6,395

Bantayan ang pasyalan ng mga tao!

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 266

AMINADO si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro S. Lapeña na meron pa ring “tara” sa aduana. 

Ito ay sa kabila ng pagsisikap ng liderato ng  BoC na wakasan ang mga katarantaduhan sa
pantalan.

Ang pag-amin ni Lapeña ay ginawa sa pagpapatuloy ng Senate hearing kaugnay ng shabu
smuggling.
    
Ang pag-amin ni Lapeña ay bilang sagot niya sa tanong si Senador Richard Gordon kung meron
pa ring “tara” sa aduana.
    
Si Gordon ay chairman ng Senate Blue Ribbon committee na nag-iimbestiga sa P6.4 bilyon na
shabu smuggling.
    
Ang nasabing smuggling ang naging mitsa para tanggapin ni Pangulong Duterte ang resignation
ni dating BoC Chief Nicanor Faeldon.
    
Pero sinabi ni Lapeña, isang retiradong heneral na pulis, na mas efficient ngayon ang BoC
in detecting shipments.
    
“Somehow, the number of goods or shipment that is shipped to the country that goes through
customs undetected has reduced,” ayon pa kay Lapeña.
    
Nakikita naman ito sa lumalaking koleksyon ng buwis at taripa sa aduana.
    
Sa katunayan, nalampasan ng BoC ang kanilang collection target noong nakaraang buwan.
    
Sa 17 collection districts ng BoC, 14 ang naka-break ng kani-kanilang tax take.
    
Tatlo lang ang hindi nakamit ang kanilang assigned tax take.
    
Paanong hindi magtatrabaho nang maige ang mga district collector eh, pinapalitan ni Lapeña
ang mga non-performing na opisyal.
    
Matatandaan na sinabi noon ni Lapeña na hindi unrealistic ang collection target ng BoC sa
taong ito.
    
Ang ibig sabihin nito ay kayang abutin o lampasan pa ng ahensya ang kanyang target.
    
Kaya nga closely monitored ni Lapeña ang ginagawa ng kanyang mga opisyal at tauhan.
    
Hindi puwedeng patulug-tulog ngayon, ang gusto ni Sir Sid ay tumaas ang koleksiyon at
gumanda ang serbisyo sa aduana.
    
Tama naman dahil hindi sila sinusuwelduhan ni Juan dela Cruz para matulog at manguyakoy.
    
Sa ipinakita ng mga taga-BoC noong nakaraang buwan, marami ang umaasa na makakamit nga ng
ahensya ang kanyang revenue target sa taong ito.
    
Pero, sa tingin natin, medyo mahihirapan lang sila ngayong buwan ng Marso dahil ngayon pa
lang nararamdaman ang epekto ng nagdaang Chinese New Year noong Pebrero.
    
Makikita naman ito sa mababang volume ng importasyon.

* * *   

Dalawang linggo na lang at magsisimula na ang summer vacation ng mga estudyante.
    
Puntahan na naman sa mga beach at resort.
    
Kaya dapat siguruhin ng mga otoridad na malinis ang mga swimming pool at beach  na
pinupuntahan ng mga bakasyunista.
    
Huwag balewalain ang kalusugan at kaligtasan ng mga taong maliligo sa mga pool at beach.
    
Mahirap magkasakit ngayon, lalo na ang mahihirap.
    
Ma-ospital ka lang ng isang araw ay libu-libong piso na ang sisingilin sa iyo ng ospital.
    
Kahit sa pampublikong ospital ay gagastos ka rin. Pamasahe, pagkain at kung minsan ay sa
labas ka bibili ng gamot dahil walang medisina ang ospital.
    
Kung ang pamosong Boracay island ay sinalaula ng ilang resort owners, baka ganyan din ang
mangyari sa ibang tourist destinations.
    
Dapat umaksyon ang lokal at barangay officials para bantayan ang mga pasyalan ng mga tao sa
kani-kanilang lugar.
    
Bilang lingkod-bayan, may mandato kayong pangalagaan ang kapakanan ng taumbayan.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #921-
4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)