Bagong Provincial Director ng Laguna inisnab ang grupo ng Media

November 01, 2018

HINDI na kami binigyan pa ng pagkakataon ng aking mga opisyales at miyembro ng Camp Paciano Rizal Press Corps (CPRPC) ng bagong talagang Provincial Director ng Laguna PNP na si PSSupt. Eleazar Matta para makapag Courtesy Call sa kanya noong nakaraang araw ng Lunes dahil kami daw ay hindi on time.

Nakatakda kaming mag-Courtesy Call sa kanya ng alas-10 ng umaga subali’t naantala ang iba pang kasamahan namin dahil nagmula pa ang mga ito sa lungsod ng San Pedro, Binan, Cabuyao at Calamba.

Sa kadahilanang walang sasakyan ang iba sa aking mga kasamahan kaya hindi inaasahang maantala ang mga ito habang kami naman ng ilan sa aking mga kasamahan ay andun na sa aming opisina ng pasado alas- 9 ng umaga at naghihintay.

Bago ito, nag-usap na kami ni PIO Mam PSI Catherine Ilao, Biyernes ng hapon bukod pa ni Mam Domes na alas-10 ng umaga kami mag- Courtesy Call kay PD Matta at sinabi nila na okey daw.

Paki wait lang sabi ko kay Mam Domes at paparating na ung iba na galing pa ng First District.

Ang nakapagtataka lamang nito bakit nang dumating kami sa opis ni PD Matta ay biglang nag-react ito at sinabi sa amin na, “Kinansel ko nga ang iba kong lakad dahil sa inyo, alas- 9 pa akong naghintay”.

Sino kaya ang nagsabi kay PD na alas-9 ng umaga kami mag-Courtesy Call sa kanya samantalang kausap ko nga si Mam Ilao at Mam Domes.

“Dapat On Time, American Time” Ang sabi pa niya sa amin, may importante daw siyang lakad at kausap na Mayor kaya hindi na niya kami mahaharap.

Nabigla kaming lahat dahil hindi namin ito inaasahan na magsalita siya sa amin ng ganun na kahit kelan ay hindi namin narinig sa mga nakaraang PD ng Laguna maging ang nakatalagang RD.

Bilang ako ang Pangulo ng aming samahan, sinabi ko na lamang sa kanya na baka po puede Sir na kayo na lamang po ang mag-schedule kung kelan po maluwag ang inyong oras? Ang sagot naman niya  sa akin.. Mahirap yun sabay alis.

Wala man lamang sinabi sa amin na akyat muna kayo sa opis at magkape, o di kaya’y tawagan ko si PIO at siya na muna bahala sa inyo, walang ganun!

Bilang pag-respeto sa kanya kaya pinagplanuhan namin gawin ang mag- Courtesy Call na dati naman talaga itong ginagawa kapag may bagong talagang opisyal para na rin makilala nito kung sinu-sino ang mga opisyales at miyembro ng aming samahan at saan kami connected, TV, Radyo at Print Media.

Magkatuwang kami sa trabaho sa araw-araw kaugnay ng ginagawa namin na mga balita partikular ang magagandang accomplishments ng kanyang mga tauhan sa iba’t ibang bayan, kaya lamang tila hindi kami mahalaga sa kanya.

Kaya naman hindi maiwasang magbigay ng kabi-kabilang komento at reaksiyon ang grupo bakit ganito?

Kapag ba nagpatawag siya ng Media pag may maganda siyang accomplishments, sasabihan ba niya na dapat American Time?

Kami ang matagal ng naka base dito sa Laguna at binigyan kami ng opisina ng mga nakaraang PD, tapos tila balewala yata kami?

Ang karaniwan pa ngang sinasabi ng mga bagong talagang PD kapag nag Courtesy Call kami, Suportahan at Tulungan ninyo ako sa aking mga programa subali’t taliwas ito.

Tungkulin namin lahat ng grupo ko sa Media ang gumawa ng balita kung ano ang mga kaganapan sa Laguna partikular ang maigting na kampanya ninyo sa droga at laban sa iba pang kriminalidad.

Inaasahan at nakamasid ngayon ang mamamayan sa Laguna sa inyong liderato PD Matta, mapantayan o mahihigitan pa kaya ninyo ang magagandang accomplishments ni dating PD PSSupt. Kirby John Kraft na laging laman ng mga balita sa TV, Radio at Diyaryo ang kanyang magagandang accomplishments. Bagong “PD” ng Laguna, “galit” sa media?

BAGO ang lahat, muli tayong nagpapasalamat sa lahat ng mga miyembro ng National Press Club (NPC) na dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ng ating ika-66 anibersaryo noong nakaraang Lunes, Oktubre 29.

Sadyang naging masaya at makubuluhan ang okasyon dahil sa inyo.

At siyempre, mainit ulit na ‘congratulations’ sa ating ‘awardees’ na sadyang “pinili” ng NPC board sa paniwalang ‘truly deserving’ sila sa ibinigay nating pagkilala kaya… congrats ulit,

PCOO secretary at NPC lifetime/honorary member, Sec. Martin Andanar; DOST secretary, Fortunato dela Pena; NCRPO director, Guillermo Eleazar (advance happy birthday na rin!); DENR undersecretary at ex-NPC president, Benny Antiporda; PTFoMS executive director/undersecretary at ex-NPC president, Joel Sy Egco;

DPWH undersecretary, Engr. Roberto Bernardo; DPWH Road Management director, Engr. Virgilio Castillo; National Commission for Culture and Arts (NCCA) executive director, Rico Pableo; at,  Intramuros Administration (IA) director, Atty. Guiller Asido.

Pagbati rin at mainit na ‘Thank You!’ sa ‘MEDGATE Philippines’ sa pangunguna ni Pres. Stavros Athanasiou at Dr. Arlene Claudio, sa naging ‘renewal of partnership’ ng NPC at MEDGATE kung saan “libre” ulit, sa loob ng isang taon, ang ‘medical consultation’ ng mga kasapi ng ating samahan sa mga doktor at iba pang mga ‘medical experts’ ng MEDGATE.

Sa dami ng mga tinatamasang “tagumpay” ngayon ng NPC dahil na rin sa mahusay at matinong liderato ng ‘Press Freedom Party,’ “akma” talaga ang ating ‘theme’ na ‘Soaring High at 66!’

Marami pang mga proyekto at programang “ikinakasa” ang NPC sa mga darating na araw, mga kapatid, at ang ating tanging “pakiusap” ay ito: patuloy nating suportahan— at ipagtanggol sa mga “kurimaw”— ang NPC, tama ba, NPC lifetime member, Ernie Reyes? Salamat din for being a great host (again, hehehe).

***

Kasama sa mga kasapi ng NPC na “bumiyahe” pa mula sa Laguna para makiisa sa NPC anib noong Lunes ay ang grupo mula sa ‘Camp Paciano Rizal Press Corps’ sa pangunguna ni kasamang Dick Garay.

At natutuwa naman tayo para dito sa ating kaibigan, na si S/Supt. Kirby Kraft, dahil ‘promoted’ na (naman) pala siya at ngayon ay nalipat na sa Highway Patrol Group.

Yun nga lang, PRO4-A director, Chief Supt. Edward Carranza, kung gaano ka “kalapit” sa media, eh, may “sariling mundo” yata itong ipinalit mo kay PD Kraft na si Senior Supt. Eleazar Matta?

Translation: May “galit” ba si PD Matta sa media? O baka naman, “mababa” lang ang respeto niya sa mga media d’yan sa Laguna?

Sa kuwento kasi ni kasamang Dick at iba pang mga “kapatid” natin sa hanapbuhay, noong nakaraang linggo pala, hindi natuloy ang kanilang ‘courtesy call’ kay PD Matta dahil hindi umano sila nakarating ‘on time, dapat American time,’ kaya “nilayasan” na lang sila nitong bagong ‘Top Cop’ ng Laguna.

Wala na rin umanong katiyakan kung may mangyayari pang ‘courtesy call’ ang media dito kay PD Matta dahil sa mga naging sagot sa kanila, hindi naman yata ‘priority’ nitong si kernel ang relasyon ng PNP Laguna at media.

Sa nabasa pa nating kolum ni kasamang Dick sa isang local tabloid, ang ‘top priority’ yata nitong si PD Matta ay ang ‘local mayors’— na kapag may mga press conference, ang kanilang grupo rin ang tinatawagan para sa ‘coverage.’

Tsk,tsk,tsk!

Bilang reporter, mga kabayan, ‘antagal akong ‘nag-cover’ sa Laguna PNP at kung tama ang hugot nina

Dick, ‘first time’ talaga na “nabastos” ang media ng provincial police director.

Aber, panahon pa na si Rizal Rep. Rey Acop pa nga ang “RD” noon, ‘Calabarzon beat,’ partikular na ang Laguna PPO, ang ‘assignment’ ko noon.

Kaya marami na rin tayong naging “karanasan” na makasalamuha” ang mga pulis d’yan; karamihan pa nga sa mga naging matataas na opisyal ng PNP, kasama na ‘yung mga nagretiro (at namatay), d’yan sa Calabarzon natin nakilala at naging mga kaibigan.

And yes, RD Carranza, wala kaming naging karanasan na ganyan, hindi ba, kasamang Noel Alamar at Arnel Ozaeta?

Sa ganang atin naman, “ganyan talaga ang buhay” mga “kapatid.” Huwag na tayong maging mga “pusong-mamon.”

Let us disabuse our minds that because we are members of the press, we should also relish this ‘culture of entitlement’ that seems to have gripped nowadays the mind of PD Matta because he is now in such a powerful— and juicy— position.

Aber, hindi ba totoo na “isa” ang Laguna sa mga “pinag-aagawan” na puwesto sa Calabarzon? Kung bakit, “alam na this,” hindi ba, kasamang Ed Amoroso, hehehe!

At hindi naman sapat ang ganyang ‘experience’ para hindi natin ipakita ang ating propesyunalismo bilang mga mamamahayag, tama ba, PTFoMS executive director, Joel Sy. Egco?

Translation? Kung ayaw ipakita ni PD Matta ang kanyang pagiging propesyunal at pagrespeto sa media eh, di… wow, ayy, eh, ‘di huwag, hehehe! Bahala siya, hihihi!

At simple lang din ang dapat “sagot” ng media sa ganyang “asal,” hindi ba mga kapatid, kaya… hatawin, err, abangan ang mga susunod na kabanata, hehehe!