5,512 guests

Gustong ipahamak si Comm Lapeña!

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 245

KAUGNAY ng mga kaganapan ngayon sa Bureau of Customs, mukhang lalo pang lalaki ang shortfall sa target revenue collection ng ahensiya. 

Ayon sa mga impormasyon na nakarating sa atin, maraming importer ang nagpahinto ng kanilang mga importasyon dahil sa sobrang taas na “benchmark” na ipinatutupad ngayon sa aduana.
    
Ang masakit pa, dahil sa takot o kagustuhang magpasikat ng mga examiner at appraiser, lalo pang itinataas ang singil.
    
At kung sino man ang nagpanukala ng sobrang taas na benchmark kay Commissioner Sid Lapeña, aba’y isa lang ang ibig sabihin nito, gusto siyang ipahamak. 

* * *   

Dumarating na naman sa bansa ang iba’t ibang migratory birds.
    
Dati’y kinagigiliwang panoorin ito ng mga magsasaka sa iba’t ibang parte ng bansa, kabilang na ang Northern at Central Luzon.
    
Sila’y nanggagaling sa Tsina at Siberia. Dahil sa kinatatakutang bird flu, nandidiri na ngayon ang mga tao sa mga migratory bird.

Itinataboy na ngayon ang mga ibong ito na noon ay pinagkakakitaan ng maraming magsasaka.
    
Kapag gabi ay hinuhuli ng mga magsasaka at ipinagbibili sa mga tindahan.
    
Dahil sa sakit na bird flu, takot na ang mga magsasaka na manghuli ng mga ibong nanggagaling sa Tsina at Siberia.

Kung sabagay, hindi natin masisisi ang mga tao kung bakit takot na sila sa bird flu.
    
Hindi lang nakakahawa ito. Nakakamatay pa ito.
    
At katulad ng naranasan ng mga kababayan natin sa Pampanga at Nueva Ecija, bagsak ang poultry industry kapag may bird flu outbreak sa isang lugar.

* * *   

Isa na namang estudyante ang namatay dahil sa hazing.
    
Nakalulungkot ito dahil meron na tayong anti-hazing law na naipasa noong 1995.
    
Dahil hindi naman basta maipagbabawal ang mga fraternity at sorority, dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno at mga paaralan para matigil na ang hazing.
    
Mukhang hindi sapat ang Anti-Hazing Law para matigil na ang sobrang pananakit sa mga neophyte.
    
Nakakaawa ang mga bata pati na ang mga magulang.
    
Hindi natin masisisi ang mga kabataan kung bakit gusto nilang sumali sa isang fraternity.
    
Kapag kasi nasa puwesto, lalo na sa gobyerno ang isang fraternity brod, maaasahan mo ang kanyang tulong.
    
Bilang kasama sa frat, tutulungan ka niyang pumasok o makapag-transak sa kanyang nasasakupan.
    
Kaya madalas, naririnig natin na magkaka-brod ang namumuno sa isang tanggapan.
    
Okay lang naman ito basta deserving ang mga hina-hire na fraternity brother.
    
Ang masakit lang ay kung pare-pareho silang korap at tiwali.
    
Lagot tayong lahat!
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag i mag-text sa #0921-4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)