6,031 guests

Bakit malambot si Secretary Duque sa Dengvaxia issue?

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 166

Hala bira!

TUMATAAS ang bilang ng mga sinasabing pasyente na namatay dahil sa pagkaturok ng Dengvaxia vaccine.

Kinumpirma ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ang bakuna ng Sanofi na binili ng riding-in-tandem na sina former President Noynoy Aquino at former Health Secretary Janette Garin sa halagang P3.5 bilyon.

Magmula nang pumutok ang panganib ng bakuna sa naturukang 830,000 kabataan at mga adult, hindi na napanatag ang marami nating kababayan.

Natigil ang imbestigasyon sa eskandalong ito at inaasahan nating sa pagbubukas ng sesyon ng Senado at Kongreso sa Lunes ay muling bubuksan ang isyu para malaman kung sino ang dapat managot dito.

Kapansin-pansin na malambot si Health Secretary Francisco Duque sa isyung ito, lalo na ang pagsingil sa pananagutan nina Garin at Noynoy.

Inilagay ng mga taong ito sa peligro ang halos isang milyong mamamayan kaya hindi papayag ang ating mga kababayan na basta na lamang silang palusutin.

Pero habang papalapit ang muling pagbubukas ng imbestigasyon, may mga inilalabas na alegasyon ang VACC na si Duque ay Senior Adviser ni Garin noong ito ay kalihim ng DoH.
    
Kailangang linawin ni Duque ang alegasyong ito dahil mabibigyan ng malisya ng ating mga kababayan ang tila paggamit ng kid gloves ng kalihim kina Garin at Noynoy.
    
Inaakusahan ng VACC si Duque na bahagi ng cover-up ang kanyang matamlay na pagtrato sa isyu na bad news para sa mga nag-aalalang mga pasyente.
    
Naku po, kailangan siguro si Pangulong Duterte ang mag-utos kay Duque na ilantad nito sa publiko ang kanyang working relations kina Garin at Noynoy para malaman natin kung dapat siyang mag-inhibit sa imbestigasyon o maging bahagi ng pag-iimbestiga ng dalawang kapulungan.                 * * *
    
Congratulations sa kaibigan nating si Police Community Relations Group Director, Chief Superintendent Rodel Sermonia sa pagbagsak ng estrelya sa kanyang balikat.
    
Malaking bagay sa PNP ang PCRG dahil kayod-kabayo ito sa paglulunsad ng mga programang magbabangon sa reputasyon ng organisasyon.
    
Nakita natin up close and personal ang pagsisikap ni General Sermonia na tulungan si General Bato na maibalik ang kompiyansa ng publiko sa ating mga pulis.
    
Ang PCRG ang namamahala ng Police Digests na ginawa nilang tabloid bilang Pulis Serbis Balita, radio program at mga information campaign para sa magandang relasyon ng PNP at ng community.
    
Nasubaybayan natin ang career ni General Sermonia mula sa Caloocan City, sa PNP-CIDG at Bataan provincial police chief kaya hindi tayo nagtataka sa maayos niyang pag-manage sa PCRG.
    
Mabuhay ang PCRG!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.