Bong Revilla at Jinggoy Estrada, consistent sa senatorial surveys

September 25, 2018

MALAKING sampal kay Noynoy Aquino ang paulit-ulit na resulta ng survey na nagpapakita na nasa winning circle sina Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla.

Sa pinakahuling nationwide Pulse Asia survey, lumitaw na si Jinggoy ay nasa number 6 to 10 ranking samantalang si Bong ay nasa 11 to 17.

Si Jinggoy, kahit noong nakakulong pa, hindi lumalabas sa magic 12 potential winners. Nang makapagpiyansa si Jinggoy, hindi na ito nawala sa magic 7.

Si Bong naman, nawa-lan na ng interest sa pulitika sa mga nakaraan kaya madalas naman siyang hindi isinasama sa survey.

Openly, sinasabi naman ni Jinggoy na kakandidato siyang senador at wala siyang planong kumandidatong alkalde ng Maynila para palitan ang ama na si Mayor Erap Estrada.

Madaling-madali kay Jinggoy na maging alkalde dahil nakita natin ang karisma niya kahit saan magpunta sa Maynila. Pero sabi ni Jinggoy, mas gusto niya ang national politics.

Pero higit sa pagtakbo, determinado si Jinggoy na magkaroon ng national referendum para sa kanyang sarili. Alam niyang kapag nakabalik siya sa Senado, vindication o nalinis na niya ang kanyang pangalan na winasak ng pangkat ni Noynoy.

Sa bahagi naman ni Bong, lalong sasakit ang ulo ni Noynoy dahil lumilinaw na ang pagtakbo nito sa Senado.

Ngayong September 25, birthday ni Bong Revilla, ihahayag niya ang kanyang planong pagtakbo. Happy birthday alyas Pogi!

Birthday nga rin pala ni Madame Tess Lardizabal na boss namin dito sa Journal at ni Marita Corpuz Encarnacion na misis ko at boss naman namin sa bahay. Happy bday! Ngayong araw na ito ay lalong didilim ang langit para sa mga dilaw dahil sa deklarasyon ni Bong.

Bagsak ang bangs ni Noynoy dito dahil kapag naging formal ang pagtakbo ni Bong, mas lalaki ang tiyansa nito na tumaas pa sa mga survey.

Ang Pulse ay open survey. Pero may mga confidential survey na ginagawa ang corporate world sa paparating na midterm elections. Hindi 1,800 ang respondents dito tulad ng ginagawa ng Pulse at SWS, ang balita natin 25,600 respondents ang tinanong sa kasuluk-sulukan ng bansa kung sino ang iboboto nila sa May 2019 elections.

Ang ranking nila Jinggoy at Bong sa ginawang survey ng mga corporate giant ay No. 6 at No. 7, sila respectively.

Dito natin makikita na iyong dalawang tao na pinulitika ni Noynoy para hindi makatakbo sa 2016 presidential polls ay ibinabangon ng kanilang constituency. Siguro nga, kung maglalaban sila Bong, Jinggoy at Noynoy, baka kumain ng alikabok ang haciendero na walang malasakit sa mga magsasaka.

Sa kabilang banda naman, iyong mga dilaw na mga manok ni Noynoy sa midterm elections ay nangangamote. Halos hindi rumerehistro sa lahat ng survey ang pangkat ng dilaw. Si Bam Aquino lang ang pumapasok mula 15 hanggang 22. Ibig sabihin, malaki ang tiyansa ni Bam na maging senador ulit kapag 22 ang ibobotong senador sa 2019.

Dahil 12 lang ang kailangang iboto sa 2019, malamang maging warden na lang si Bam sa Senate penitentiary!

Mahirap ang dinanas nila Jinggoy at Bong sa selda, sila iyong mga taong likas na may kaya sa buhay at popular pero binaboy lang ng isang spoiled brat na champion sa Dota!

Noong mga unang buwan nila Bong at Jinggoy sa kulungan, gusto nilang bugbugin si Noynoy. Iyong tipong magpapalitan sila, hahawakan muna ni Jinggoy habang si Bong ang bumibira.

Pagkatapos ni Bong, si Jinggoy naman ang uupak habang hawak ni Panday!

Sa laki ng kamao nila Jinggoy at Bong na parehong praktisado sa boxing at muay thai, malamang pagapang lalabas ng Crame si Noynoy!

Pero dahil sa mga political development, ipinagpapasa-Diyos na nila si Noynoy. Para na rin silang nakaganti, alam nating lahat na Public Enemy No. 1 ngayon si Noynoy dahil sa Deng-vaxia massacre, Yolanda tragedy, SAF44 massacre at DAP scam!

allanpunglo@gmail,com

Tagged Under