4,966 guests

Hindi si ‘Kapitan Lucio’ ang kalaban

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 320

Paul's alarm

NAGLABAS ng “paglilinaw” si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña hinggil sa “reklamo” ng BoC Employees Association (BOCEA) na hindi sila nakonsulta sa ginawang “pagbalasa” ni Comm. Sid sa hanay ng ‘frontline employees’ (examiners/appraisers) sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) kamakailan kung saan 30 sa kanila ang itinapon, err, inilipat, sa malalayong ‘collection districts.’

Kasabay nito, “tamang-hinala” rin ang BOCEA na magmistulang ‘PDEA Extension Office’ ang BoC sa dumaraming bilang ng mga empleyado at opisyales mula sa PDEA na “lumilipat” na ngayon sa Aduana.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Comm. Sid na, “walang katotohanan” ang pangamba ng BOCEA na magiging ‘extension office’ ng PDEA ang Aduana. Aniya pa, “bukas” din ang kanyang tanggapan para sa isang ‘dialogue’ sa mga kaibigan natin d’yan sa unyon ng mga kawani.

“I would like to assure everyone that the hiring process, aside from being open to all interested applicants, will be transparent and in accordance with the Civil Service (Commission) rules,” ayon pa kay Comm. Sid.

Sa ganang atin naman, mga kabayan, tila “nahimasmasan” na itong BOCEA?
    
Alam naman kasi ng mga miron na sa termino ni Capt. Nicanor ‘Mang Kanor’ Faeldon, ay mistulang mga ‘rah-rah boys’ at mga ‘rah-rah girls’ at ‘3 Wise Monkey’ ng kanyang administrasyon itong BOCEA --kasehodang pulos pang-aabuso sa kapangyarihan kapalpakan, katiwalian at kahihiyan lang ang ginawa ng kanyang pangkat sa Aduana.
     
Kumbaga, ito kayang mga “hugot” ng BOCEA sa mga ginagawa ni Comm. Sid ay “pagbabangong-puri” lang dahil sa rehimen ng mga Magdalo, mistula silang mga “eskirol” ng administrasyon?
     
Dangan kasi, bakit ngayon, “nag-iingay” kayo eh sa buong termino ng Magdalo, hindi lang tameme err, tahimik ang unyon, bagkus, kulang na lang ay “himurin” ng ilang lider (daw) nito ang “wetpaks” ng mga nakaupo d’yan sa OCCOM.
     
Hindi na natin iisa-isahin dito ang mga naging kapabayaan ng mga lider ng BOCEA sa termino ni Mang Kan, err, Comm. Nick, makapag-sipsip lang.
 
Sapat na sigurong sabihin na harinawang naging isang malaking aral sa unyon ang mga nangyari at maging gabay upang hindi na maulit ang mga sablay ng ilan nilang mga lider dyan.
    
At simple lang ang “aral” dito, mga kabayan: Dapat ay maging mahinahon at maingat sa mga desisyon at huwag “bara-bara,” bay!

* * *
    
Sa nabasa nating panayam kay PDU30 ng PTV4, sinabi niyang sa kabila ng mga ‘warning’ na “huwag” niyang “kalabanin” ang “taipan” na si Lucio ‘El Kapitan’ Tan, dahil baka “pondohan” ang ‘destabilization’ sa kanyang administrasyon, ginawa pa rin niya ito.
    
Ayon na rin sa mga ulat, “napilitan” nang bayaran ni El Kapitan ang higit P6 bilyon utang nito sa gobyerno sa paggamit ng mga ‘runway’ sa NAIA para sa kanyang Philippine Airlines matapos siyang bigyan ni Pang. Rody ng 10 araw upang magbayad.
    
Hindi maitatanggi na tanging si PDU30 lang ang hayagang kumalaban sa mga elitista at mga naghaharing-uri sa ating lipunan na pawang mga ‘untouchable’ partikular sa nakaraang rehimen ni Noynoy Aquino na katulad nila ay galing sa “uring mapagsamantala.”
    
Una sa mga “sinampolan” ni PDU30 ay ang mga Prieto, may-ari ng Phil. Daily Inquirer (PDI) na ngayon ay napilitan nang bitawan ang ‘Mile Long property’ d’yan sa Makati City na ilang dekada nilang “hinawakan” -- at “pinagkaperahan” -- kahit pa nga iligal.
    
At hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil ayon pa sa ating Presidente, kailangan din na bayaran ng mga Prieto ang bilyones sa buwis na “sinuba” rin nila ang pamahalaan. Eh, dapat lang talaga!
    
At bukod sa regular na “paglabarda” sa media at sa publiko ng isa pang malaking pamilya, ang mga Lopez, naniniwala tayong “sisingilin” din sila ni PDU30 sa mga sandamakmak nilang naging pang-aabuso sa taumbayan sa porma ng buwis at mga pautang (behest loan) na nakuha nila sa rehimen ni Noynoy.
    
Sa lahat ng ginagawang ito ni PDU30, kaisa niya tayo at ang malaking bilang ng mga Pilipino.
    
’Yun nga lang, mga kabayan, hindi tayo kasama sa naniniwala na nakahandang “magpondo” si El Kapitan Lucio Tan sa isinusulong na kampanyang destabilisasyon ng mga kalaban ng gobyerno ni Pang. Digong.
    
Bagaman hindi natin kilalang personal itong si El Kapitan (na ilang beses ko rin namang binatikos dito sa mga nakaraang kolum), alam nating ‘out of character’ sa kanya na “makisawsaw” sa mga planong iligal at kriminal katulad ng destablisasyon.
    
Tanda rin natin na noong panahong si Pang. Erap ang planong pabagsakin ng mga elitista at Grupong Dilawan ng mga Aquino/Roxas at paksyon ng CIA/USG, patuloy na “nakapusta” si El Kapitan kay Pang. Erap -- hanggang sa huling sandali nang kanyang pagiging pangulo.
    
Kumbaga, itong si El Kapitan, bagaman nga kasama sa ‘exploiting class’ ng ating bansa, marunong namang “gumalang” at magbigay ng “respeto” sa nakaupo at lehitimong gobyerno.
    
Kung mayroon mang dapat “pag-initan” at “bantayan” si Pang. Digong sa hanay ng mga elitista at burgesyang komprador, aba’y ang dapat niyang “diinan” ay itong mga ‘Dugong Kastilaloy’ katulad ng mga Roxas, Aquino, Ayala at mga Zobel
    
“Bistado” naman ng mga mapagmasid sa ating pulitika na itong mga ‘Dugong Kastilaloy’ na ito ang siyang palaging aktibong kasabwat ng CIA/USG at mga lokal nilang garapata kung iligal na pagpapalit ng ating gobyerno ang pag-uusapan.
    
Kung “bubusisiin” lang ng kampo ni Digong ang mga “pailalim” na galaw ng mga elitistang ito sa iligal na pagpapalit ng ating gobyerno -- kay Marcos at kay Erap -- huwag na silang magtaka kung bukod sa CIA/USG, makita rin nila ang ‘footprint’ ng mga Ayala. Sigurado ’yan.