5,360 guests

Batuhin ng bugok na itlog ang IPU members!

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 226

SUMUSOBRA na ang mga pakialamerong Inter-Parliamentary Union o IPU.

Masyadong mabantot ang kanilang ginagawang pakikialam sa legal process ng bansa na humahantong
sa panghihimasok sa ating kasarinlan.

Ang pagdikta nila sa DoJ, sa Philippine court na palayain si De Lima na nahaharap sa kaso ng
illegal drugs ay sukdulang kababuyan na.
    
Nagmimistulang IPU-T o inter-parliamentary union na Tolongges ang kanilang mga kilos.
    
Una, sino kayong mga hayup kayo para pakialaman ang legal process ng Pilipinas? Pangalawa,
ano’ng alam n’yo sa isinampang kaso laban kay De Lima gayong nakikisakay lang kayo sa galaw ng
oposisyon na nag-feed sa inyo ng mga basurang impormasyon?
    
Bakit hindi rin kayo magpunta sa Amerika para diktahan ang US Drug Enforcement Agency na
palayain si El Chapo dahil sangkot din ito sa illegal drugs?
    
Nang makulong ang drug king ng Colombia na si Pablo Escobar bago pa siya napatay ay hindi rin
naman kayo nakialam sa kanyang kaso.
    
Wala namang nagsasabing guilty si De Lima tulad din ng iba pang high profile prisoners subalit
hindi rin tama na diktahan ng IPU ang Philippine government, lalo na ang judicial process ng bansa sa
gusto nilang mangyari.
    
Kung talagang gusto n’yong maging observer sa case trial ni De Lima, kailangang malinaw ang
inyong pakay. Ang tingin namin, bahagi lang ng propaganda ng mga gutom na makabalik sa puwesto ang
inyong ginagawa.
    
Kung ako lang ang masusunod, uutusan ko ang bawat Pilipino na batuhin ng kamatis at bugok na
itlog ang sinumang IPU member na makikialam sa legal process ng bansa.
    
Pambabastos na sa sobereniya ng estado ang pag-epal ng mga IPU-t na ito sa ating bayan.

* * *
    
Inilabas natin dito nitong Sabado ang tanong kung bakit hindi pa rin nakukulong si former DOTC
secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya sa kabila ng pagiging responsable nito sa mga problema ng MRT.
    
Ang huling balita, may nagsampa na ng plunder case laban kay Abaya at sa mga may kinalaman sa
misery na inaabot ng mga pasahero. Sana lang natuloy ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman kahapon
(Monday, Oct. 23).
    
Mukhang magkakatotoo na ang pagkakulong sa mga taong nagpabaya sa kanilang mga tungkulin at
nagbigay ng pabor sa kanilang mga kapartido sa LP para maging maintenance contractor kahit wala naman
ito sa kanilang kaalaman.
    
Ayon sa ating impormasyon, may mga kasunod pang masasampahan ng plunder kaya tiyak na mapupuno
ang Camp Crame Custodial Center ng former government officials.
    
Pero wala na sila sa posisyon, dapat siguro sa city jail na ikulong ang mga taong ito para
pagbayaran nila ang pahirap na ginawa nila sa ating mga kababayan.
    
Bukod kay Abaya, sinu-sino pa kaya ang susunod na kakasuhan ng plunder?
    
Ayaw nating pangunahan ang mga awtoridad kasi mas magandang abangan na lamang natin ang susunod
na kabanata.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.