5,054 guests

Bakit hindi pa rin nakukulong si former Secretary Abaya?

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 295

Sumisikip ang aking dibdib sa tuwing pinabababa ang mga pasahero ng MRT at pinaglalakad sa mga riles.

Nagiging normal na ang pagkasira ng tren sa araw-araw kaya ang biruan ay hindi na ito balita
bagkus ay bahagi na ng ating sistema.
    
Maging ang pila ng mga pasahero na para na ring riles sa haba ay hindi nagbago. Ang mga
kababayan nating pumapasok sa araw-araw ay kailangang makipagbasagan ng mukha para lang makasakay.
Humahaba ang pila dahil sa una ay matagal ang interval o makupad ang dating ng tren at pangalawa,
inaabot ng sira ang mga bagon.
    
At ang lahat ng ito ay nangyayari dahil sa mga taong katulad ni former DOTC   Secretary Joseph
Emilio Abaya na ang naging misyon sa buhay ay mag-iwan ng malaking problema sa ating mga kababayan.
    
Hindi hamak na mas matagal ang LRT na ang ruta ay mula Monumento hanggang Baclaran na na-extend
na nga hanggang Roosevelt, Quezon City kung ikukumpara sa MRT3 na nasa Edsa.
    
Pero ang LRT, madalang pa sa patak ng ulan magkaaberya samantalang ang MRT 3 ay mas madalang pa
sa patak ng ulan tumakbo nang matino.
    
Nagsimula lang naman ang problema ng MRT dahil sa pagpaalis nina Abaya at ng kanyang pangkat sa
Sumitomo bilang maintenance contractor. Ang Sumitomo ay Japanese company na ang expertise ay ang pag-
aayos at pagmamantini ng mga tren.
    
Nang mag-expire ang kontrata ng Sumitomo noong 2010, mistulang pinahirapan sila ng DOTC. Naging
every six months na lang ang renewal.
    
Paanong magiging epektibo ang maintenance kung six months lamang ang kontrata gayong ang
karaniwang proseso sa pagbili ng spare parts ay inaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan?
    
Kaya ang ending, inalis na sa Sumitomo ang kontrata para naman ibigay naman sa PH Trams-CB&T na
noong makuha ang kontrata ay dalawang buwan pa lang naitatayo, may capitalization na P2.5 milyon. At
ang pinakamatinding qualification ng PH Trams ay pag-aari ito ng isang Liberal Party na taga-
Pangasinan.
    
Ang background ng Sumitomo ay dalubhasa ito sa train maintenance at sa pagtatayo ng tren sa
iba’t ibang bahagi ng mundo samantalang ang PH Trams ay hindi man lang ’ata marunong mag-ayos ng gulong
ng bisikleta!
    
Maraming beses nang nagkaroon ng imbestigasyon ang Ombudsman at ang Senado sa sitwasyon ng MRT
subalit ang nakapagtataka, bakit hindi pa rin nakukulong ang mga taga-Liberal Party na sumalaula sa
sistema ng ating tren.
    
Ang hinihintay ko ay mapadaan si Pangulong Duterte sa Edsa para makita niya ang kalunus-lunos
na kondisyon ng tren at ng ating mga kababayang nakapila.
    
Hindi ko alam kung nakakatulog pa si Abaya at ang kanyang mga kapartido sa LP dahil sa
sinasapit ng ating mga kababayan na araw-araw pinabababa sa tren para maglakad sa riles.
    
Nasaan na ang mga taong katulad ni Abaya at mga taga-PH Trams? Bakit hindi pa kinakadena ang
kanilang mga paa para pagbayaran ang pahirap na ginawa nila sa bayan?
    
Wala man lang tayong nababalitaang mga dating DOTC official na nagpakamatay dahil sa kahihiyan.
    
Kunsabagay, kasing kapal ng riles ng tren ang kanilang mga mukha kaya hindi na tayo aasang
papasok sa isip nila ang paghaharakiri.
    
Ang mas matindi, sila pa ngayong mga taga-LP ang agresibong bumatikos sa Duterte administration
gayong halimaw sila sa kanilang kapalpakan noong sila ang nasa puwesto!
    
And by the way, iyong P3.8 bilyon Dalian train na binili ni Abaya ay malamang pakapitan na lang
ng talaba dahil hindi naman ito compatible sa riles ng MRT.
    
Buhay pa kayo!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.