Department on Disaster Management!

September 18, 2018

NAPAPANAHON ang panukala ni Senador JV Ejercito upang magtatag ng Department of Disaster and Emergency Management!

Isinumite ito ng senador matapos ang ginawang pananalanta ng Bagyong Ompong nitong nakalipas na araw.

Layon ng Senate Bill No. 1553 na magkaroon ng isang departamento na pangunahing tututok sa ating mga kababayan sa oras na magkaroon ng kalimidad. Ang panukalang ito ay isinumite ni Ejercito noon pang nakalipas na taon at binuhay lamang ito dahil sa nagdaang trahedya na likha ng Bagyong Ompong.

“I filed this bill after super typhoon “Yolanda,” which brought severe calamities to our countrymen, exposed the gaps in policies of the government in terms of disaster preparedness, mitigation, and response and rehabilitation. Because of the most recent calamity and destruction, all the more it is timely to pursue this measure considering that calamities of this magnitude are now becoming a norm. Preparedness is the key,” ani JV sa ipinalabas nitong kalatas kahapon.

Pangunahing trabaho aniya ng Department of Disaster and Emergency Management (DDEM) ang palakasin pang lalo ang disaster and emergency management ng pamahalaan na kinabibilangan ng kahandaan, pagresponde, pagpigil o pagbawas sa anumang magaganap na sakuna.

Kahit ang pamamahala sa relief operation ay dapat isailalim na rin sa DDEM, gayundin ang rehabilitation sa mga lugar na nasalanta katuwang ang pagpapalakas sa kapasidad ng Local Government Units (LGUs) kagyat tutugon sa pagresponde sa isang insidenteng may kinalaman sa kalamidad.

“I believe that through the creation of a single department in-charge of managing the effects of disaster and emergencies as well as the preparedness and mitigation phases, effective processes, and policies shall be developed and a sustainable resources and accountability are likewise established,” sabi pa ni Ejercito.

Sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay may kahalintulad ding panukalang batas para sa pagtatag sa Disaster Management Department.

Ayon kay Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez, walang duda na aani ng suporta ang nasabing panukala sa lahat ng miyembro ng 17th Congress.

“I am very much certain that this measure will pass the House of Representatives under Speaker Arroyo,” ani Romualdez.

Kung matatandaan, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi sa nakalipas na State of the Nation Address (SONA) na kailangang magkaroon ng panibagong departamento sa pamahalaan na tutugon sa mga problemang may kinalaman sa pagresponde sa oras na may kalamidad.

“The mandate of the proposed department also covers rebuilding of areas ruined by armed conflict and terrorism like what had happened in Marawi City which bore the brunt of the months-long siege by Islamic State-inspired terrorists,” dagdag pa ni Romualdez.

Ang lady solon ay nagsumite ng  House Bill 344 para sa pagtatag ng bagong departamento na tinawag niyang Department of Disaster Preparedness and Emergency Management (DDPEM).

Sa ilalim ng panukalang batas, pamumunuan pa rin ng  sekretaryo ng  Department of National Defense (DND) ang DDPEM

Samantala, si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte ay nagsumite ng  House Bill 6131 na may layunin namang magtatag ng  Department of Climate Change (DCC), na dagdag puwersa rin para mapalakas ang  disaster risk reduction management ng bansa.

Tagged Under