6,925

Happy kay DU30

  • Written by Mario Fetalino Jr.
  • Published in Opinion
  • Read: 313

NAINTINDIHAN ko ang kasabihan na, ‘you can’t please everybody’,  kaya kahit anong gawin ni Pangulong
Rodrigo Duterte na kapaki-pakinabang para sa bayan, may mga galit pa rin sa kanya at nananawagan ng
kanyang pag-alis sa kapangyarihan.

Pero sa totoo lang, malabong mangyari ang gusto ng mga kalaban ni Duterte dahil sa ganda ng
kanyang ginagawa sa ating bansa partikular sa peace and order at ekonomiya.
    
Kung peace and order lang naman ang pag-uusapan, pinatunayan na ni Duterte na kaya niyang
magpatupad ng disiplina kahit pa isang malaking organisadong terrorist group ang maghamon sa kanya.
Patunay dito ang matagumpay na kampanya ng AFP at PNP sa Marawi laban sa Maute at ISIS.
    
Gayundin naman sa ating ekonomiya. Malakas ang kalakaran  at mataas ang kumpiyansa ng mga
negosyante sa ating bansa. Sinasalamin ito ng pagtaas ng grado ng bansa ng mga pandaigdigang credit
rating companies na nagsasabing lumalakas ang ating ekonomiya.
    
At bunsod nga nito, patuloy rin ang pagpasok ng negosyo sa Pilipinas. Patunay dito ang
kasunduan ng kumpanya ng Pilipinas na Westchinamin Corp. at Easternreach Mining Group, Inc. sa Fujian
Hengrun Investment Co., Ltd ng Tsina.
    
Nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Tsina na magtayo ng planta ng Ferro-Nickel sa
munisipalidad ng Candelaria sa Zambales. Kumpiyansa ang mga kinatawan ng Fujian Hengrun Investment
Co., Ltd. sa pangunguna ni David Lin na magiging mas matatag pa ang relasyon nila sa Pilipinas sa
ilalim ng Administrasyong Duterte.
    
Ayon kay Lin, bukas ang iba pang mga negosyante mula Tsina na maglagak ng negosyo sa Pilipinas
lalo pa’t nakasentro ang pamamalakad ng pamahalaan sa pagsugpo ng kriminalidad para sa matatag na
pagnenegosyo.
    
Naniniwala din si Lin na malaki pa ang potensyal ng bansa para magtuluy-tuloy ang pag-unlad ng
ekonomiya ng Pilipinas.
    
Bahagi ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay ang
paglalagak ng Fujian Hengrun Investment Co., Ltd. ng $200M bilang inisyal na puhunan.
    
Ayon kay Engr. Antonio Marfori, chairman ng Westchinamin Corp. at Easternreach Mining Group,
Inc., ang proyekto ay makatutulong nang malaki sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa at ito ay
makapagbibigay ng trabaho sa mga kababayang Pilipino.
    
“Dito na natin ipuproseso lahat. Sa taas ng bundok itatayo ang planta at ito ay environmental

friendly,” ani Marfori. “Walang alikabok, putik, truck na maingay at hindi makakagambala sa komunidad
kaya ito ay tanggap ng mga mamamayan ng Candelaria at aprubado ni Gov. Amor Deloso.
    
Dagdag niya: “Malaki ang maitutulong nito sa Pilipinas dahil marami itong matutulungan na mga
kababayan natin.”
    
Ikinatuwa naman ng Pangulong Duterte at ni Kalihim Roy Cimatu ng Kagawaran ng Kapaligiran at
Likas Yaman (DENR) ang nangyaring kasunduan at kumpiyansa sila na malaki ang maitutulong nito sa
bansa.”
    
Magugunita na nabanggit ng Pangulong Duterte sa nakaraan niyang State of the Nation Address
(SONA) na pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagbubukas ng mga bagong oportunidad upang
makapagbigay ng hanap-buhay sa ating mga kababayan.
    
Tuluy-tuloy ang patupad ni Duterte sa kanyang mga pangako. Sino’ng aayaw?
    
For comments, please call or text 09055080126 or email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.