4,366 guests

Bad news pa rin sa oposisyon ang rating ni Duterte

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 336

Hala bira!

NAKU, parang natubigang palaka na naman ang mga taga-oposisyon!

Humataw na naman sila ng kaliwa’t kanang motherhood statement bilang reaksiyon sa pagbaba ng rating ni Pangulong Duterte.

Nag-uumapaw ang kanilang saya, naglulundagan sila sa sigla parang mga naka-jackpot sa loterya.

Nakumpleto sana ang inyong saya kung tumahimik kayo at nagmasid habang pinapanood ang pamamahala ni Duterte.

Isipin n’yong mabuti, magmula nang maupo si Duterte, wala namang ginawa ang oposisyon kung hindi magpukol ng kung anu-anong imbentong isyu laban sa Presidente.

Wala itong iniwan sa isang taong nadatnan n’yo sa isang kuwarto, hinataw n’yo nang todo, pinagtulungan n’yong gulpihin at nilunod n’yo pa. Tapos naglabasan kayong lahat, inabangan n’yo sa kanto ang inyong ginulpi.

Nang makita n’yong hinang-hina, sira-sira ang damit, basag-basag ang mukha, nagpalakpakan kayong lahat: O, kita mo na, ang dungis, parang mamamatay na, walang lakas at halos hindi magkandagulapa.

E, talaga palang may diperensiya kayo, natural ganyan ang mangyayari.
    
Pero aminin n’yo, hindi ’yan matatawag na sweet victory!
    
For the sake of your happiness, sabihin natin na bagsak ng 14 to 18% ang ratings ni Pangulong Duterte. Huwag din nating kalilimutan na parang senaryo lang ’yan bago mag-eleksiyon.
    
Wala namang pumansin kay Duterte noong tumutunog na kakandidato siya. Katunayan, zero rating naman siya noong 2015 at minamaliit siya ng political bigwigs.
    
Hanggang sa huling quarter ng 2015 ay 3% lang ang rating niya dahil unang-una, hindi naman siya national figure at that time.
    
Pero nang magsimula nang lumabas si Duterte kahit hindi pa rin siya opisyal na kandidato, nakasungkit naman siya ng 11% kaya medyo napansin na siya. Pero kahit ganoon, hindi pa rin sila na-threaten dahil iyong leading sa survey ay 24% at iyong segundo ay 18% at ang isa pang nasa winning circle na ay 15%.
    
Iyong Duterte, nasa buntot ng eroplano at parang hindi seryosong kandidato. Pero ’di ba, ginulantang tayong lahat nang biglang lumipad ang kanyang rating habang papalapit na ang eleksiyon?
    
One week before election, 34% na si Digong at iyong dating number one ay 22% na lang.
    
Palibhasa’y sina Binay at Grace Poe lang ang nagiba, hindi na matinag si Duterte sa unang puwesto hanggang sa finally, maging Pangulo.
    
Ganyan ang rating niya ngayon, maaaring mababa pero huwag nating kalilimutan, mataas pa rin ang +60 para sa trust rating. Kailan lang, mismong US Pew survey ang naglabas ng resulta na 86% ang trust rating ni Duterte.
    
At huwag din nating kalilimutan na bukod sa bugbog ng oposisyon sa loob at labas ng bansa, tingnan n’yo mabuti kung kailan itinaon ang survey. September 23 iyon, dalawang araw lang matapos ang national day of protest bilang komemorasyon ng 45th year ng martial law ni Marcos.
    
So, sa ngayon, magtagayan muna ang mga kritiko habang pinupulutan ang bumabang rating ni Duterte. Kung ’yan ang magpapasigla ng inyong mga political appetite, okey lang ’yan.
    
Pero sa kabila ng latest survey result na pinutakti at kinondisyon ng SWS mula sa EJK, “hindi nanlaban”, 7 out of 10 “takot mabiktima”, mas inaasahan natin ang 60% decline ng rating ni Presidente at 14% na lang ang maiiwan.
    
Lahat ng factor ay ginawa nila para hatakin pababa si Digong pero may natira pa ring +60% kaya kung susumahin, bad news pa rin ito para sa kanila kaya inaasahan nating sa mga susunod na araw, mas magiging matindi pa ang pag-atake at mas maghahanda ng mga leading questions ang SWS para mas maging masaya sila na may fireworks.
    
Pero at the end of the day, hindi pa rin mabubura ang katotohanan na tinalo sila ng isang kandidatong promdi!
    
Boom!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.