7,374

Bakit nga ba, SOJ Aguirre?

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 411

MAY “katagalan” din naman, mga kabayan, na hindi tayo nakapunta upang ‘mag-cover’ sa Senado kung saan
kahapon lang ito naulit.

Ayos din naman dahil palapit ang Kapaskuhan, “nag-uumapaw” sa mga miron at mga pagdinig ang
Mataas na Kapulungan dahil tatlong mainit na isyu ang natalakay.
    
Una na rito ang isyu ng ‘Dengvaxia’ kung saan kahit “nagluluksa” ay nakita natin si ex-DOH
secretary, Janette Garin.
    
Kahapon ay may pagdinig (ulit) sa isyu ng ‘jeepney modernization’ kung saan sa labas ng Senado
ay nakita pa natin ang grupo ng mga nagpuprotesta laban dito.
     
Sa plenaryo naman ng Senado, ‘main issue,’ wika nga, ang pagdinig ng ‘Senate Committee on
Public Works’ ni Sen. Manny Pacquiao, sa isyu ng ‘RROW (road-right-of-way) Scam’ kung saan aabot umano
sa P8.7 bilyon ng pera ng taumbayan ang pinag-uusapan.
     
Kumbaga, binigyan ng ‘starring role’ ng Senado si Sen. Pacman dahil nga sa kanyang komite
ibinigay ang mismong ‘session hall’ nito.
     
Sa ating pagmimiron sa nasabing pagdinig, hindi maitago na “tamang duda” sa motibo at
kredibilidad nitong si Roberto ‘Boboy’ Catapang Jr., ang ‘main witness’ ni Sec. Vitaliano Aguirre sa
aniya’y “scam” sa RROW, ang madlang pipol at mga mambabatas.
     
Aber, masasabi nga ba talagang ‘credible witness’ itong si Catapang samantalang sa pagtatanong
ni Sen. Frank Drilon, “umamin” siya na kahit ang titulo ng lupa ng kanyang “lolo” ay kanyang pineke sa
ngalan ng kuwarta?
     
Hmm. Sa kanyang ginawa, natitiyak natin na “kulang” sa “pagmamahal” at “respeto” sa kanyang
lolo itong testigo ni Sec. Aguirre, bagay na wala sa kultura nating mga Pilipino kung saan ang
“paggalang” sa mga nakatatanda sa atin ang una nating natututunan, hindi ba, mga kabayan?
     
At sa ngalan  ng parehas na pamamahayag, lumabas din na ‘fake news’ ang unang sinabi nitong si
Catapang na “sabit” sa eskandalo sina Eldon Cruz at “ate” ni ex-PNoy na si Ma’am Balsy Aquino batay
umano sa “tatlong sulat” sa DPWH na nakita niya.
     
Dangan kasi, sa pagtatanong pa rin ni Sen. Frank at Sen. Bam ‘To the Rescue’ Aquino,
“ipiniyok” nitong si Catapang na “nanggaling” din sa kanilang sindikato ang sinasabing mga “sulat” ng
mag-asawang Cruz sa DPWH patungkol sa mga “kubransa” dito sa RROW.
 
Oops! Sa kanya pa ring pag-amin, sinabi ni Catapang na paggawa ng mga pekeng dokumento at mga
pekeng titulo sa lupa ang ‘expertise’ ng kanilang sindikato.
     
Kung ganito nga, aba’y “palundag” lang pala at malinaw na ‘political intrigue’ na “wala” naman
palang “sustansiya” ang sinasabi ni Sec. Aguirre hinggil sa pagkadawit sa eskandalo nitong bayaw ni
PNoy.
 
Sa panig naman ni ex-DPWH secretary, Rogelio Singson, nagtataka ang mga senador at miron kung
bakit inilagay pa siya ni Sec. Aguirre sa “ILBO” (immigration lookout bulletin order) ng BI,
samantalang “manipis” naman pala ang ebidensiya laban sa kanya na nakabatay lang sa mga katsang nitong
si Catapang?
     
Ang nakakapikon pa, err, nakakatuwa pa, aba’y kulang na lang na ‘mag-chorus’ sina Sen. Ping
Lacson, Pacquiao at Aguirre sa “pagpuri” sa “integridad” at “kredibilidad” ni Singson bilang lingkod-
bayan.
     
Kumbaga, panay ang papuri kay Singson pero, nasa ILBO pa rin siya, ahahay!
     
At dahil nasa ILBO, kailangan pa tuloy ngayon ni Singson na “magmano,” agh, “magpaalam” kay
Aguirre para lang makabiyahe palabas ng bansa, bagay na “tiniyak” naman ni Aguirre na pagbibigyan
niya!
     
Kung ganito nga, eh, bakit pa? Eh, bakit nga ba, Sec. Aguirre, hehehe!
     
Kung kahit si Sec. Aguirre ay “bilib” dito kay Singson pero inilagay pa rin siya sa ILBO,
hindi ba... “injustice” ang tawag dito, CHR, chairman, Chito Gascon?
     
At teka pala, sa susunod na pagdinig, puwede na sigurong itanong ng mga senador, bilang ‘test
of credibility’ nitong si Catapang, ang nakuha nating “info” na nasa ‘drug personality list’ ng GenSan
PNP at PDEA Region 12, itong si Catapang?
     
Sa ganang atin, importante ito dahil... puwede bang paniwalaan ang testimonya ng isang
hinihinalang ‘drug lord?’
     
Huwag na ’yung una nating naisulat na “binoldyak” ng husto sa isang sulat itong si Catapang ni
ex-AFP chief, Gen. Gregorio Catapang dahil, “pinatotohanan” na ito kahapon ni Sec. Singson.
 
“Ang gusto nga niya (Gen. Catapang) ipakulong ‘yan (Roberto),” banggit pa sa atin ni Singson.
     
Eh, paano makukulong samantalang ‘state witness’ pa siya ngayon, hahaha, ayy, huhuhu!
 
Abangan!