DFA tinupad pangako ukol sa passport

September 30, 2018

HINDI na mahaba ang bilang ng araw ng pag-aantay ng mga aplikante ng pasaporte sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil simula ngayong araw ay gagawin ng anim na working days ang proseso at paglabas ng pasaporte sa ating mga kababayan.

“We made a promise to the President and to our kababayan that we will work hard to give them fast, efficient, and secure passport services,” wika ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano sa isang statement mula pa sa New York kung saan siya ay dumalo sa 73rd Session ng United Nations General Assembly.

Nauna nang ipinangako ni Cayetano na mas mapapabilis pa ang pagproseso at pag-isyu ng pasaporte sa mga aplikante.

“Shortening the length of time our kababayan would have to wait before they could receive their passports is part of that promise,” dagdag pa ni Secretary Cayetano sa paglabas ng mga bagong schedule ng mga passport applicant.

Ayon pa sa kalihim ng DFA, simula ngayong araw, Oktubre 1, ang mga aplikante sa DFA Consular Offices sa Metro Manila na nagbayad ng regular processing fee na P950 ay pwede nang makuha ang kanilang pasaporte matapos ang 12 working days sa halip na 15 working days.  Sa mga aplikante naman na mas piniling magbayad ng processing fee na P1,200 ay makukuha na nila ang pasaporte matapos ang 6 working days sa halip na pitong araw.

Saad pa ni Cayetano na ang mga aplikante ng DFA Consular offices sa labas ng Metro Manila ay makukuha nila ang pasaporte matapos ang 12 working days sa halip na 20 sa mga regular processing, habang 7 working days naman sa halip na 10 sa express processing.

Sinabi ni Cayetano na ang DFA ay patuloy na gumagawa ng solusyon at mabisang paraan para lalo pang mapabilis ang pag-proseso ng mga papeles na isinumite ng mga aplikante sa mga Philippine embassies at consulates general sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa ngayon ay umaabot pa ng dalawang buwan ang pag-proseso ng mga papeles.

Bukod pa sa pagpapaikli ng waiting time ng mga aplikante, dagdag pa ng kalihim na mas napaikli na rin ng ahensya ang pagaantay ng mga aplikante na makakuha ng online appointment slots na aabot na lamang ngayon ng dalawang linggo hanggang isang buwan kumpara noong isang taon na umaabot sa dalawa hanggang tatlong buwan.

Ayon pa sa DFA secretary, resulta ito ng mga programang ipinatupad simula pa noong isang taon kasama na ang pag-dagdag ng kapasidad ng DFA na tumanggap ng bugso ng mga aplikante. Kasama na rito ang pagtanggap ng payment sa e-payment scheme at ang pagbubukas ng mahigit na 10,000 slots simula 12 noon at 9 p.m., Lunes hanggang Sabado, hindi lamang kasali ang holiday.

“From the 9,500 passports that were being processed daily in May last year, we have increased our capacity to almost 20,000 passports a day.  We endeavor to increase this number to 30,000 by the end of the year,” saad pa ni Cayetano.

“Providing better passport services is at the heart of our work at the DFA,” dagdag pa ni Cayetano habang sinisiguro sa publiko na ang ahensya ay patuloy na magta-trabaho upang mas lalong maging mabisa ang pagbigay ng serbisyo sa mga Pilipino pati na ang maayos at mabilis na pag-isyu ng passport upang sa gayon ay maging maaga at nasa oras ang pag-aaral, pagtrabaho at pagbiyahe sa ibang bansa ng mga Pilipino.

Simula 2016 hanggang 2017 sa ilalim ng liderato ni Cayetano, ang pag-isyu ng pasaporte ay umangat ng 19.38 porsyento. Ito ay malayong malayo sa 1.89 porsyento noong 2015-2016 at 0.54 percent noong 2014-2015.

Bago pa ang pagkatalaga kay Sec. Cayetano, ang arawang kapasidad ng DFA ay halos 9,000 lamang subalit umangat ito ng 19,000 kada araw — 12,000 nito ay sa online appointment system, 1,000 nito ay mga first-time OFWs sa pamamagitan ng Licensed Recruitment Agencies, 4,000 nito ay mula Passport on Wheels at 2,000 ay mga walk-in applicants.

Nagbukas din ang DFA ng 10,000 appointment slots simula July hanggang November, Lunes hanggang Linggo hindi lamang kasama ang holiday, 5,000 slots sa 12 noon at 5,000 slots sa 9 p.m. Ang pinakamaaga na available date sa online appointment system ay Oct. 9.

Upang mapataas pa ang kapasidad, gumawa ng mga hakbang ang DFA, kasama na rito ang paglulunsad ng e-payment portal kung saan tumaas ang showup rate ng mga aplikante mula 65 porsyento ay naging 95 porsyento at lalong pinabilis ang pagproseso ng papeles kaya naman mas maraming aplikante ang natatanggap ng DFA.

Inilunsad din ang Passport on Wheels (POW) kung saan itinalaga ang mga ito sa 201 lokasyon as of September 19, at napagsilbihan ang mahigit 200,000 applicants sa buong bansa.

Inaresto at kinasuhan ang mga fixers. Nakahuli na ang PNP at NBI ng mahigit 27 suspected fixers at sinampahan na ng kaukulang kaso kung saan dinidinig na ang mga kaso sa korte. Sinara ang mahigit na 1,000 Facebook sites at FB pages kung saan nagbebenta ng mga pekeng appointment slot.

Tuluy-tuloy pa ang pagbabago sa DFA na hindi titigil sa paggawa ng mga reporma sa ilalim ng pamamahala ni DFA Sec Alan Cayetano para mapabuti ang serbisyo sa ating mga kababayan . Asahan ng mga kababayan nating Pinoy na patuloy na gagawa ng paraan ang ahensya para mapagsilbihan sila nang mas mabilis at mas maayos.

Para sa komento at suhestiyon, mag-text sa 09173154115 o mag-email sa tesslardizabal@yahoo.com