Bakit ‘excited’ ang Manilenyo kay Lim?

October 04, 2018

Batay sa naging reak-syon ng sandamakmak na dumalo sa mass oath-taking ng mga miyembro ng partidong KKK (Kapayapaan, Kaunlaran at Kataru-ngan) ni dating Manila Mayor Fred Lim, maliwanag na hindi pa rin nababawasan ang po-pularidad nito sa hanay ng mga ordinaryong mamamayan ng Maynila.

Sa aking pag-cover sa nasabing okasyon, maging ako ay nagulat sa pagdagundong ng Open Air Auditorium sa Luneta nang sumulpot na si Lim sa entablado. Hiyawan, pa-lakpakan at walang patumanggang picture-taking ang sumalubong kay Lim mula sa may 7,000 lider at miyembro ng KKK na nagmula sa iba’t ibang distrito ng lungsod.

Pinatunayan ng mga lider ni Lim na sila ay nariyan pa rin upang sumuporta sa napipintong muling pagtakbo nito bilang alkalde sa 2019 at talaga namang nakakapanindig-balahibo ang pagkakagulo nila at maki-kita sa kanilang reaksyon ang tila sobrang panana-bik kay Lim.

Naging mainit din ang pagtanggap ng mga lider ni Lim sa mga bisitang dumalo at sumuporta sa nasabing oath-taking na kinabibilangan nina PDP- Laban Manila Council President Penelope Belmonte na executive director din ng National Parks Development Committee, PDP-vice president for NCR Engr. Salvador Ty, DILG Undersecretary Martin Dino at nina BuCor Hhief Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa at Congressman Monsour del Rosario na parehong nababalitang tatakbong senador.

Naroon din si PDP-Laban public information officer Ron Munsayac at siyempre pa, si PDP-Laban national president Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na siyang nagpasumpa sa mga taga-KKK na ngayon ay mga miyembro na din ng PDP-Laban.

Marahil, ang panana-bik ng mga lider ng KKK nang makita si Lim ay dahil na din sa maraming tsismis na ipinakakalat ng mga kalaban ni Lim sa pulitika na kesyo ito ay mahina na at maysakit o ’di kaya ay hindi na daw ito tatakbo pang muli.

Akala kasi ng iba, ordinaryong senior citizen si Lim pero ang sabi ng mga tunay na nakakakilala sa kanya, ito ay ‘made in Germany’ dahil bukod sa walang sakit ay talagang malakas pa ang pangangatawan nito. Sa katunayan, marami sa mga binibigyan nito ng libreng wheelchair ay malaking di hamak ang bata sa kanya. 

May mga ginagawa namang isyu ang kanyang edad pero sa totoo lang, ang tinatawag na ‘wisdom’ o malalim na karunungan ay hindi makukuha sa mga bata na hilaw sa karanasan at kaalaman.

Isyu nga ba ang edad? Para sa mga ’di nakakaalam, maraming sikat at magagaling na world leaders ang higit na may edad kay Lim pero nariyan pa rin at epektibong pinamumunuan ang kanilang bansa.

Halimbawa na lang ang 93-anyos na si Mahathir Mohamad, na ika-apat at ika-pitong Prime Minister ng Malaysia na aabutin ang edad na 95 sa pagtapos ng kanyang kasalukuyang termino, batay sa kanyang pahayag sa interview sa kanya ng CNN.

Nariyan din sina President Robert Mugabe ng Zimbabwe na kelan lang ay nagdiwang ng kanyang ika-91 kaarawan; Queen Elizabeth ng United Kingdom na ngayon ay 89 na at patuloy pa ring namumuno; Beji Essebsi ng Tunisia, na 88 anyos na; Abdul Halim ng Kedah, Malaysia, 87, na magsisilbi ng limang taon at marami pang iba.

Kung tutuusin, bentahe din ni Lim ang kanyang edad dahil hindi naman niya ito inabot nang wala siyang ginawang mabuti para sa mga mamama-yang taga-Maynila.

Bukod sa kanyang ‘womb to tomb’ program kung saan nagbibigay ang lungsod ng libreng serbis-yo mula pa lamang sa estado na ipinagbubuntis ang isang taga-lungsod hanggang sa ito ay maihatid sa huling hantungan, hindi maikakaila na nagtala si Lim ng re-kord bilang una at marahil ay katangi-tanging mayor na nakapagpatayo ng unibersidad na nagbibigay ng libreng college education para sa mahihirap na kabataan na gustong magtuloy sa kolehiyo pero walang pera para gawin ito.

Lahat ng itinatag ni Lim sa Maynila -- kasama na siyempre pa ang anim na libreng ospital para sa anim na distrito ng lungsod -- ay pawang pangmatagalan ang dulot na benepisyo. Hindi kasi uso kay Lim ’yung pamumudmod ng mga bagay na sandali lang,  ubos na. Malamang, hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng mga taga-Maynila na nakinabang ang tulong na nakuha nila mula sa mga proyekto ni Lim kaya ganoon na lang kainit ang nagiging reak-syon ng mga ito kapag nakikita siya saan mang bahagi ng Maynila.

*** 

Beauty tip -- Always keep your skin dry. Prolonged hours of wetness may cause infection. (Source: Dr. Rosary May Canay-Diaz of Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa/4108424/4669596/09178038240/ 025053987)

*** 

Jokjok (from Angelica Oreta of Quezon City)
-- Dalawang Amerikano nasa loob ng elevator kasama ang isang Pinoy, pa-puntang ground floor nang may pumasok na isa pang Pinoy -- PINOY 1 to PINOY 2: Bababa ba?/PINOY 2: Bababa/AMERICANS (whispering to each other): Oh my gosh! Are they aliens??

***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to itchiecabayan@-yahoo.com or text 0927-7169778.