The best ka talaga, Gen. Guillor Eleazar!

November 01, 2018

ISA ang Undas sa mga panahon na kailangang-kailangan ang presensya ng mga kagawad ng Pulisya.

Kasama ito sa mga okasyong taun-taong pinaghahandaan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa posibilidad na gamitin din itong oportunidad ng ilan sa paghahasik ng lagim at kalokohan.

Kaya naman very visible ang mga pulis hindi lang sa mga sementeryo kundi maging sa bawat sulok ng bansa.

Sa Metro Manila, hindi matatawaran ang kasipagan ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar na ilang araw nang nag-iikot sa mga sementeryo at sa iba pang places of public convergence.

Tulad ng galing, higpit at sipag ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, kitang kita kay Eleazar ang dedikasyon nito sa trabaho.

Mahigpit ang bilin ni Eleazar sa kanyang mga tauhan na huwag lamang basta magmasid kundi pangunahan ang pag-iikot, pag-iinspeksyon at paniniguro na hindi makakalusot ang sinumang may balak na masama sa panahong ito.

Sabi nga ni Guillor, aba eh nakapaligid na rin ang mga pulis, ano pa bang gagawin nila? Tatayo lang?

Hindi naman anya pwede ang ganun kaya sila na mismo ang dapat mag-inspeksyon sa mga sementeryo.

Ngayon pa lang, labas na labas na ang tunay na ugali ni Eleazar -- ang pagiging workaholic at disciplinarian.

Mapapatunayan naman yan sa gigil ng Mama sa pagtupad sa tungkulin at ngitngit sa bawat pulis na naliligaw ng landas.

Pinakahuli nating nakita ang galit ni Guillor sa isang Manila police officer na si PO1 Eduardo Valencia, na inakusahan ng panggagahasa sa kinse anyos.

Ginamit pa nga ito ng manyakol na pulis bilang kapalit sa kalayaan ng mga magulang ng bata, na nahuli na gumagamit at nagtutulak ng droga.

Sabi nga ni Gen. Eleazar, “Walang lugar sa PNP ang mga ganitong bulok at walang-hiyang pulis na tulad nitong si Valencia. Sisiguruhin  natin na ipatatanggal ko yan sa serbisyo at kakasuhan ng kriminal charges para mabulok sa bilanggoan ang walang hiyang iyan.”

Sa galit ng respetadong heneral, napamura pa sa kalokohan ng kanyang tauhan.

Bulong sa atin ng mga malalapit na opisyal kay Eleazar ay bihira itong magmura pero sa kaso ni Valencia  hindi na napigilan ang nagpupuyos nitong galit

“Dahil sa mga bulok na tao tulad nitong pulis na ito, nasisira ang imahe ng buong PNP.” pahayag pa  ng NCRPO Director na ngitngit at galit habang kinompronta ang rapist na pulis.

“Punish the bad, and Reward the Good,” ang laging sinasabi ni Gen. Eleazar dahil kung gaano ito kagalit sa mga bulok na pulis, ganon naman katindi rin ang pagmamahal at pag- alaga niya sa magagaling na pulis.

Sa katunayan, nung huling isang linggo lang, nagsabit si Gen. Eleazar ng Medal of Achievement sa ilang PO1 at PO2 na mga taga Manila Police District na naging matapat sa kanilang mga tungkulin.

Mga katulad ni Gen. Eleazar ang kailangan ngayon ng PNP upang tuluyan nang maibangon ang imahe nito.

Ibang klase ka talaga sir. The best General ka talaga. Keep it up Kuya!