    
Dangan kasi, maaga pa lang kahapon ay nasa NAIA collection district na pala si Comm. Sid upang
dumalo sa ‘flag raising ceremony’ doon at kasabay nito, bigyan ng pagkilala ang mga operatiba na
kasamang nakahuli ng isang kilong shabu sa loob ng ‘FedEx warehouse’ noong nakaraang Hulyo 10 -- subalit
inilabas lang ang insidente sa media noong Setyembre 15.
    
Nang magbukas naman tayo ng telebisyon upang sundan ang hindi pa rin natatapos na pagdinig ng
‘Senate Blue Ribbon Committee’ hinggil sa pagpasok ng 605 kilos ng shabu sa MICP noong nakaraang Mayo,
aba’y andu’n din si Comm. Sid, kasama ang iba pang mga imbitado sa pagdinig.
    
Sa kanyang ‘press conference’ noong isang linggo, binanggit din ni Comm. Sid na “lumipad” siya
sa Cagayan de Oro City upang personal ding ipaabot ang kanyang pagbati kay Iligan City Sub-Port district
collector, John Simon, matapos naman itong gawaran ng ‘Presidential Lingko-Bayan Award’ dahil sa
katangi-tanging paglilingkod ni Coll. John.
    
Matapos din ang press conference, pumunta naman sa ‘Warehouse 1’ ng POM si Comm. Sid upang
tingnan ang pagbubukas ng 1X20 container van na naglalaman ng “malagkit” (glutinous rice) na natimbog
naman ng BoC X-Ray Project ni Major Jaybee Cometa at pagbalik sa kanyang tanggapan, sinaksihan naman
niya ang ‘turnover of command’ sa CIIS at ESS.
    
Aber, talaga palang “masipag” na lingkod-bayan itong si Comm. Sid?
    
Eh, siguro naman, dapat “mahiya” ang ilang mga opisyales at empleyado ng Aduana na hanggang
ngayon, may “sarili” pa ring mga ‘bundy clock’ o dumarating sa trabaho sa oras na gusto nila. Uulitin
natin: “Mahiya” naman kayo, mga bosing!

* * *   

May “nag-landing” pala na mga bigas d’yan sa Port of Manila (POM) mula sa Vietnam (Tan Long
Group) noong Setyembre 19, na ang consignee ay ang National Food Authority (NFA).
    
Ayon sa ilang nagmamalasakit, dapat umanong “ipabusising mabuti” ni Comm. Sid Lapeña ang
transaksyong ito dahil anila, “dinaya” ang idineklara nitong “timbang” (volume) na 2,600 MT mula sa
kabuuang alokasyon nito na 50,000 MT.
    
Dangan rin lang at ipinag-utos ni Comm. Sid na lahat ng ‘containerized van’ ay dapat “timbangin”
(magna scale) bago lumabas ng BoC, hindi masama na isama niya itong transaksyong ito.
    
Ayon pa kasi sa mga impormante, hindi sa hinala na “sobra-sobra” ang aktwal na dumating na mga
bigas kumpara sa deklarasyon nito -- na isa sa mga palaging “estilo” ng mga ‘rice smuggler’ kasabwat ang
mga tiwaling empleyado at opisyales ng BoC at siyempre, d’yan sa NFA.