7,745

‘Galit’ sa mga korap? Eh, di…wow!

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 767

BEFORE proceeding, one noisy ‘Happy Birthday!’ to Jazney Rehuel Reyes-del Rosario and Pauline Lei Reyes, who (jointly) celebrated their birthday yesterday in Sto. Tomas, Batangas.

Harinawang magsilaki kayong may takot sa Diyos at paggalang sa inyong mga magulang. And may the future be brighter for you!
    
On the other hand, I join the members of the Manila Police District (MPD), in mourning the untimely and violent demise of SPO2 Randy Marlon Lebrilla, who died in the line of duty last Friday night during the conduct of a ‘buy-bust operation’ in Quiapo by the police targeting a notorious drug pusher. As reports have it, another policeman, PO1 Mark Pineda, remains in critical condition.
    
If it’s any consolation, the target of the operation, Codeng Ibra ‘Verdugo’ Macabatao, was also shot dead, an end that he fully deserves insofar as this corner is concerned.
    
In paying tribute to the ultimate sacrifice made by SPO2 Lebrilla, we also join those who are condemning the Commission on Human Rights (CHR), the European Union, the officialdom of the Catholic Church and the rest of the ‘Yellow Hoards’ headed by Noynoy Aquino, whose silence over the death of SPO2 Lebrilla (and others like him) is truly embarrassing.
    
Kapag alagad ng batas ang napapaslang ng mga drug pusher at mga terorista, tahimik kayo, mga pwe!
    
And speaking of the Yellow Hoards of Noynoy Aquino (read: the elite and the Liberal Party), Senate Pres. Koko Pimentel is in his right mind not to entertain the “request” of indicted illegal drug trade protector, Sen. Leila de Lima, for her to attend the sessions of the Senate.
    
Why grant her another forum to further villify the government? Why give her the opportunity to once again spread the lie that she has been “singled out” by PDU30 for her self-concocted “crusade” in “defense” of “human rights?”
    
Why, SP Koko, do you truly believe that Sen. Leila merely wants to join in the discussion of pending national matters at the chamber? Far from it.
    
The moment you gave in to her request, expect Sen. Leila to exploit your “kindness” in bashing the administration.
    
Besides, it is not too long ago that Sen. Leila was among the most vehement in the Abnoy -- Aquino Benigno Noynoy -- administration, in opposing a similar request by Sen. Jinggoy, Sen. Bong and Manong Johnny Enrile, is it not?
    
If memory serves right, then DOJ Sec. Leila used everything in her power to live up to her reputation as an “injustice” secretary by opposing the request of the three aforesaid -- whom Noynoy okayed to be jailed -- for involvement in the pork barrel scandal.
    
Eh, ’yung sa kaso ni Sen. Jinggoy, walang direktang ebidensiya laban sa kanya, tinutulan ni Sec. Leila na makapunta sa Senado para dumalo sa mga sesyon nito eh, anong dahilan para pagbigyan itong “ex-GF” ni Ronnie Dayan sa hirit niya?
    
Samantalang “siksik, liglig, umaapaw” ang mga testimonya at ebidensiya na protektor siya ng iligal na droga at talagang inabuso ang kanyang posisyon, aber?
    
In other words, should SP Koko be pestered again by the camp of Sen. Leila, he should rebut it by saying, ‘No madam, you cannot!’
    
Ang ‘Davao  Group sa  BoC’, bow!
    
Dumarami, Pang. Rody at DoF Secretary, Sonny Dominguez, ang “napipikon” sa estilo ng pamumuno ng ‘Grupong Magdalo’ sa Bureau of Customs (BoC) sa pangunguna ni Comm. Nick Faeldon.
    
At partikular sa “pinaghuhugutan” nila ng pagkadismaya ay ang nakikitang “prinsipyo” ng mga Magdalo pagdating sa pag-alerto ng mga kargamento.
    
Anong “prinsipyo” ba ‘yan, tanong mo ba kasamang Allan Encarnacion?
    
Eh, simple lang, ‘yung bang… sa hanay ng mga broker at importer, mayroon (daw) “tinitingnan” at “tinititigan” itong grupo nina Mang Kanor, agh, Comm. Nick, MISTG depcomm. Gerardo ‘Gerry’ Gambala at IAS director, Milo Maestrocampo.
    
Translation? May ‘favoritism’ sa pag-alerto ng mga kargamento, tumpak ba, mga ‘igan d’yan sa pantalan?
    
Tanong pa nga ng mga miron: Bakit kapag may “basbas” nang tinatawag ngayon na ‘Davao Group’ kahit “sadsad” ang binabayarang buwis, hindi man lang inaalerto nitong sina Gambala at Maestrocampo?
    
At kapag wala umanong “timbre” o “basbas” ng nasabing grupo, aba’y pulos “gambala” at perwisyo ang inaabot! Teka, may ‘entry fee’ raw ba para “makapasok” sa Davao Group?
    
Paano raw ba ang ‘arrangement,’ “per lata” rin ba katulad ng dating “ayusan” sa pantalan na hindi naman pala natigil kahit sa termino ni Pang. Digong? Nagtatanong lang naman, hihihi!
    
Na mayroong ‘Davao Group’ ngayon sa Aduana na tila ‘authorized’ na “babuyin” ang mga batas at proseso ng ahensiya, (ewan lang natin kung alam na ito ni Pang. Rody o kahit ni presidential assistant Bong Go), ay hindi na puwedeng itanggi ng kampo ni Mang Kanor, ayy, Comm. Nick, tama ba ako ulit, mga ‘igan sa pantalan?
    
Aber, noon lang isang linggo, may natanggap tayong mga ‘customs entry number’ (higit 100 containers) ng mga dumating na kargamento sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) na “bagsak” lahat ang deklarasyon sa binayarang buwis sa gobyerno pero, LUMUSOT lahat sa “mahigpit” na “pagbabantay” nitong si DCM Gambala at Dir. Milo.
    
Oops! Uulitin lang natin na sa ilalim ng “CMTA” (Customs Modernization and Tariff Act of 2016), BAWAL ang mag-alerto ng kargamento sa isyu ng ‘value’ pero itong dalawang dating rebeldeng sundalo, wala silang pakialam sa batas? Eh, mga “rebelde” nga talaga, ahahay!
    
Eh, ano namang mga kakaguhan ito, hindi ba mga kabayan? Kahit “iligal,” ginagawa at kapag ‘outside-de-kulambo’ sa Davao Group, perwisyo. Ito ba ang “pagbabago” na sinasabi ni Pang. Digong?
    
‘But to be fair,’ wika nga, “bilib” tayo sa “tapang” ni Comm. Nick at mga kasama niya sa Grupong Magdalo na sabihing “galit” sila sa mga korap.
    
Owws, talaga? Eh ’di…wow, hahaha!