5,039 guests

BoC, kailangan ng sapat na pondo, modernong gamit

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 812

Panahon na para bigyan ng Kongreso ng sapat na pondo ang Bureau of Customs para labanan ang ismagling.  

Sa totoo lang, ni isang bangka ay wala ang BoC.

Ang masakit, BoC ang sinisisi kapag nagkalat sa merkado ang mga itinitindang kontrabando.

Kabisado ng mga ismagler kung saan nila ibabagsak ang mga kontrabando para walang huli.

Kailangan ng BoC ng mga tauhan at sasakyang dagat para magampanan nito ang kanyang tungkuling pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga kontrabando.
   
Sa tingin natin ay maraming kontrabando ngayon ang ipinapasok sa bansa sa pamamagitan ng barko.
   
Alam ng mga ismagler na mahirap ngayong magpalusot sa pamamagitan ng technical smuggling.
   
Sobra kasi ang higpit ngayon ng mga tauhan ni Commissioner Nicanor Faeldon.
   
Nandiyan pa ang mga x-ray machine.
   
Sa ginagawang pagbusisi sa import documents, mabibisto talaga ang technical smuggling.
   
Ang tingin nga natin,  nasasaktan na ang mga ismagler, lalo na’t nandiyan pa sina CIIS Director at BoC spokesman Neil Estrella, Depcoms Ariel Nepomuceno at Teddy Raval.
   
Si Estrella ay isang retiradong opisyal ng Philippine Marines. Samantalang sina Nepomuceno at Raval  ay hindi na matatawaran ang accomplishments sa nasabing ahensiya. Sa katunayan, kamakailan lang ay pinarangalan na naman si Nepomuceno. Kinilala ang Enforcement Group ni Nepomuceno bilang may pinakamalaking huli ng droga sa buong bansa sa taong 2016.
   
Sana bigyan ng mga senador at kongresista ang BoC ng sapat na pondo para makabili ng mga patrol boat at iba pang gamit.
   
Kailangan nila ang mga modernong gamit upang lalo pang mapaigting ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ismagling at ipinagbabawal na droga.

* * *   

Naglabas na ng memorandum ang Department of Education (DepEd) na nagdedeklara ng moratorium on field trips.
   
Ang moratorium ay epektibo hangga’t hindi natatapos ang review ng related policies. “As the primary institution mandated to ensure access to quality basic education, it is imperative for the department to look after the security and safety of learners in its education-related activities,” ayon kay Education Sec. Leonor Briones.
   
Ang memorandum ay bunga ng isang bus accident sa Tanay, Rizal kung saan maraming estudyante ang namatay.
   
Ang mga namatay ay kasama ng iba pang  estudyante na magsasagawa sana ng field trip sa nasabing lugar.
   
Madalas ay pinapapirma ng isang waiver ang mga magulang kung may field trip ang paaralan.
   
Sa tingin ng marami ay hindi tama ang pagpapapirma dahil habang nag-aaral ang mga bata ay nasa pangangalaga sila ng mga guro.
   
Sila nga ang tumatayong magulang ng mga bata kaya hindi puwedeng talikuran ang obligasyong pangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral.
   
At kung maari lang ay tuluyan nang ipagbawal ang field trip sa mga paaralan.
   
Dagdag gastos lang ito sa mga magulang.

* * *   

Umaangal na maraming kapitan, sekretaryo at tresorero sa mga barangay.
   
Talo pa nila ang mga regular na empleyado ng gobyerno, lokal man o nasyunal.
   
Madami daw silang trabaho galing sa munisipyo.
   
Kawawa nga naman sila dahil maliit lang ang honoraria ng tinatanggap.
   
Dapat itaas man lang ang honoraria kung hindi sila puwedeng gawing regular na empleyado.
   
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-48765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang byong pangakan at tirahan.)